Chapter 46

43 17 5
                                    

Kinabukasan ay parang normal na araw lang din. Puro discussion lang ngayon kaya medyo kalma ang araw ko. Hindi kami nagkausap o nagkita man lang ni Cristof. Daig pa namin 'yung mga LDR samantalang nasa kabilang room lang naman ang classroom niya.

Sila Gen, Anj at Jan lang ang nakakausap ko.

Dumating ang araw ng Sabado. Wala naman kailangan gawin para sa susunod na linggo kaya naman nanuod lang ako ng TV sa kwarto ko. Nililipat ko ang channel hanggang sa mapadpad ako sa isang channel na may pinapakitang mga regalo.

Doon ko naalala na may mga dapat pa nga pala akong gawin, 'yung box!

Mabilis akong lumapit sa cabinet ko at binuksan iyon. Kinuha ko lahat ng kailangan ko para sa pag-aayos noong box.

Isinulat ko isa-isa sa sticky note ang mga open when...

Open when you receive this, open when you have a headache, open when you feel like pooping, open when you're stressed, open when you can't sleep, open when you're sleepy but needs to stay awake, open when you're feeling sad, open when you're hungry, open when you cut yourself, open when you're going to travel somewhere, open when you need a laugh, open when you want to take a trip down memory lane, open when you needed some shots, open when you miss my kisses, saka open when you're bored.

Mukhang hindi ko matatapos gawin ang lahat ng ito ngayon ha. Napagod ako agad kakasulat pa lang, kailangan ko pang ibalot ang mga pinamili ko isa-isa.

Nakalagay na sa envelope ang rules kaya naman dinikit ko na lang ang note na may nakalagay na open when you receive this. Ganoon din ang para sa open when you're feeling sad na may nakalagay na mga wacky pictures namin at para sa open when you need a laugh na ang nakalagay ay listahan ng mga jokes at ang para sa open when you want to take a trip down memory lang na may nakalagay na screenshot ng conversation namin na puro banat.

Sinimulan ko nang ibalot ang isang banig ng biogesic at nilagyan iyon ng note na open when you have a headache nang matapos ko 'yung ibalot. Maayos at pulidong-pulido ang pagkakagawa ko doon. Siguradong magugustuhan ni Cristof ang regalo kong ito.

Naalala ko kasi na may mga araw na hindi ko makausap ng matino si Cristof at kapag tinanong mo naman sa kaniya kung ano bang nangyayari sa kaniya ay sasagutin ka ng dahil sa sakit ng ulo. Palagi iyon noong magkaklase pa kami. Ewan ko lang ngayon.

Ngayon pa lang ay naeexcite na 'kong ibigay sa kaniya ang mga ito. Akalain mo nga namang nakangiti pa ako habang binabalot ang wipes saka nilagyan iyon ng note na open when you feel like pooping.

Natawa ako ng maalala ko na may isang beses na may nakain siyang hindi maganda saka sumama ang kaniyang tyan. Gusto niyang umuwi pero may isang oras ang byahe niya pauwi kaya baka hindi na rin niya iyon matiis. 

Pinilit ko siyang pumunta sa isang liblib na cr sa school para doon ilabas ang kailangan niyang ilabas. Nang makalabas siya sa cr ay tawa ako nang tawa habang siya ay nakasimangot dahil sa sakit ng tyan niya.

Sumunod kong binalot ang stress ball. Dito ako tumagal sa pagbalot. Paano mo nga naman kasi ibabalot ang isang bilog na bagay nang maayos at maganda at magiging presentable pa rin ito?? Mukhang mas kailangan ko ata ang stress ball na ito sa ngayon.

Naka-ilang ulit na ako sa pagbabalot noon pero hindi ko talaga magawa kaya naman sinukuan ko iyon saka ginamit muna. Ako ang nastress sa pagbalot ng stress ball. Habang pinaglalaruan iyon ay isip ako nang isip ng paraan kung paano iyon ibabalot.

Tinigilan ko na muna iyon dahil wala talaga akong maisip. Kinuha ko na ang sachets ng tea na binili ko at iyon naman ang binalot. Matapos noon ay idinikit ko naman ang note na may nakalagay na open when you can't sleep.

Ang sumunod kong ginawa ay ang mga sachets ng coffee. Madaming araw na kailangan namin magpuyat para lang makapag-aral. Minsan ay kahit anong puyat mo kung inaantok na ang diwa mo ay wala kang mararating. Nang matapos ko 'yun ibalot ay nilagyan ko na agad iyon ng note na open when you're sleepy but needs to stay awake.

Sinunod ko ang dalawang canned goods. Medyo nahirapan din ako dito pero mas nahirapan talaga ako doon sa stress ball. Matagal naman ang expiration nito kaya okay lang kung hindi niya ito mabubuksan agad. Nilagyan ko iyon ng open when you're hungry na note.

Kahit katamtaman lang ang kaniyang katawan ay alam kong laging gutom ang taong iyon kaya naman naisip kong isama ito sa mga open when.

Sa tingin ko ay hanggang dito na lang muna ang gagawin ko. Gabi na rin naman saka gusto kong mag-advance reading para sa mga subject ko para naman hindi na ako masyadong mahirapan sa mga iyon.

Inilagay ko na sa box ang mga nabalot ko saka ibinalik ang lahat ng gamit ko sa cabinet ko saka lumabas para makapagmerienda na muna. Nakakapagod rin naman ang ginawa kong pagbabalot isa-isa sa mga iyon.

Matapos noon ay pumasok akong muli sa kwarto at kinuha na ang mga libro ko sa Accounting at sinimulang basahin ang susunod na chapter. At katulad ng ibang chapters ay hindi ko agad naintindihan ang iba doon sa unang basa.

Nagsagot na rin ako ng ibang exercise para naman kapag sinagutan ito sa classroom ay hindi na ako mahirapan at kung may mali man ay matatama ko ang pagkakamali ko.

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon