Chapter 9

111 46 22
                                    

"Maglaro tayo!" sigaw ni Peter. "Truth or Dare!"

"Ano tayo? Bata?" sabi ko naman sa kaniya. Isa lang ang subject namin ngayong araw at hindi raw papasok ang prof namin pero napagdesisyunan namin na dito muna kami sa lobby dahil mas matagal pa ang binyahe ng ilan sa amin kaysa sa itatagal namin sa school kung sakaling uuwi na kami.

"Dali na. Tara. Pampalipas oras lang. Kasali lahat ah! Cherrie, Chuck! Game!" pagpipilit niya sa dalawa.

Nasa isang bilog kami sa may St. Maurs lobby. Katabi ko si Cristof sa left side ko. Si Chanel naman ang nasa right side. Pencil lang ang gagamitin namin dahil sa table kami maglalaro. Ayaw naman namin makabasag sa gitna ng lobby. Pinaikot ni Peter and pencil niya, una itong tumapat kay Chanel. Muntik na ako. Woooh. "Truth or Dare, Chanel?"

Ilang sandaling nagisip si Chanel kung ano ang magandang piliin. "Truth."

Si Peter ang nagtanong, "Nagkaboyfriend ka na?"

"Hindi pa," mabilis na sagot ni Chanel. Pinaikot na ni Chanel ang pencil at tumigil kay Cherrie. "Truth or Dare?"

"Truth na lang," sabi ni Cherrie.

"Sige, ito. Assuming Chuck is just your crush. Tapos sinabi niya na gusto niya 'yung friend mo, what would you do?" tanong ni Chanel.

Natawa si Cherrie sa tanong ni Chanel, "Tulungan ko siya para maging close sila ng friend ko. Pero ang sad naman noon. Tsaka hello, akin na siya ngayon," sabi ni Cherrie. Pinaikot naman ni Cherrie ang pencil at huminto kay Zia, "Truth or Dare?" tanong ni Cherrie.

"Truth," sagot ni Zia.

"Kung may aalisin ka sa group na to, sino 'yun?" tanong ni Cherri.

"Oy, bakit may ganiyang questions. Magkakasiraan tayo ng friendship dito eh," sagot ko.

"Si Peter!! Ang kulit kasi! Pero love natin 'yan," sabi ni Zia. Nakita ko kung paano niya kinindatan si Peter na umiiling na tumatawa lang. Pinaikot ni Zia ang pencil, at ayon, huminto kay Peter. "Truth or Dare?"

"Truth!" sabi ni Peter.

"Mahal mo ba talaga girlfriend mo?" si Zia.

"Oo naman," sagot ni Peter habang nakatingin kay Zia. Teka, may namiss ba ako? Lagi naman akong pumapasok at lagi ko din naman silang nakakasama pero bakit parang may something?? Nakita ko ang pagtango ni Zia sa sagot ni Peter. Pinaikot ni niya ang pencil at huminto kay Cristof. "Truth or Dare?" nakangiting tanong ni Peter. Parang pinaghandaan niya ang oras na 'to ah.

"Truth," sagot naman ni Cristof.

"Kung may isang importanteng bagay ka na sasabihin kay Ann, ano 'yun?"

"Anong importanteng bagay?"

"Ewan ko. May dapat ka bang sabihin? May dapat ka aminin? 'Yun ang sabihin mo," sabi ni Peter. "Nang nakatingin ka sa mata ni Ann ha!" dagdag niya.

Nakita kong tumingin sa akin si Cristof. "I love you." Wow, ang tapang niya para sabihin sa akin 'yan sa harap ng mga kaibigan namin.

Rinig na rinig ko ang "ayieeee" ng mga kasama namin. "I love you daw, anong sasabihin mo tungkol doon, Ann?" natatawang tanong ni Chuck.

"Thank you," natatawang sabi ko.

"Thank you? Ano 'yun!?" tanong ni Zia. Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha nila. Alam nila na nagkakamabutihan na kami ni Cristof. Pero wala pa ako sa point na 'yun.

"Thank you kasi love niya 'ko," sagot ko.

Ilang araw ko ng naririnig kay Cristof ang mga salitang 'yun sa iba't ibang pagkakataon. Minsan kumakain lang naman kami ng waffle tapos bigla siyang lalapit sa akin. "May sasabihin ako sayo," sabi niya ng makaupo siya sa tabi ko tapos biglang bubulong ng "I love you."

Mapapangiti ako sa ginagawa niya at magsasabi ng "Thank you," dahil 'yung lang ang pwedeng sagot na pwede kong ibigay sa kaniya dahil mabigat na salita ang mga binibitawan niya. Hindi ko pa kayang ibalik sa kaniya 'yun lalo na kung hindi naman totoo.

Araw-araw hindi niya nakakalimutan sabihin sa akin na mahal niya ako at araw-araw hindi ko din nakakalimutan magpasalamat sa kaniya. Oo, hindi niya masyadong gusto ang sagot na nakukuha niya sa akin pero kaysa naman sabihin ko sa kaniyang mahal ko siya kahit na ang totoo ay hindi naman pala? 

Mas makakasakit, mas mahihirapan, mas magiging komplikado ang lahat. Kaya sa ngayon puro thank you na lang ang sinasagot ko sa kaniya.

"Kailan mo kaya ako sasabihan ng I love you?" tanong niya isang araw.

"Kapag alam kong totoong mahal na kita. Hindi ba mas maganda 'yun? Kasi totoo?" sabi ko.

"Puro ka kasi thank you."

"E thankful naman talaga ako kasi love mo ko. Saka nakikita ko 'yun, kahit hindi mo sabihin. Nararamdaman ko. Hindi naman ako manhid. Kaya nga ako nagpapasalamat sa'yo," nakangiting sabi ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagkatamlay niya, "Alam ko naman na hindi ako gano'n kagwapo tulad ng iba. Alam ko 'di ako kagusto-gusto pero mahal talaga kita," sabay tingin niya sa mga mata ko.

Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay, "Hey, kagusto-gusto ka, okay? Kamahal-mahal ka kasi madali kang mahalin. Masarap kang kasama kasi sumasaya 'yung mga tao kapag nasa paligid ka nila. Darating din tayo doon, okay? Darating din tayo doon," sabi ko sa kanya.

Iniwas niya ang mukha niya sa akin. "Sorry, ang emosyonal ko nanaman. Tara, uwi ka na. Hahatid na kita," sabi niya.

Bigla siyang tumayo pero pinigilan ko ang braso niya, "Napapagod ka na ba?"

"Hindi, 'di ba sinabi ko sayo hihintayin kita?" sagot niya. Tango lang ang naging sagot ko sa kaniya. "I love you, Ann." 

Sa totoo lang, minsan, napepressure na 'ko na sabihan siya ng I love you dahil alam kong napapagod na siya at wala siyang makuha sa akin kung hindi walang katapusan na thank you. 

Nakakapressure kasi gusto ko siyang maghintay, magtyaga para sakin, pero minsan nararamdaman ko 'yung pagod niya. 'Yung para bang trabaho ka ng trabaho pero wala kang sweldo. Gano'n. Pero 'di ba dapat kung mahal mo talaga 'yung ginagawa mo, may sweldo man o wala, dapat masaya ka at 'di ka napapagod? 

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon