49

598 11 23
                                        


Nagising ako na nakahiga sa isang hospital bed. Pamilyar na naman ang senaryong 'to. Nakita ko kaagad si Jared pero hindi ko siya tinawag nang maramdaman kong pinisil ang kaliwang kamay ko. Si Rehan pala. Sumikip ulit ang dibdib ko kaya marahan kong tinapik yun na nagpaangat naman ng tingin ni Rehan sakin.

"Soleil! Thank God gising ka na. Do you need something? Water? You're hungry?" sunod sunod niyang sabi.

Mas lalong sumisikip ang puso ko sa pinapakita niyang concern. Hinigit ko ang kamay na hawak niya at napansin ang pagdaan ng lungkot sa mata niya. Binalingan ko si Jared na matamang nakatingin sa aming dalawa ni Rehan. Mabuti nandito siya kundi baka kanina pa ako ngumawa kasi nandito si Rehan.

"Jared hindi ka ba hinahanap sa inyo?"

"Nagtext na ako. Bantayan daw muna kita", sagot niya.

Pinakiramdaman ko ang sarili kung gutom ako at mahina namang tumunog ang tyan ko bilang sagot. Nahihiya akong ngumiti kay Rehan dahil paniguradong narinig din niya.

"Jared may pagkain ba dyan?" tanong ko pero si Rehan ang sumagot.

"May fruits dito. You want ba? Ipagbabalat kita. Ito orange, it's sweet, hindi maasim", si Rehan na aligaga naagad sa pagkuha ng mga prutas sa side table.

Nginitian ko lang siya at binalingan si Jared. "Red bilhan mo naman ako ng lugaw sa canteen" sabi ko at nagsalita na naman si Rehan.

"I'll buy. Babalik din ako kaagad", nagmamadali siyang umalis.

Ilang segundo lang ang lumipas ay humagalpak sa tawa si Jared. Nakisama rin ako. "Napakahands on naman ng ex mo. Guilty na guilty e", umiiling pa ang loko.

"Kasi kung binitawan niya ako kanina edi sana wala ako ngayon dito".

"Kailan ka pa nagkasakit sa puso? Kailan mo pa nalaman?"

"Noong nasa LA ako bigla na lang akong hinimatay tapos paggising ko may Pericarditis na ako. Matagal na raw na nadedevelop. Ito siguro 'yung sobrang pagsakit ng puso ko noon pa noh?" malungkot akong napangiti.

"Masakit talaga?" lumapit siya.

"Mahihimatay ba ako kung hindi?" sarkastiko kong sabi sabay irap.

"Haha, attitude", umiling-iling siya. "Bakit pala kayo magkasama kahapon?"

"Nakita niya lang akong mag-isa tapos tinabihan niya ako tas ayun bigla na lang sumikip ang paghinga ko e ayaw niya akong bitawan", kwento ko.

"Pinayagan mo siyang tabihan ka?"

"Oo, di naman ako bitter hoy", sagot ko.

"Marupok ka lang", ngumisi siya.

Malungkot ko siyang nginitian atsaka minura. "Bwisit ka".

"Sa akin ka lang ata hindi naging marupok e, daya", lumabi pa siya. "Akala ko nirape ka kaya nasabihan ko tuloy siya ng gago, well, gago naman talaga siya".

"Gago", natatawa ako habang umiiling.

"Muntik na rin siyang bugbugin nila Daryl. Mabuti at inunahan ko", naupo siya sa hospital bed, sa may paanan ko.

"Sinuntok mo si Rehan!?" hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"Mahina lang", proud pa siyang ngumiti. "Ganti-ganti rin pag may time".

Napabuntong hininga na lang ako. Oo nga pala, nasuntok na rin naman pala ni Rehan si Jared. Mayamaya pa ay bumukas na rin ang pinto at bumungad ang ilan sa mga barkada ko. Alam nilang may pasyente pero ang ingay-ingay nila. Ang sarap nilang sabunutan tuloy kung sana wala 'tong dextrose sa kamay ko.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon