23

479 23 17
                                    


Nagbreak muna ako para bumili ng kape kahit na alam kong walang epekto sa sistema ko ang caffeine. Naalala ko tuloy si Noella, adik sa kape 'yun e. Nasa pediatrics department ako para sa rotation this clerkship year.

May marahang humila sa roba ko. "Ali!" lumuhod ako para magkapantay kami ng batang lalaki.

"Nawala ka na naman noh?" tumango siya sa tanong ko. "Inumin ko lang sandali 'tong kape ha", tinapik-tapik ko ang ulo niya.

Isang 5 year old na bata si Ali na may dimentia, kumbaga brain dead ang set-up niya. Naaksidente kasi siya noong bata pa lang kaya halos dalawang taon na siya dito sa ospital. Pangatlong beses na ngayon na ako ang nakita niya para samahan siyang hanapin ang room niya.

Nang matapos ko ng inumin ang kape ko ay ibinasura ko agad ang lagayan, "Tara na kiddo. Hold my hand para hindi ka mawala", sabi ko kaya agad siyang humawak doon.

Nagtungo kami sa pediatrics ward dahil nandun ang room ni Ali. Hindi ko maiwasang maawa sa bata kasi bata pa lang siya at dapat nasa labas siya habang nakikipaglaro pero dahil sa sakit niya ay hindi niya 'yun magawa.

"Room 7 in pediatrics po", tinuro ko ang pinto na may nakadikit na number 7.

Lumabi siya at kumurap-kurap. Bonak, brain dead pala siya kaya malamang hindi niya masyadong maprocess ang sinasabi ko. Bubuksan ko na sana ang pinto kaso naunahan na ako ng taong nasa loob.

"My goodness Ali! Kanina ka pa namin hinahanap! Where have you been?", sabi ni Shazia, a soon to be med-student who's currently a 3rd year BS Pharmacy here in UP Manila.

Lumabi ulit si Ali at napatungo. Lumuhod ako para haplosin ang buhok niya. Tinignan ako ni Ali kaya nginitian ko siya para sabihing okay lang ang lahat.

"Pasensya na doctora. This is the third time already right na ikaw ang naghatid sa kaniya? Thank you at ikaw ang laging nakikita niya", sabi ni Shazia habang hinahaplos rin ang pisngi ni Ali.

"No problem. Ikaw kiddo wag ka na ulit gagala kapag wala kang kasama ha?" nginitian ko siya ulit at tumango para magaya niya.

"Shazia sinong kausap mo dyan? Is it Ali?" isang boses ng lalaki ang nagtanong mula sa loob ng room ni Ali, tatay niya siguro.

"Yeah Kuya. He's here!" sagot ni Shazia. "Tara doctora pasok ka muna sa loob", pag-aayaya ni Shazia.

"Hindi na. Magche-check pa ako ng ibang pasyente dito sa pediatrics. Next time na lang siguro", nginitian ko si Shazia.

Marahan kong binitawan ang kamay ni Ali at nagpaalam na sa kanila. Laging 1 or 2 am ang uwi ko dahil sa clerkship pero hindi ako diretsong uwi sa unit. It's either nagbabar hopping ako o nandoon ako kila Daryl para mang-istorbo.

Kinabukasan ay ganun ulit ang routine ko. Magche-check sa pediatrics ward, assist some senior doctors, mag-aalaga ng mga bata na sobrang hate ko noong una pero nakasanayan ko na rin naman ang kakulitan nila.

Habang nakaupo ako sa canteen ng ospital at hinihintay ang ibang colleagues ko para maglunch ay may marahan na namang humila sa roba ko. "Hello baby!" bati ko sa kaniya.

Inalalayan ko siyang umupo sa tabi ko. "Nawala ka na naman po ba?" malumanay kong tanong.

Umiling siya na ikinagulat ko. First time niyang magresponse! "May kasama ka?" tumango naman siya sa tanong ko.

"Papa Rehan", lumabi si Ali. Hindi ko napigilang hilain siya sa yakap. "Candy, ice cream, chocolates", inosente niya akong tinignan.

Nginitian ko siya dahil gets ko na binibilhan siguro siya nung Papa Rehan niya ng kung ano-anong pagkain na gusto niya. "Too much sweets is not healthy for you kiddo. Sabihin mo 'yun kay Papa Rehan mo ha?" sabi ko sa kaniya.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon