43

434 16 33
                                        


Tatlong buwan na simula nang maging kliyente ni Rehan ang ex niya, si Eiriane. Hindi naman si Eiriane ang may kaso, ang Papa niya raw. Sinasangkot kasi sa malawakang bentahan ng drugs ang Papa niya para sirain ang pangalan nito sa Senado. Kaya si Rehan agad ang nilapitan ni Eiriane dahil alam niyang magaling ito.

Wala naman akong reklamo dahil gusto ko rin namang pairalin ang katarungan. Likas sa pagkatao ko ang pagiging maintindihin kaya kahit wala na masyadong time sakin si Rehan ay iniintindi ko na lang din pero... laging may pero.

Naging cold na siya at syempre normal din naman akong babae kaya normal ding magselos ako. Pinipigilan ko na lang ang sariling magreklamo kasi kliyente niya nga si Eiriane.

Kalma lang Soleil. Hindi ka ipagpapalit okay?

"Arish wala ka bang natitipuhang babae? Kailangan ni Ali ng ina", sabi ni Tita Amara habang kumakain kami.

Taon-taon ang family dinner nilang ganito sabay sa anniversary nila Tito at Tita. Noong una akong nainvite dito wala si Rehan, 'yun 'yung time na hindi pa kami magkakilala pero ngayon kami na.

"Ma, I can be his Mom and Dad at the same time", sagot ni Kuya Arish.

"My Mom is ate doctora!" singit ni Ali.

"Apo, that's rude. Girlfriend siya ng Uncle Rehan mo", malumanay na saway ni Tito Zayan.

"Okay lang po Tito. Simula po noong Family Day ng school nila tinatawag niya na po akong Mom", ngumiti ako.

"Sabagay pwede ka ng maging Mommy ate", kumindat sakin si Shazia. "Right Mom?"

"There's no way I'm disagreeing with that 'nak", kumindat pabalik si Tita Amara. "I think it's time for the both of you to marry para mabigyan niyo na rin ako ng apo", tumawa kami sa sinabi ni Tita Amara.

"It's our life so don't meddle with it", binagsak ni Rehan ang gamit niyang kubyertos.

"Manners, son", sumeryoso ang tingin ni Tito Zayan kay Rehan.

"Chill ka lang ano ba", marahan kong hinaplos ang braso ni Rehan.

"I've lost my appetite. Excuse me", tinabig niya ang kamay ko at mabilis na umalis sa hapag.

Saglit kaming natahimik pero tumuloy na rin kami sa pagkain. Pinigilan ko ang luha na nagbabadyang tumulo sa mata ko. Kumirot kasi ang puso ko katulad dati, sobrang sakit.

"I'm so sorry sa inasal ni Rehan kanina", hinaplos ni Tita Amara ang pisngi ko.

Nasa bukana kami ng bahay nila at paalis na ako.

"Okay lang po. Baka stressed lang po siya sa work", ngumiti ako kahit sobrang hirap nang ngumiti.

"Ako na ang bahala doon kay Kuya Rehan, Ma", lumabi at umirap si Shazia.

Hindi ko na nakita si Rehan noong paalis na ako. Sila Kuya Arish at Ali ang naghatid sakin sa gate.

"Why did Papa Rehan acted so rude kanina po?" inosenteng tanong ni Ali.

"Baka pagod lang sa work baby", lumuhod ako at hinaplos ang buhok niya. "Kiss mo siya mamaya para sakin okay?"

"Pero he's rude", lumabi siya.

Lumuhod sa tabi ni Ali si Kuya Arish. "Kiss mo nga raw for your ate doctora", sinulyapan ako ni Kuya Arish at tipid na nginitian.

"Fine", mas lumabi pa si Ali.

"Goodnight na baby. Kiss mo nga ako", hinarap ko ang pisngi sa kaniya.

"Mwuah!" sabay halik sa pisngi ko.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon