December approached so fast ganun din ang nararamdaman ko kay Jared. Alam kong hindi pwedeng magustuhan siya kasi nga may ka-MU tapos magiging awkward pa dahil magkaibigan kami. Nakaupo kami ngayong dalawa ni Noella sa bench malapit sa plantbox sa harap ng classroom at nagkwekwentuhan ng random things nang bigla niyang mabanggit niyang sobrang taray ko raw kay Jared this past few days."Ang sungit sungit mo kay Jared naloloka ako sa'yo. Parang everyday may period ka kapag si Jared ang kausap mo", sabi ni Noella.
Hindi ako agad nakasagot dahil baka madulas ang dila ko at maamin kong crush ko na si Jared. Kaya sumegway muna ako sa topic namin.
"Sus! Ewan ko ba naiirita ako sa kaniya. Ay teka, crush mo pa ba si Jared?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi na ano ka ba! Umuusad na kami ni Cael noh", Aniya.
"Ahh", tumango ako."By the way may bago akong crush".
"Sino aber?" intriga niya.
Napaisip muna ako kung sasabihin ko na ba sa kaniya o hindi pa. Madaldal din kasi ang isang 'to kahit best friend ko siya. Tsaka baka maging awkward talaga.
"Ay wala wala pala. Sa susunod ko na sasabihin tara na sa classroom", sabi ko sa kaniya at agad na tumayo.
Sinundan naman ako agad ni Noella sa classroom at patuloy pa rin ang pagtatanong sakin.
"Tumahimik ka nga Noella. Sa'yo ko pa lang sinasabi kaya manahimik ka", sabi ko sa kaniya.
"Wala ka pa ngang nasasabi. Sino nga kasi 'yun?" sabi niya sakin na parang walang balak akong tigilan.
"Sa susunod ko na nga sasabihin", sabi ko pero hindi pa rin siya tumigil.
"Sige sa chat na lang natin dun mo sabihin para walang makarinig", Aniya.
"Ang kulit mo pero sige na nga nakakainis ka", sabi ko sa kaniya at inirapan.
Ngiting tagumpay naman ang isinagot niya sakin. Hmp papansin! Tinabihan naman ako ni Mariah at Matthew. Tinatanong kung sino raw ang bagong crush ko. Nanigas ako sa kinuupuan dahil kinokontrol ko ang sarili na wag magsalita lalo na't nagtatanong si Mariah. Napaka-observant niya kasi basta ewan ko malalaman at malalaman niya ang isang bagay na gusto niyang malaman.
"Sino kasi Soleil?" tanong ni Matthew.
"Hulaan niyo kasi alangang sabihin ko agad", sagot ko naman nang hindi tinitignan si Mariah. Nababasa niya kasi isip ko kapag tinignan niya ang mga mata ko.
"Bigay ka ng clue grabe ka", sabi pa ni Matthew.
"Ayoko nga!" kumunot ang noo ko.
Titig na titig pa rin sakin si Mariah at alam kong binabasa niya ang isip ko. Para niya akong hini-hypnotize sa titig niya para lang magsalita ako. Pero hindi! Hinding-hindi ko sasabihin na crush ko si Jared. Grr nakakainis kasi self bakit ang taksil mo sakin ha? Iniharap ni Mariah ang dalawang daliri niya sakin at pinapili ako. Pinili ko ang index finger niya at tumango-tango naman siya.
"Si Stephen?" tanong ni Mariah.
Naguluhan pa ako noong una pero narealize ko na baka 'yung index finger na pinili ko kanina ay nagsi-symbolize kay Stephen.
"Hindi siya", umiling ako.
Napakunot noo naman siya at itinagilid niya ang ulo. Nag-iisip siyang mabuti halatang-halata sa mukha niya.
"Wag mong sabihing si Ralf ang crush mo?" Aniya.
Natawa naman ako at nakahinga ng maluwag dahil mali ang hula niya. Shet for the first time ata mali ang hula niya.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...