29

563 20 35
                                        


Pagkatapos kong magbihis para sa gala naming barkada ngayong araw ay tinawagan ko na si Noella.

"Hoy sunduin mo ako", bungad ko.

[Papunta na si Mariah dyan]

"Bye", paalam ko.

[Ay grabe siya. Ingat]

Pinatay ko na ang tawag atsaka lumabas na sa unit ko. Precious ang oras ko kaya minsan lang ako magleave sa trabaho. Para rin naman kasi sa preparation ng kasal ni Noella ang leave ko ngayon kaya oks na rin sakin na wag munang magtrabaho. Naol ikakasal na.

Naabutan ko si Mariah sa harap ng condo na prenteng nakasandal sa itim niyang motor. Ang swag talaga ng babaeng 'to.

"Boss", bati ko kay Mariah.

"Heto helmet", iniabot niya sakin ang helmet.

"Moderate lang ah", sumampa ako sa motor.

"Try ko", tumawa siya.

Moderate nga ang pagpapatakbo ni Mariah sa motor na pinagpasalamat ko. Hindi kasi ako sanay sa pagsakay sa motor dahil nahulog na nga ako minsan sa tricycle tsaka may minsan ring muntik na kaming madisgrasya ni Jared.

"Church wedding ba?" tanong ni Mia kaya napalingon kami sa lovebirds na sobrang dikit akala mo naman mga linta.

"Oo gusto ko siyang pakasalan sa simbahan", sagot ni Cael kaya hindi namin napigilang mangisay sa kilig.

"Hoy ikaw pag sinaktan mo si Noella ooperahan talaga kita ng wala sa oras", tinuro ko si Cael.

Sinipat ni Noella ang daliri kong nakaturo kay Cael. "Kung meron mang mananakit baka ako 'yun ano ba", tinawanan namin si Noella.

"4 down and 7 to go na lang", sabi ni Flaire.

"Ulol wala pa nga akong jowa", sabi ko kaya tinawanan nila ako.

"Babalik pa ba si Ruel?" tanong ni Mariah.

"Ewan ko. Late na siya ng 3 months at malapit na akong magbente otso ha. Babalikan ko na talaga si Jared kapag hindi siya nagpakita", biro ko.

"Kamusta pala sila Jared at Syringe?" tanong naman ni Czarlotte.

"Road to forever na rin siguro. Ewan", nagkibit balikat ako.

Inayos namin ang motif ng kasal, venue ng reception, ilan ang mga bisita at marami pang iba. Apat na ang kasal sa amin at panglima na si Noella. Minsan naitatanong ko sa sarili ko kung paano nila nalalaman kung 'yun na 'yung tamang panahon para sa kanila. Hay pag-ibig.

Hindi biro ang naging mga love story ng mga kaibigan ko. Habang stressed sila sa mga love life ay sa medicine lang ako stressed. Wala e, when I entered medicine I already treated it as a lifestyle and not just a profession. Naging istorbo lang naman si Jared noon na hindi ko naman pinagsisisihan. Pero ngayon tatanda ata akong dalaga at virgin. Bonak.

"Dra. Soleil may naghahanap sa'yo sa labas", sabi ng senior doctor ko kaya napatigil ako sa pagte-take notes ng pinapanood kong opersyon.

Inayos ko muna ang buhok at inilagay ang konting strands ng buhok na kumawala sa pagkakatali ng buhok ko sa likod ng tainga ko. Lumabas ako sa opisina at nadatnan si Ali na kumakain ng ice cream. Lumiwanag ang mukha niya nang makita ako at agad akong sinalubong. Lumayo ako dahil may hawak siyang ice cream at baka madumihan ang roba ko.

"Easy kiddo baka madumihan mo 'tong robe ko", lumungkot ang mukha niya.

Kinapa ko ang bulsa and luckily may tissue doon. Lumuhod ako sa harap niya at pinunasan ko ang labi niya maging ang kamay niya na nadungisan na rin ng tunaw na ice cream. Nginitian ko siya at inayos ang buhok niya.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon