3 am pa lang ay gising na ako. Nasanay na ang body clock ko sa ganitong oras dahil nga nasa med school na ako at hindi ako pwedeng tatamad-tamad.Nang matapos akong magre-read ng notes ko from yesterday's lesson at nakapag-advance reading na rin ng konti ay nag-exercise na ako. 5:30 nang matapos ako sa exercise at nagsimula na ring magluto ng agahan maging ang lunch at dinner ko mamaya. 7 am ay nasa school na ako dahil 7:30 ang start ng klase. Malapit ng matapos ang first year ko at masasabi kong medyo sakto lang ang buhay ko.
"Bladder cancer usually originates in cells lining inside of the bladder, the epithelial cells", sabi ng professor namin sa Gross Anatomy.
"The most common symptom is blood in the urine known as hematuria. Other symptoms include frequent urination and pain upon urination or dysuria", patuloy niya pa.
Nasanay na rin akong magtake notes kahit pagod na ang kamay kong magsulat, "This cancer may be induced by organic carcinogens that are deposited in the urine after being absorbed from the environment and also by cigarette smoking", patuloy lang sa lecture ang professor namin.
"Tenesmus is a constant feeling of the desire to empty the bladder or bowel, accompanied by pain, cramping, and straining due to a spasm of the urogenital diaphragm", our professor said at may naalala ako. Ito siguro 'yung nararamdaman ni Noella nung shs kami, ihi kasi ng ihi.
"Interstitial cystitis is a chronic inflammatory condition of the bladder that causes frequent, urgent, and painful urination", pagkatapos magsalita ng professor namin ay nagpanuod naman siya ng video.
"That's all for today. We'll have practicals tomorrow", lumabas ng classroom ang professor namin.
Nagligpit na ako ng gamit. "Soleil bibisita ba ulit si baby?" nagpuppy eyes ang isang kaklase ko sakin.
"Sinong baby?" kumunot ang noo ko.
"You know", bumaba-taas ang kilay niya. "Yung badminton player", kasama niyang humagikgik ang ilan pa sa bagong college friends ko.
Umiling ako bago tumayo. Naglunch ako kasama sila. Medyo mahaba ang lunch break namin ngayong Friday at 2pm na ulit ang susunod na subject namin which is Preventive and Comunit Medicine I.
Bigla namang may tumabi sakin kaya hindi ko naituloy ang pagsubo ng pagkain, "Putan-", hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang tumabi sakin.
"Uy Jared long time no see!" bati ng isa kong kaklase na lalaki. Barkada niya kasi dahil sa LOL.
Bahagyang ngumiti si Jared kaya medyo namula ang mga pisngi ng mga college friends ko na babae. Hindi naman maikakalila na pogi nga talaga si Jared, maski ako nga nagwapuhan rin sa kaniya noong una plus engineering student pa siya. Badminton athlete rin ng school nila. Tinanguan naman siya ng mga lalaki na kasama naming naglunch. Binaling naman na sakin ni Jared ang atensyon.
"Subuan mo ako hindi pa ako naglunch", ibinukas niya ang bunganga.
Itinuro ko naman ang service area na bilihan ng mga pagkain, "Bili ka doon", ipinagpatuloy ko ang pagkain.
"Sige na", lumabi siya at siniko pa ako.
"Subuan mo na kasi Soleil. Sige ka agawin ko 'yang jowa mo", sabi ni Greg, bakla kong kaklase, ang lagkit ng tingin kay Jared.
Alanganin kong sinubuan si Jared at binulungan siya, "Lagi mo kasi akong pinupuntahan 'yan tuloy akala nila jowa kita".
"Hindi ba?" bulong niya rin.
"Gago wag kang pafall", inirapan ko siya.
"Hulog ka naman na e", ngumisi siya.
"Feeler amputa", siniko ko siya.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...