11

550 26 15
                                        


Suspended ang Monday and Tuesday class namin dahil malakas ang ulan. Nagresume rin naman agad ngayong Wednesday. Ginamit ang classroom namin para sa STEM quiz show dahil kasabay ng Intramurals ang STEM month celebration.

Hindi naman ako sumali kaya naiwan kami nila Mia, Czarlotte, Noella at ako sa labas ng classroom. Marami kaming kasamang classmates sa labas at dahil wala naman akong magawa ay tinuruan ko na sila ng sayaw para sa graph dance, isa rin sa contest ng STEM month.

Hindi ako tinulungan ng mga kaibigan ko at tinatawanan lang ako na nagtuturo habang nai-stress na sa mga tinuturuan ko. Parang zumba steps na nga lang ang mga itinuturo ko, hindi pa rin nila masyadong masundan. Nang mapagod na ako ay tinapos ko na ang practice namin atleast naturuan ko na sila at madali na lang irecall ang mga steps pag nagpractice kami ulit.

"Soleil halika rito!" tawag sakin ni Noella. Pumunta naman ako sa kanila kaagad.

"Tinitignan ka ni Ruel habang sumasayaw", bungad ni Czarlotte sakin nang makaupo na ako sa tabi ni Noella.

Hinanap ko naman agad si Ruel at nakita ko siya sa labas ng principal's office na malapit lang sa place kung saan kami nagpractice kanina. Hindi ko alam na andoon siya kanina kaya hataw na hataw ako sa pagsayaw at ngayon ay nakaramdam naman ako ng hiya.

"Hindi niya inaalis 'yung tingin sa'yo kanina promise! Iiwas lang siya kapag parang titingin ka sa direction niya", sabi ni Mia.

Nagkibit balikat ako dahil wala naman akong masabi. Ano naman ngayon kung nakatingin siya habang nagtuturo ako ng sayaw at pawis na pawis!? Argh! Nakakaconscious tuloy bwisit!

"Hoy wag muna kayong umuwi! Pag-uusapan natin 'yung film para sa STEM Month", tinawag kami ni Ryleigh na paalis na sana.

"Malas boss", napailing si Mariah. Dapat pala sumabay na ako kila Noella kanina tsk.

Umupo kami sa hagdan ng building 1 at doon nag-usap. Si Ryleigh ang nagsulat ng script.

"Matt sa bahay niyo ulit ah", sabi ko.

"Hindi ko na nga alam kung bahay pa ba namin 'yun o filming place e", napailing si Matthew. Kinuha ko ang payong ko para hindi mabasa si Ryleigh pati na rin ang script na sinusulat niya.

Dumating si Jared at tinabihan ko. Mayamaya pa ay inagaw niya sakin ang payong. Bwisit, para kay Ryleigh 'yung payong e. Nakita kong nababasa na ang script kaya sarili ko na lang ang hinarang ko.

"Manhid ka ba?" masungit kong tinignan si Jared.

"Hindi", umiling siya.

Inirapan ko siya. Punyeta malamang hindi niya alam na nababasa na ako. Sinasarili niya kasi 'yung payong bwisit. Gusto ko siyang itulak sa kanal, nakakagigil.

"Lipat na nga tayo dun sa hallway. Nababasa pati 'tong script e", sabi ni Matthew kaya inagaw ko na ulit ang payong ko kay Jared.

Nagbrainstorm pa kami para sa plot ng shortfilm nang dumaan si Ruel na may kasamang babae na volleyball player rin ng STEM. Napansin kong dikit na dikit siya kay Ruel at hindi ko naman napigilang magselos.

"Ruel hi daw sabi ni Soleil!" ngumisi si Matthew sa akin kaya hinampas ko siya. Pauso 'to!

Ngumiti lang si Ruel dahil kausap niya si Mira kaya napairap naman Pake ko naman? Punyeta syempre may pake ako! Crush ko 'yung nilalandi e! Pero pwede akong maging clingy sa sinumang lalapit sa akin! Hmp akala niya.

Bigla naman akong tinabihan ni Jared sa stool na inuupuan ko. Napausog naman ako agad at muntik ng mahulog sa upuan pero nabalanse ko ang sarili. Luh, hindi ako 'yung typical na babae na aasa na may sasalo palagi kapag nahulog.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon