46

522 18 41
                                        


Halos hindi ako nakatulog dahil kay Mariah. Siya ang sakit ng ulo ko ngayon. Wala naman akong magawa e ako ang paborito niyang istorbohin. Kailangan ko rin siyang samahan lagi dahil sa kundisyon niya ngayon.

Papunta ako ngayon sa presinto. Dadalawin ko lang naman ang walang hiyang babae na nagpapatay sakin. Dala ko rin ang envelope na naiwan niya noon sa unit ko. Gusto kong isampal sa mukha niya pero naisip kong hindi niya deserve na pagsayangan ko siya ng lakas para masampal lang. Hindi ko siya kalebel kaya hindi ko siya sasaktan. Sapat na sakin na makulong siya. Ipapasa-Diyos ko na lang ang dapat na hatol sa kaniya.

"Kamusta?"

Bumusangot ang mukha niya nang magtanong ako. Mukha siyang miserable. Dapat lang 'yan sa kaniya. Wala naman akong naging atraso pero ginawan niya ako ng masama. Tangina niya.

"How come you're still alive!? Demonyo ka talaga kaya siguro you're alive pa rin!"

Ako naman ngayon ang bumusangot. Conyo. Nakakulong na siya't lahat-lahat, conyo pa rin. Napailing na lang ako.

"Ipapaalala ko lang sa'yo na sa ating dalawa sino kaya ang nakakulong? Sino kaya ang nanuhol sa mga kasamahan ko para sirain ang career ko? Sino kaya ang nagtangkang patayin ako? Sino kaya ang tanga-tangang 'yun?" blanko ko siyang tinitigan.

Nalaglag ang panga niya nang marinig niyang tinawag ko siyang tanga-tanga. Ano ba 'yan kakasabi ko lang na hindi siya worth it na pag-aksayahan ng kung anong lakas e!

"How dare you call me tanga-tanga!?"

"Hindi ba?" tinaasan ko siya ng kilay. "Sorry kung nagugulat kita sa biglang pagpapalit ng ugali ko ha. Ganito talaga ako, masungit at hindi mabait. Lalo na sa mga taong ginawan ako ng masama", sarkastiko akong ngumiti.

Napaawang ang bibig niya at napakurap-kurap din.

"Ito nga pala 'yung envelope na naiwan mo s-"

"I left it in your unit on purpose", proud siyang ngumiti.

"Nagsasalita ako", seryoso ko siyang tinitigan bago inirapan. "Kung sakaling makalabas ka rito sa kulungan, hindi mo na ako kailangang ipapatay pa ulit. Nakuha ko na ang gusto mong iparating. Dahil ba nasa akin si Rehan kaya mo ginagawa sakin ang mga kawalang hiyaan mo? Da-"

"Oh sana you enjoyed eavesdropping while were making love that night", matamis siyang ngumiti, nang-aasar.

"Tangina ka. Sabing wag mo akong puputulin pag nagsasalita ako", napalakas ang hampas ko sa mesa. "Sapaw".

Natigilan siya.

"Hihiwalayan ko na si Rehan para matahimik na ang baliw mong isip. Tapos kapag nakalabas ka rito pwede na kayong magsama bilang isang pamilya. Wala ng hahadlang. Laplapin mo siya hanggang magsawa ka, wala akong pake", malamig kong sabi.

Bahagyang kumunot ang noo niya na parang hindi naman talaga gusto ang sinabi ko. Sus, kunwari pa siya.

"Pero may isa lang akong ipapaki-usap. Sana... alagaan mo siya... pati ang anak niyo", tumungo ako.

Natahimik kaming dalawa. Nakita kong kumuyom ang kamao niya na nakaposas. Kung sana sinabi niya sakin ng maaga na gusto niyang kunin si Rehan edi sana ibinalik ko na kaagad. Hindi siguro nangyari ang mga nagpapabigat sa puso ko.

"Wag kang mamamatay rito kasi pwede ka pang makalaya at makasama ang pangarap mong pamilya. Hanggang sa muli Eiriane", tumayo na ako. "At isa pa pala. Ang ganda ng pangalan mo pero apakapangit ng ugali mo".

Napanganga siya sa sinabi ko. Nakakailang hakbang pa lang ako ay tinawag niya ako ulit.

"Soleil! Ipakita mo kay Rehan ang laman ng envelope... matutulungan ka ni-"

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon