14

443 22 4
                                        


Nasa auditorium kami ngayon para sa seminar about being road advocates. Nakaupo kami sa bandang harapan dahil magpapabibo raw kami sabi ni Kylie. Hinahanap ko si Ruel dahil wala pa siya pero present naman na ang mga kaibigan niyang babae. Natigil ako sa paghahanap nang kalabitin ako ni Noella at pasimpleng tinuro ang bleachers.

"Sila Ruel nasa bleachers kakarating lang", napatingin naman ako agad sa tapat namin na bleachers.

He's wearing a white shirt na may print na 'BARROZO', blue jeans and his usual grey Nike rubber shoes. Nakita kong iginala niya ang paningin sa court kung saan kami nakaupo at nagtama ang paningin namin. Katulad ng lagi kong ginagawa ay umiwas ako agad. Nanuod kami ng video clip na sobrang dami ng aksidente doon. Mapapahiyaw na lang kami tuwing may masasagasaan o magkakabungguan ang dalawang sasakyan. 

Provided ang lunch at sa upuan na lang kami kumain. Nag-indian sit ako sa lapag at ginawang mesa ang upuan ko. Naramdaman kong may nakatingin kaya hinanap ko. Si Ruel! Tumitig ako pabalik at mukha naman siyang nagulat kaya naman inirapan ko siya. Akala ko ba study first? Hindi ko na nga siya ginugulo tapos siya kabaliktaran naman ang ginagawa. Nagsesend siya ng mixed signals, puta nakakalito.

"Uwi na kayo?" tanong ni Mariah dahil panigurado hihintayin niya na naman ang parents niya na parehong teacher.

"Practice na muna tayo ng jingle diba sa Friday na 'yun", sabi ko kaya naman niready na namin ang classroom at inusog ang mga tables. 

Biyernes na ngayon at nakausog pa rin ang mga tables sa classroom namin dahil nagpracpractice kami para sa jingle mamaya. Final practice na namin nang bumaba sila Ruel at tumambay sa hallway. Ramdam ko 'yung titig niya kaya naman tinignan ko para icheck kung nakatingin talaga. Naestatwa ako sa kinatatayuan at hindi nakasayaw ng maayos. Kulang na lang matunaw ako sa titig niya nakakainis! 

Inulit namin ang practice dahil nga naestatwa ako. Umalis na rin sila Ruel kaya naging maayos na ulit ang practice namin ng jingle. Kalaunan ay sumunod na rin kami. We're the second group na magpeperform kaya nagready na rin kami. Supposedly, dapat sisigaw kami ng '1,2,3 hey!' after ng bridge ng jingle namin pero ako lang ang sumigaw! Nakakahiya!

"Punyeta kayo! Sisigaw dapat after bridge e!" pinagpapalo ko sila Lalo na si Noella na tawa ng tawa.

"Okay lang kaya na ikaw lang 'yung sumigaw kanina", hinaplos ni Ryleigh ang buhok ko. "Cute cute".

"Oo nga ang cute mo Soleil", kinagat ni Mariah ang braso ko. Ganun siya kapag nanggigigil.

"Grabe yung titig ni Ruel sa'yo kanina! Kung isa kang ice cream grabe tunaw na tunaw ka na siguro", sabi ni Kylie.

"Napakapaasa nakakainis", sagot ko at tinawanan na lang niya ako.

Sobrang busy namin ngayon dahil sa paggawa ng big book para sa English subject namin. Utos naman ako ng utos kay Jared kasi kagroup ko siya.

"Bili ka ng paint".

"Ruler. May ruler ka ba?"

"Hanap ka nga ng tape".

"Bili ka nga ng ganito sa canteen".

Sinusunod naman niya lahat ang inuutos ko, lahat ng pinapahanap at hinihingi ko ay naibibigay rin. Ginagamit niya siguro 'yung kapogihan niya siguro kaya madali niyang nakukuha ang mga pinapahanap ko sa kaniya.

"Bili ka ulit ng tape sa canteen. Bilisan mo ha", utos ko kay Jared ng hindi siya tinitignan dahil busy ako sa pagpe-paint ng cover ng big book.

Natapos na ako sa pagpe-paint pero wala pa rin 'yung tape na pinapabili ko kay Jared. Bat ang tagal naman nun? Sinundan ko siya sa canteen at nakasalubong ko naman sila Noella, Mia, Kylie at Czarlotte na kumakain.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon