2

1.5K 49 10
                                        

Noella

Sinundo ako ni Soleil at parang may kakaiba sa kaniya. Parang inaantok ang mata niya pero energetic naman siya. Sumandal siya sakin at kinapitan ang braso ko. Bumili raw sila ng alak at kinwento niya kung paano nila binili 'yun. Napadaan daw sila sa wine section at may Nakita silang alak na hindi naman daw ganun katapang, Emperador Uno.

Habang nanunuod ng movie ay humiga si Soleil sa lap ko dahil nahihilo daw siya. Hinayaan ko na lang. Mayamaya pa ay naging weird na ang mga galaw niya. Noong part na dapat kiligin ay over namang kinilig si Soleil tapos nung nakakaiyak na scene naman na ay bigla na lang umiyak ng malakas si Soleil.

"Huhuhu bakit naman ganyan?" medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya naman nahiya ako at pinatigil siya.

"Soleil wag kang masyadong maingay," pinapakalma ko siya.

"Nakakaiyak naman kasi 'tong movie Noella!" sigaw niya pero hindi naman ganoon kalakas. Hinayaan ko na lang dahil medyo kumalma na rin.

Nang matapos ang movie ay unti-unti na ring lumabas ang mga tao. Nagreklamo na naman si Soleil dahil masakit daw sa puso 'yung movie. Tinulungan namin siyang tumayo sa upuan niya pero hinablot niya 'yung alak sa tabi niya at tinungga 'yun.

Nagulat kaming tatlo nila Linhay at Mia kasi inistraight na ininom ni Soleol ang alak. Nakita rin ng ibang tao ang ginawni Soleil kaya itinayo na namin siya doon dahil nahihiya kami. Hirap kaming akayin siya palabas ng sinehan dahil extra ang bigat niya ngayon kasi nga lasing na. Hindi niya kayang ilakad ang sarili at ang gulo niya pa.

Nang makalabas na kami ay tinawag kami ng guard dahil nahulog daw ni Soleil ang phone niya. Kinuha namin 'yun at nagpasalamat. Dumiretso naman kami sa restroom dahil nasusuka daw si Soleil. Nagsuka nga siya and after that tumayo na lang siya.

"Gusto kong magsuka! Ablehablehableh," Aniya at sinubukang magsuka ulit by acting like she's really vomiting.

Para siyang baliw habang ginagawa 'yun at hindi namin alam kung matutuwa kami or maawa sa kaniya. Bigla naman siyang pumasok sa isang cubicle dahil iihi raw. Halos limang minuto na namin siyang hinihintay na lumabas at nagtaka kami dahil ang tagal naman niyang umihi. Tinulak namin ang pinto ng cubicle at hindi pala 'yun nakalock. Nagulat na lang kami na nakatulog na pala siya habang nakatayo.

"Hala anong nangyayari sa kaniya?" naiiyak si Mia.

"Lasing na nga kasi siya kaya ganyan", sabi ni Linhay at hinila na palabas si Soleil sa cubicle.

Inagaw ko si Soleil kay Linhay at ako na ang umalalay sa kaniya palabas ng restroom kahit nahihirapan ako. Tinulungan kami ng ibang staff dahil napansin ata nilang nahihirapan kami sa pagdala sa kaniya. Dinala siya sa isang room at pinahiga siya sa kama. Binuksan rin ang isang electric fan na bago pa ata. Doon ko na sinimulang icontact ang iba pa naming barkada pati na rin ang ate ni Soleil.

Nagchat na rin ako sa gc naming magbabarkada pero ayaw nilang maniwala sa akin na lasing si Soleil. Hindi ko naman sila masisisi kasi sobrang responsable ni Soleil so bakit siya biglang malalasing diba. She's like the foundation of our friendship kaya siya ang ginawa naming leader. Kilala ako ng barkada bilang isang lowkey na sinungaling except kay Soleil. Masyado niya na kasi akong kilala. But then, pumunta na rin sila.

Tadtad ng chat rin ang ate ni Soleil sakin. Hindi siya online! Nakita kong parang iniinterview sila Linhay at Mia ng mga staff and guards. May mga ususero't ususera rin, tsk, hindi 'to magugustuhan ni Soleil kung gising lang siya.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon