Nang mag-Monday na ay todo ang kaba na nararamdaman ko. Naalala ko na kailangan namin mag-usap ni Cristof ngayon. Hindi ko alam kung anong kakahinatnan ng pag-uusap namin mamaya pero nasisigurado kong hindi iyon magiging maganda.
"Mag-uusap daw kami ngayon eh," sabi ko kay Anj.
"Tungkol saan?" tanong ni Gen.
"'Di ko rin alam. Kinakabahan nga ako eh. Iba pakiramdam ko," sagot ko.
Nag-usap pa kami ng mga ilang saglit saka tumunog ang phone ko. Tumatawag si Cristof.
Ann: Don't tell me na hindi tayo makakapag-usap ngayon.
Cristof: Ann, I can not.
Sinasabi ko na nga ba. Ano nanaman kayang dahilan niya?
Ann: What is it this time? Pinapauwi ka na ng Mama mo? May practice kayo? Or may quiz bukas?
Cristof: Ann naman eh.
Ann: What?
Napapairap na lang ako sa mga nangyayari.
Cristof: Nagpapasama si Ate sa hospital.
Ann: Why? What happened?
Cristof: Yearly check-up.
Talaga bang idadamay niya ang buong pamilya niya sa pagpapalusot niya? Sa pagkakataong ito ay hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko kasi ay laging pagdadahilan na lang ang mga iyon.
Ann: Okay, sige.
Cristof: Pauwi na 'ko.
Ann: Sinong kasabay mong-
Hindi ko na natuloy ang tanong ko dahil rinig ko sa likod ng pag-uusap namin ang malakas na boses ni Lianne. "Uy, Cristof, dito ka sa tabi ko. Dali!" rinig kong sabi ni Lianne.
Ann: Ingat kayo.
Matapos noon ay madali kong binaba ang phone at humarap kila Anj at Gen.
"Syempre, hindi nanaman kami magkikita," sabi ko, "at syempre kasama nanaman niya ang Lianne na 'yun."
Nang makauwi ako ay chinat ko si Cristof para sabihing nasa bahay na ako at gano'n na lang kabilis ang kaniyang naging pagtawag nang makahiga ako sa kama.
Ann: Hindi mo ba talaga titigilan 'yang si Lianne?
Cristof: Ano nanaman 'to?
Ann: Tell me, tumabi ka ba sa kaniya noong sinabi niyang tumabi ka sa kaniya?
Cristof: Ann...
Rinig ko ang pagod sa boses niya nang sabihin niya ang pangalan ko pero kailangan niya ring intindihin na pagod na rin ako sa kakaisip sa Lianne na 'yun. Masyado na siyang maraming partisipasyon sa relasyon namin ni Cristof.
Ann: Bakit pa ba ako nagtatanong.
Cristof: Ano ba? Ito nanaman tayo eh.
Ann: Oo, ito nanaman tayo. At hindi tayo titigil hangga't hindi mo tinitigilan 'yang Lianne na 'yan. Hindi mo ba nagegets? Naiinis ako sa kaniya.
Cristof: Wala ka namang dapat ikainis sa kaniya eh! Alam mo, mas nakakainis 'yang ginagawa mo!
Ann: At 'yang ginagawa mo? Nakakatuwa?
Bigla na lang akong napaupo sa aking pagkakahiga. Hindi ko na malaman kung sa papaanong paraan ko ipapaintindi kay Cristof na naiinis ako.
Cristof: Oo, ang saya nga eh! I'm having so much fun, Ann.
Kusang napapairap ang mga mata ko sa mga sagot na binibigay niya sa'kin. Lagi na lang ganiyan ang sinasagot niya sa'kin kapag nag-aaway kami. Mga walang katuturan na sagot at ang inaasahan niya ay ang maging maayos ako sa pakikipag-usap sa kaniya.
Ann: Eh 'di good for you. Enjoy ka lang diyan.
Cristof: Tumigil ka na. Bababaan na kita ng telepono.
Ann: Eh 'di go! Para mas sumaya ka.
Cristof: Ano ba, hindi ka ba napapagod sa kakaganyan mo?
Ann: Hindi ka ba napapagod sa kakaaway natin dahil diyan sa Lianne na 'yan na ayaw mong tigilan?
Cristof: Tumigil ka naman na! Please!
Ann: Ano ba kasing mayroon 'yang Lianne na 'yan!?
Cristof: Tumigil ka na.
Ann: Hindi!
Cristof: Anong gusto mong gawin ko? Layuan ko sila? Eh sila nga 'yung mga kasama ko lagi eh!
Hindi ko na mabilang ang pag-ikot ng mga mata ko dahil sa taong 'to. Nakakuyom ang mga palad ko sa comforter na nakabalot sa akin at pilit na inilalabas ang galit doon. Huminga ako ng malalim saka ko siya sinagot.
Ann: Humanap ka ng paraan. 'Di ko alam sa'yo!
Cristof: Ann, tumigil ka na. Bababaan na talaga kita.
Ann: Wala. Akong. Paki.
At binabaan niya nga ako ng telepono. Umaabot sa ulo ko ang dugo ko sa pagkairita ko sa kaniya. Hindi ako highblood pero parang nahihighblood ako. Hindi ko muna siya tinext o chinat matapos niya akong babaan ng phone.
Siya ang nagbaba ng phone, siya dapat ang unang kumausap. Naglaro ako ng Call of Duty sa cellphone para mawala ang inis at galit sa katawan ko. At totoo namang sobra ang naramdaman kong gigil sa paglalaro nang matapos ang isang ranked game. 25 Kills, 0 Deaths at 16 Assists.
Hanggang sa makatanggap ako ng isang text mula sa kaniya.
Cristof: I think we should break up.
Nang mabasa ko iyon ay agad ko inexit ang laro at mabilis siyang nireplyan. Ibang kaba nanaman ang naramdaman ko. Ano ba naman, Cristof!
Ann: What?? Seryoso ka ba??
Please tell me na hindi ito totoo. Please tell me na hindi ito totoo. Please tell me na hindi ito totoo.
Gusto kong sabihin niya na hindi totoo 'yung tinext niya. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay hindi pa rin siya sumasagot kaya naman tinawagan ko na siya. Nanginginig ang mga kamay ko habang dinadial ang number niya. Hindi pwede. Please.
Pero nang pindutin ko ang call ay gano'n na lang ang pagkadismaya ko ng marinig na busy ang line niya. Maaaring may kausap siyang iba o 'di kaya ay pinatay niya ang phone niya o namatay ang phone niya dahil lowbat o 'di kaya ay wala lang signal sa bahay nila. Sana ay 'yung huli ang dahilan.
Sinubukan kong muli na tawagan siya pero busy pa rin ang linya. At sa pangatlong beses ay nagring ng isang beses tapos ay naging busy. Shit! Binlock niya ba ako?? Gano'n ang nangyayari kapag nakablock ang isang number sa cellphone. Magriring ng una tapos ay magiging busy.
Naisip kong tawagan siya sa messenger pero gano'n na lang ang pagkalungkot ko dahil pati doon ay nakablock na rin ako. You cannot reply to this conversation.
Wala na akong maisip na paraan para makausap si Cristof, naka-blocked ako sa phone niya, naka-blocked rin ako sa messenger. Iyon lang ang mga paraan namin ng pag-uusap. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Isa-isa nang tumulo ang mga luha sa mata ko."Bakit hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong sumagot," sabi ko sa sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/228082459-288-k716354.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Teen FictionKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...