3

1.3K 45 16
                                        


Naramdaman kong malambot ang hinihigaan ko pero ang huling natatandaan ko naman e natulog ako sa lap ni Noella. Ang lambot naman at bakit sakop ang buong katawan ko?

Iminulat ko ang mata ko at narealize kong nakauwi na pala ako. Paano ako nakauwi at bakit nahihilo ako? Hindi ko na muna pinansin ang mga tanong sa isip ko dahil nagugutom na talaga ako.

Lumabas ako sa kwarto at naabutan ko sila Mama at ate MJ na nagkwekwentuhan sa kusina. Sobrang dry ng lalamunan ko at mabuti na lang ay inabutan ako agad ni ate MJ ng tubig. Tinanong nila ako kung anong gusto kong kainin dahil 11 pm na rin at hindi pa raw ako kumakain.

"Noodles na lang po", sagot ko kaya agad na nagluto si Mama.

Habang kumakain ay nag-iba ang timpla ng mood ko, kung kaninang pagkagising ay medyo ayos lang, ngayon naman ay para akong may period at naaasiwa ako sa presensya nila. Hindi na sila nagtanong at hinayaan akong kumain. Mayamaya pa ay bumalik na kami sa kama. Tinabihan ako ni Mama at pinakwento ko sa kaniya kung anong nangyari dahil wala talaga akong matandaan bukod sa nanunuod lang ako kanina ng sine at nahiga sa lap ni Noella.

"Lumabas ka raw mag-isa tapos pagbalik mo ay nagsolo ka daw sa madilim na parte ng sinehan. Hindi raw alam ng mga kaibigan mo na umiinom ka na pala ng alak," kwento ni Mama sakin.

Napaawang ang bibig ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nawala ang pagkahilo ko kaya mas lalo kong itinuon ang atensyon sa kwento ni Mama.

"Nagdidilig ako ng mga halaman bandang alas kwatro ng hapon nang tawagin ako ng Papa mo. May tumawag sa kaniya at sinabing nasa mall ka raw at lasing," patuloy niya sa kwento kaya bigla na lang akong nahiya kay Mama.

Kinwento ni Mama ang kwento sa kanila ni Linhay na purong kasinungalingan. Putangina. Paulit-ulit akong nagmumura sa isipan ko. Nagawa akong traydorin ng mga kaibigan ko? Si Mia? Si Noella? Wala man lang ba silang ginawa para ipagtanggol ako? Para sabihin 'yung totoo? Putangina talaga.

Sinabi ko kay Mama ang totoong nangyari pero nakita ko ang pag-aalinlangan sa mata niya. Parang sinasabing e bakit ganun ang kwento ng kaibigan mo? Naramdaman kong ayaw maniwala sakin ni Mama at parang unti-unting sinisira 'yung pagkatao ko.

"Matulog na tayo, 'nak. Bukas mo na lang ito isipin," pumikit na si Mama pero nanatili akong gising.

Nag-online ako at sobrang daming nagchat kesyo ayos na ba ako, sana gumaling na raw ako, nandyan lang daw sila kung may problema raw ako. Pero isa lang ang binuksan ko, 'yung kay Linhay.

Linhay: Uy Soleil! Maayos na ba ang pakiramdam mo? I hope you get well soon.

Galit ako kasi kaibigan ko siya pero binaliktad niya ang kwento. Galit ako kasi hindi ko alam kung anong nagawa ko para gawin niya sa akin 'to. Galit ako kasi nagpatukso ako sa kaniya kanina na ako na lang ang uminom. Galit ako sa sarili ko. Tangina, nakakahiya ako.

Binuksan ko na rin ang ibang chat sa akin at nagreply sa kanila saka ako nag-Facebook, nag-aalala ako na baka may nagvideo sakin at inupload doon. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala.

Pinipilit ko ang sarili para matulog. Nagising na lang ako nang marinig kong nag-uusap ang parents ko. Maagang nagising si Papa dahil sa pagkakatanda ko ay may lakad siya ngayong Sabado.

"Hindi naman daw pala si Soleil ang nag-aya na bilhin 'yung alak," panimula ni Mama habang ako ay nakikinig lang sa usapan nila at nakapikit pa rin.

"E bakit sabi nung kaibigan niya siya daw ang mag-isang bumili?" tanong ng Papa ko at rinig ko ang alinlangan sa boses niya. Ayaw niya ring maniwala sakin.

Kinwento ni Mama ang totoong nangyari pero si Papa ay tahimik lang na nakinig. Wala siyang sinabi pagkatapos magkwento ni Mama at dahil doon ay natriple ang kaba ko sa idea na mamaya kapag nagising na ako ay makakaharap ko na si Papa.

Hindi ako magugulat kung pagtataasan niya ako ng boses at baka paluin rin ng sinturon na sa tanang buhay ko ay hindi ko pa nararanasan. Isa akong behave at mabait na anak sa harap ng magulang ko.

Nahihiya ako sa pamilya ko, ayaw ko silang makita dahil sa ginawa ko. Sana lamunin na lang ako ng lupa o kunin na lang ako ni Lord habang natutulog. Hindi ko talaga sila kayang harapin dahil pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Puta.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at nagising sa marahang pagtapik sa beywang ko kaya nagmulat agad ako ng mata. Si ate MJ pala.

"Bangon na dyan Soleil. Kakain na tayo," tinulungan niya akong bumangon.

Napayakap ako kay ate MJ dahil nanghihina pa ako. Inakay niya ako papuntang kusina at nag-almusal na kami. Pinainom ako ni Mama ng pure black coffee para daw mawala 'yung hilo ko. Hindi na muna ako masyadong pinagtrabaho ni Mama ng gawaing bahay at nahiga na lang ako sa sofa.

Medyo nahihilo pa ako. Eto ba 'yung sinasabi nilang hangover? Grabe ang lala pala. Nagsscroll ako sa Facebook nang marinig ko ang tunog ng sasakyan namin. Andyan na si Papa.

Nahigit ko ang hininga nang bigla siyang pumasok sa bahay. I awkwardly smiled at him, kabado pa rin. He nodded at me at medyo natatawa siya. Hindi siya galit? Dumiretso siya sa kusina para kumain ng meryenda at hindi pa rin ako iniimik.

Saka lang siya nagsalita nung nag-lalunch na kami. Nakatungo lang ako habang kumakain nang tanongin niya ako. Pinakwento niya sakin kung ano talaga ang nangyari. Hindi ko naman nakita ang pag-aalinlangan sa mata ni Papa at dahil dun nabawasan ang bigat sa dibdib ko.

"Sabi na nga ba e. Imposible namang ikaw lang ang bumili nung alak. Tsk! Dapat talaga sumama na ako kahapon nung sunduin ka nila Mama at Papa para nasampal at napagalitan ko 'yung babaitang 'yun," nanggigigil na sabi ni ate MJ.

"Hindi ako rin makapaniwala na binaliktad niya ang istorya. Gusto ko siyang puntahan ngayon at pagsasampalin pero hindi ko naman alam kung saan ang bahay niya," natawa ako sa sinabi ko.

Napairap si ate MJ sa inis. "Sinabi ko na rin ang nagyari kay ate Cleo at tinanong niya agad kung sino 'yung babae," kwento pa niya.

Kinabahan naman ako agad kasi si ate Cleo 'yun ang panganay namin at masungit siya. Nagkwento pa si ate MJ kung anong mga nangyari kahapon. Tadtad daw siya ng chat kay Noella pati rin kay Mariah.

"O, anong balak mong gawin dun sa punyetang Linhay na 'yun?" natawa ako sa pagmumura niya.

"Miliani Juliette ata ngiwat mo," saway ni Mama kay ate MJ.

[Trans: Miliani Juliette 'yang bibig mo]

"Duh, nakakairita 'yung ginawa ng babaeng 'yun dito kay bunso. Sasampalin ko talaga ang babaeng 'yun pag nakita ko siya," sabi pa ni ate MJ with actions pa kung paano niya raw sasampalin si Linhay. Kawawa ang pisngi ni Linhay pag nagkataon.

Nagchat ako sa gc naming magbabarkada at kung paano ang inis ni ate MJ ay ganoon din sila. Pero nasa akin pa rin ang desisyon kung icoconfront si Linhay. Kakausapin ko siya at kapag nagsinungaling siya masasampal ko na talaga siya. Kinalma ko ang sarili at nireplayan ang chat niya kagabi. Sincere ako sa sinabi kong handa ko siyang patawarin. Katatapos lang naming kumain ng dinner noon at habang nanunuod ng tv ay nagsalita si Papa.

"Wag mong uulitin 'yun Soleil. Hindi kita pinagalitan o sinaktan man kanina kasi may tiwala ako sa'yo na hindi mo talaga ginawa 'yun ng mag-isa lang. Basta' wag mong uulitin", sabi ni Papa, seryosong-seryoso kumpara kanina na parang nakikipaglokohan lang siya.

"Oo nga 'nak. Mabuti at nandito kami sa bahay kahapon at nasundo ka namin kaagad", nagsalita rin si Mama.

Nakatanggap pa ako ng konting bilin galing sa kanila bago kami natulog at doon ko naramdaman na may nagbago. Yung tingin ng parents ko sa akin pati na rin 'yung tiwala nila. Sa tingin ko 'yun ang nagbago.

-----------------------------------------------------------

Votes and comments are highly appreciated QuoTas!

Lovelots!

- 💛

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon