39

457 14 16
                                        


"Anniversary party nila Shayne sa Friday", pinuntahan ako ni Czarlotte sa opisina.

"Naol may anniversary na", tumayo ako sa upuan para kumuha ng inumin ni Czarlotte.

"Halos lahat nga kami ikakasal na. Kayo ba ni Rehan kailan?" tinanggap niya ang french vanilla coffee na tinimpla ko. "Thanks dito kahit ayaw mo 'tong flavor".

Umupo ako sa maliit na sofa ng opisina para tabihan siya. "Kakasimula lang namin ni Rehan tsaka wala namang kailangang madaliin e. Kung kami edi kami diba", tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

"Pabraid ako", sabi ko. Siya kasi ang tagabraid namin simula pa noong highschool kami. Kasama niya si Cianyx na nagbebraid sa amin.

"Sana si attorney na 'yung nirereserve ni Lord para sa'yo", hinaplos niya ang buhok ko at mabilisang tinirentas ang buhok ko, fishtail.

"Panalangin ko nga 'yan e", bumuntong hininga ako.

"Buti pa ako", nagflip hair siya at nakita niya akong napairap. "O, sino ka dyan?" tinuro niya pa ako na para talagang nang-aasar.

"Balik ka na nga sa mga chikiting mo!" lumayo ako sa kaniya matapos niyang ibraid ang buhok ko.

"See you sa Friday ha! Isama mo rin si attorney", inubos niya na muna ang inumin bago tumayo.

"Kung hindi siya busy", nginitian ko siya bago tuluyang nakalabas ng pinto.

Naging busy kasi si Rehan dahil may inaasikaso siyang mga kaso tsaka may mga personal stuffs kaming inaasikaso. Hindi naman palagi na dapat magkasama kaming dalawa, I guess part 'yun ng pagkakaroon ng mature relationship. Nasa korte siya sa Sabado at balak kong panuorin kung paano siya maging abogado pero hindi niya alam na may balak akong ganoon.

"Busy ka ba sa Friday?" tanong ko kay Rehan sa telepono.

[Ah.. yeah kind of. Why?]

"Anniv nila Shayne tapos sabi nila isama raw kita pero since busy ka edi punta na lang ako ng mag-isa", sagot ko.

[Are you making paawa to me?]

"Ang conyo! Tsaka hindi ako nagpapaawa", napairap ako.

[I'll try to make time sunshine]

"Okay", napangiti ako.

[You're smiling noh?]

"Hindi ah!" tanggi ko.

[If you say so] tumawa siya. [Send me the address. I can't promise na makakapunta ako but I'll try sunshine]

"Okay", sagot ko. "Bye na Rehan".

[End the call]

"Parang timang hindi naman tayo nasa teleserye na yie ikaw na magpatay ng tawag babe, chos. Sige na ako na ang papatay ng tawag", natawa kaming dalawa sa sinabi ko.

Nagpatuloy na ako sa trabaho. Mas lalo akongnaging busy dahil sunod-sunod ang pagkuha sakin ng mga doktor dito sa ospital bilang assistant surgeon. Minsan nga pakiramdam ko parang ang biasedna nila kasi syempre kailangan din ng experience nung iba. Tsaka patuloy kasi ang selection ng mga ipapadalang exchange resident doctor kaya tinitignan nilang mabuti ang mga performance namin.

Hinubad ko ang puting roba at inilapag sa backseat ng kotse ko. Biyernes na ngayon at papunta na ako sa bahay nila Daryl sa Pasay. Inayos ko ang pagkakatuck in ng emerald green chiffon blouse sa black pegged pants na suot ko. Nagretouch rin ako ng konting make-up sa mukha bago tuluyang nagdrive.

Sa labas ko na lang pinarada ang sasakyan dahil puno na ng mga kotse ang harap ng bahay nila. Past 8 pm na ako nakarating. Kasabay kong dumating si Kylie at agad na napaangat ang kilay ko dahil may kasama siya.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon