32

516 18 16
                                        


Nagising ako dahil sa mabangong amoy ng sinangag na kanin. Dahan-dahan akong umalis sa kama dahil umiikot pa ang paligid ko. Naabutan ko ang sarili na nakayakap sa isang matangkad na tao habang nakapikit.

"Good morning sunshine", nagsalita ang taong yakap ko.

"Hmm? Sino ka?" humiwalay ako sa yakap at sumandal sa kitchen counter, nakapikit pa rin.

"Your attorney", naramdaman ko ang mainit na hininga ng lalaking kausap ko sa kaliwang tainga ko.

Nagmulat ako ng mata. "Rehan!?" gulat akong tumingin sa kaniya.

Nginitian niya ako. Nahiya ako bigla dahil naramdaman kong wala akong suot na bra tsaka bagong gising ako tapos hindi pa ako nagmumumog! Napatakip ako sa mukha ko.

"Oh you're shy now?" napangisi siya.

"Che!" tumakbo ako papunta sa banyo at nagkulong doon.

Naligo na ako dahil sobrang nahihiya ako kay Rehan. Amoy alak pa ako punyeta! Habang naliligo ay kinatok ni Rehan ang pinto ng banyo.

"Are you going to work?"

Hindi ako sumagot agad dahil nakatunganga ako sa tiles. "Soleil? Are you okay? Answer me", kumatok siya ulit.

"A-ay oo! Papasok ako", sagot ko.

"Okay. Ligo well", Aniya.

Napakunot ang noo ko. Ligo well? Ano 'yun kailangan kong galingan ang pagligo ko? Natawa na lang ako sa isip dahil sa inisip ko. Tsk, putang alak. Ano na naman kaya ang mga kagaguhan na ginawa ko kagabi?

Lumabas akong basa pa ang buhok at nakabathrobe lang. Nadatnan ko si Rehan na nakaupo na doon sa maliit na dining area ng unit ko at nakasuot ng malinis na oversize shirt ko at jogging pants ko rin mula sa UP.

"I borrowed your clothes", Aniya nang mapansin niyang nakatingin ako sa suot niya. "Let's eat".

Napakamot ako sa batok dahil nahiya ako pero umupo na rin ako sa katapat na upuan niya. "Black coffee", iniabot niya ang tasa ng kape sakin. "I don't know how you like your eggs done so omelet na lang niluto ko", Aniya habang nilalagyan ng kanin ang plato ko. "Enough na ba 'yang rice mo?"

Tumango ako bilang sagot. Pinanuod ko rin siyang nilagyan ng omelet ang pinggan ko pati hotdog. "Ketsup", sabi ko bigla.

Tumayo siya at kinuha ang ketsup doon sa kitchen counter. Bumalik din siya kaagad para lagyan ng ketsup ang isang platito. Ibinalik niya sa kitchen counter ang ketsup at dumiretso sa cabinet ko. Kumuha siya doon ng maliit na towel at pumunta sa likuran ko.

"Let's dry your hair muna", Aniya habang pinupunasan ang buhok ko.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya natigil siya sa pagpunas ng buhok ko. "Ako na mamaya ang gagawa nyan. Kain na tayo", nilingon ko siya.

Bumalik na rin siya sa upuan niya at nagsimula na kaming kumain. Sa sobrang hiya ko ay hindi ako umiimik. Napansin ata 'yun ni Rehan kaya tinignan niya ako.

"Does your head still hurt?" kumunot ang noo niya.

"Oo", napapikit ako. "May sabaw ka bang niluto?"

Narinig ko na lang siyang umalis ulit. Mayamaya pa ay bumalik siya. Napamulat na ako ulit nang maamoy ang mabangong sabaw sa harap ko.

"Here", hinila niya ang upuan niya at tumabi sakin. Sinubuan niya ako ng sabaw. Napaso ako. "Ay sorry hindi ko pa nablow", hinipan niya ang sabaw na nasa kutsara at muling pinasubo sakin.

"Sorry talaga. Naabala pa kita sa kagaguhan ko. Sabi sayo e sobrang messy at fucked up ako", napabuntong-hininga ako.

Ikinulong niya ang mukha ko sa palad niya. "I like dealing with messy things", ngumiti siya.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon