Pabalik na ako sa ospital ngayon kasama si Czarlotte. Naglunch kasi kami sa Robinsons dahil nauumay na siya sa mga ulam sa canteen ng ospital."Dra. SV may nagpapabigay po", inabot sakin ng isang nurse sa lobby ng ospital ang bouquet of flowers.
"May manliligaw na", kiniliti ako ni Czarlotte sa tagiliran.
"Pauso ka", kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti.
Pinaghalong daisies at sunflower ang nasa bouquet. May note rin na nakalagay.
Since your name signifies the Sun, I gave you sunflowers. As for the daisies, whenever I see you I just feel your purity, which is the white part of the flower, and your happiness, the center part which is yellow. Lol, I hope you you get my point and I hope I've put a smile on your beautiful face.
-Your Always
Napangiti ako pagkatapos kong basahin ang note. Kinakabahan ako sa isang 'to. Masyadong sweet e. Hindi naman sa nag-aalangan ako kay Rehan pero kasi alam kong mapapamahal ako ng todo kapag pinagpatuloy niya ang mga ganitong pauso niya.
"Ipakilala mo sa amin 'yan ha. Kailangan niyang dumaan sa initiation", pinaningkitan ako ng mata ni Czarlotte.
"Oo na", pabiro akong umirap.
Natapos ang trabaho ko na may ngiti pa rin ako sa labi. Good mood ako buong araw. Nyeta mukha nga akong timang kanina habang nag-oopera. Excited akong pumunta sa Manila Bay at nadatnan ko si Rehan na nakaupo sa isang picnic mat.
"Himala naunahan mo ako dito", napalingon siya sakin. "Hindi naman halata na excited kang makita ako noh?" bahagya kaming natawa. "May paflowers ka pa kanina. Pauso ka".
"You didn't like it?" napakamot siya sa batok.
"Baliw 'to! Sinong babae ang hindi magugustuhang mapadalhan ng mga bulaklak lalo na't favorite mo pa?" umupo ako sa tabi niya.
"I didn't know sunflowers and daisies are your favorite", napangiti siya.
"Yung daisies lang ang favorite ko", nawala ang ngiti niya sa labi. "Pero thank you pa rin", mahina ko siyang binunggo sa balikat.
Actually nagustuhan ko ang parehong bulaklak na binigay niya. Sunflowers and daisies, hindi typical na binibigay ng isang manliligaw. Akala ko nga isa lang rin siyang typical na manliligaw, 'yung may pa-chocolates at rosas na bigay, pero ginugulat at namamangha ako lagi sa mga pauso niya.
Natahimik kaming dalawa. Pinanuod ko ang alon na nagpapabalik-balik sa dalampasigan.
"Alam mo minsan pakiramdam ko ako 'yung dagat", basag ko sa katahimikan.
Nakita ko siyang sumulyap sakin. "Why naman?" tanong niya.
"Kasi gustong-gusto ng mga tao ang dagat diba? Aesthetic 'yung sea foam tas 'yung waves pati 'yung kulay. Mga panlabas na anyo 'yung gusto nila pero iilan lang 'yung gustong sisirin ang kalaliman nito katulad ng pagkatao ko. Gusto nila 'yung friendly na ako pati 'yung mabait tas thoughtful at generous pero hindi nila gusto 'yung madrama, sarcastic, wild, maattitude, overthinker tas OC na ako", malungkot akong napangiti.
"Only the brave ones are strong enough to deal with its deepness", dahan-dahang napatango si Rehan.
"Sapat ba 'yung tapang mo para makilala mo ako ng husto?" tinignan ko siya.
"Is my presence not enough to prove that?" balik niyang tanong sakin.
"Sigurado ka talaga sakin? As in? Kasi kung hindi ngayon pa lang pwede ka ng umalis kundi kapag nagstay ka pa dito tas kinilala mo pa ako tas iiwan mo rin lang pala ako ay aba sampung palad ang dadapo dyan sa mukha mo tas hindi ko lang sure kung ilang kamao ang susuntok sa'yo", kumunot ang noo ko nang ngumiti siya.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mess (Second to None Series # 1)
Teen FictionSecond to None Series #1 Soleil Valencerina, ang sarcastic, ma-attitude at wild girl ng barkada na MVP sa overthinking. After topping the physician licensure exam, may tatlong lalaking pipila para sa puso niya. An architect, an engineer and an attor...