12

509 23 6
                                        


Pinatay ko ang alarm at nagready na agad. 3 am pa lang pero bumangon na ako dahil 4 am ang call time naming SSG Officers para sa Color Run ngayon. Maraming schools ang kasama at ang school namin ang pinaghandle sa event.

Hinatid ako ng parents ko at binilinan pa ng konti. Dumiretso naman ako agad malapit sa stage dahil nandoon daw ang committee namin at nakita ko sila Mariah kasama si Kylie na mukha silang nilalamig.

"Akala ko ba hot ka? Mukha kang estatwa sa malayo", niyakap ko si Kylie.

"Teh ayaw ko ng skinship pero sige namamatay na ako sa lamig", yumakap siya pabalik.

"Hindi raw makakapunta si Noella", sabi ko.

"Sayang naman. Present pa man din ngayon si Cael",  tinuro ni Mariah ang lalaking palapit sa amin.

Nginitian namin siya at ngumiti siya pabalik. Naging halata tuloy 'yung baba ni Cael, medyo mapanga at babalu kasi e. Mahina kong hinampas si Mariah kasi natatawa na siya.

"Apakapangit ng ugali mo", bulong ko sa kaniya, natatawa rin.

"Pongal boss", sinampal niya ang sarili .

 aya-maya pa ay pumunta na kami sa kani-kaniyang area. Nakaassign ang committe namin sa 5k station, 'yung pinakadulo. Inihatid kami ng PTA President ng school namin dahil may kalayuan din ang station. Sobrang lamig dahil malapit sa dagat.

"Halika Soleil picture tayo! Pasikat na ang araw", pag-aaya ni Mariah.

Hindi ako ganun kaconfident sa harap ng camera kasi hindi nga naman ako kagandahan except kung may kasama ako o ako mismo ang kukuha ng sarili kong litrato pero ngayon ay pumayag naman akong magpapicture.

Magaling kumuha ng picture si Mariah kaya mukha akong naging photogenic sa mga pictures. Binuksan ko naman ang cellphone ko at nagpunta sa Instagram para picturan ang papasikat na araw. Nilagay ko 'yun sa story na may caption na 'Bangon na, umaga na'.

Nang mag-alas sais na ay nagready na kami dahil baka mamaya ay dagsain kami ng mga runners na talagang lumalaban para sa prize ng Color Run na ito. Kinuhanan ko muna ng pictures si Mariah sa bridge dahil doon located ang station namin.

Nang makabalik kami sa pwesto ay naabutan naming nag-aasaran ang iba pa naming kasamang Student Officers. Kasama namin ang naging ka-MU ni Mariah noon, si Kingson, at sa kanila tuloy napunta ang asaran.

"Ano ba ang nangyari sa inyo? Hindi nagwork ganun?" tanong ni Jan, ka-committee namin.

"Parang ganun nga", parehong sagot nila Mariah at Kingson.

Tinawanan na lang namin 'yun para hindi maging awkward ang atmosphere tapos napunta naman sakin at kay Ruel ang usapan. Grrr!

"Kamusta na kayo ni Ruel?" tanong ulit ni Jan. Napakatsimoso naman nito.

"Ay nag picture silang dalawa nung minsan bago maglaro si Ruel!" sabi ni Kingson.

"Ikaw kaya ang nagsabi na magpicture kaming dalawa. Sisihin mo pa ako", umirap ako.

"Don't worry. Wala naman siyang sinayaw nung acquaintance party. Ewan ko ba dun marami namang nagkakacrush sa kaniya bukod sa'yo pero parang tamad na tamad siya nung Thursday", sabi ni Kingson.

Nagkibit balikat na lang ako na kunwari baliwala lang sakin pero deep inside ay ino-overthink ko na ang mga sinabi ni Kingson. Bakit wala siyang sinayaw? Wala man lang ba siyang gustong isayaw? O baka dahil wala ako doon kaya wala rin siyang isinayaw? O baka nahihiya lang siyang magsayaw? O baka lalaki talaga ang bet niyang isayaw? Ano ba yan! Kung ano ano na tuloy naiisip ko.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon