Kinabukasan ay nagising ako ng walang chat o text man lang si Cristof. Kakausapin ko na lang siya mamaya pero sa ngayon ay tinext ko na muna siya.
Ann: Good morning, babe. Umuwi ka ba? Haha.
Matapos noon ay naligo na ako at naghanda para pumasok. Naiinis akong isipin na hindi man lang niya ako nakuhang itext kahit man lang 'bahay na ko' para man lang malaman ko kung buhay pa siya.
Saka ako napaisip at biglaang napatigil sa pag-aayos ng sarili. Teka. Sandali. Baka naman may nangyari na kay Cristof kaya hindi siya nakapagtext!
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at saka siya tinawagan pero hindi niya sinagot. "Pick up. Pick up," bulong kong sabi habang 'di matigil sa kakalakad ang mga paa ko dahil sa kaba. "Babe. Babe. Please," sabi ko pero nahinto ang tawag.
Hindi siya sumasagot. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Apat na beses ko pang tinawagan ang number niya pero wala pa ring sumasagot. Nagsisimula na 'kong maiyak sa mga naiisip ko. "Shit, Cristof. Where the hell are you?" Muli kong dinial ang number niya.
Sa panglimang beses ay saka siya sumagot. "Hello!" inis na bungad niya sa'kin. Halatang bagong gising.
"Bakit ganiyan ang boses mo? Hindi ka ba papasok?" tanong ko.
"Sino 'to?" tanong niya.
Wow.
Napamaang ako sa isinagot niya sa'kin. Pilit na tawa ang sinagot ko sa kaniya, "Girlfriend mo 'to. Bumangon ka na diyan. May pasok ka pa," sabi ko saka binaba ang tawag. Nawala lahat ng pag-aalala ko sa kaniya at napalitan ng inis, galit at pagkabwisit. Sino ako? Sino ako!? Bwisit.
Cristof: Babe, sorry. Lutang pa kasi ako. Papasok ako pero baka sa second subject ko na. Sorry. I love you.
Imbis na kiligin ay napairap na lang ako matapos kong mabasa ang text niyang iyon.
Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy sa pag-aayos ng sarili. Nang matapos ako mag-ayos ay lumabas na ako ng bahay para pumunta ng school.
Mayroon kaming break pagkatapos ng una naming subject kaya naman bumaba kami para kumain. Nando'n ko nakita si Cristof, kasama sila Jessica at Lianne, nagtatawanan habang kumakain. Hindi ko siya pinansin. Nagkunyari akong hindi siya nakita saka sila nilagpasan.
"Babe," rinig kong tawag ni Cristof.
"Oh, andiyan ka pala. 'Di kita napansin," saka dumiretso sa table kung saan kami uupo nila Gen, Anj at Jan. Naramdaman kong tumayo siya at sumunod sa kung nasaan kami.
"Babe, sorry na. Sobrang bagong gising lang kasi talaga ako kaya 'di ko nakilala 'yung boses mo," pagmamakaawa ni Cristof.
"Ann, ano sa'yo? Isasabay ko na sa pagbili," sabi ni Gen.
"Hindi na. Ako na lang, okay lang. Thank you," sabi ko saka naupo sa silya.
"Sisig sa akin. Sisig ka na rin ba?" pagpupumilit ni Gen. Mukhang wala na talaga siyang balak na pabilihin ako.
Tumango ako saka kinuha ang wallet ko at inabot ang bayad sa kaniya. "Thank you," sabi ko.
"Anong drinks mo?" tanong naman ni Anj.
"Water lang," sagot ko tapos ay umalis na sila para makapag-usap kami ni Cristof. Alam nila ang nangyari kaya naman ganiyan sila kung umasta.
"Babe," muling tawag sa akin ni Cristof ng makaalis na sila Gen. "Sorry na," paulit na sabi niya.
Saka ako humarap sa gawi niya, "Unang-una hindi ka nagtext o kahit nagchat man lang kung ano ng nangyari sa'yo kagabi. May girlfriend ka Cristof. May naghihintay sa bawat text mo, kung alam mo lang. Gusto ko lang naman malaman kung buhay ka pa," mahabang sabi ko.
"Babe –" singit niya sa pagsasalita ko.
"Hindi, tapos kaninang umaga noong tumatawag ako sa'yo, limang beses, Cristof, limang beses bago mo sinagot 'yung tawag ko. Nag-aalala ako kasi ang akala ko may nangyari ng masama sa'yo. Ha! At akalain mo nga namang pagkasagot mo eh nakalimutan mo na na may girlfriend ka at ako 'yun," nanggagalaiting sabi ko.
Iyan ang gusto niya, hindi ba? 'Yung maging open ako sa kaniya ng harapan. Eh 'di ayan, ibibigay ko sa kaniya ng buong puso. Bwisit siya.
Saka niya inabot ang ngayon ko lang napansin na isang pirasong blue na rose na gawa lang sa colored paper. Hindi masyadong maayos ang pagkakagawa noon na akala mo gawa ng bata. "Wala akong mahanap na blue rose kaya ginawa ko na lang," sabi niya.
Nang tignan ko siya ay kaawa-awa ang kaniyang mukha habang nakatingin sa blue rose na ginawa niya lang at mukhang sising-sisi sa nagawa. Bumugtong-hininga lang ako saka kinuha ang blue rose mula sa kamay niya. "'Wag mo nang uulitin 'yun. Gusto ko lang naman maging sigurado kung buhay ka pa," sabi ko.
"Grabe naman 'yung buhay pa ako," sabi ni Cristof nang bigla siyang mapatingin sa'kin.
"Nakakatawa lang pakinggan pero totoo 'yun," sabi ko ng hindi inaalis kay Cristof ang tingin. Nakabalik na sila Gen, Anj at Jan dala-dala ang pagkain namin at nanatili naman si Cristof sa amin para makipagkwentuhan.
Minsan na rin naman niyang nakasama ang mga ito kaya naman magaan na ang loob niya sa mga ito. Umalis lang siya nang oras na ng pasok nila. Syempre, kasama nanaman niyang umakyat sila Jessica at Lianne.
Nang matapos ang pasok ko ng araw na iyon ay nadatnan ko si Cristof na naghihintay sa labas ng classroom namin. Hinatid niya akong muli sa aming bahay katulad ng lagi niyang ginagawa.
Sa kalagitnaan ng Disyembre ay biglang nagpaalam muli sa akin si Cristof. "Babe, may early Christmas Party kami," sabi niya habang nasa St. Maurs kami isang araw para mag-aral para sa law subject namin. "Sa bahay nila Lianne," dagdag niya. "Sa Saturday gagawin."
Sa bahay nila Lianne. Okay.
"Sino-sino kayo?' tanong ko ng nakatutok pa rin ang tingin sa librong binabasa kahit hindi ko naman na talaga iyon naiintindihan.
"Si Lianne, Jessica, Pauline, Mika saka ako," sabi niya.
"Ah," walang ganang sagot ko. Puro babae nanaman ang mga kasama niya.
"Gusto mong sumama?" tanong niya sa akin. "Kaso hindi na kita mahahatid pauwi kasi syempre nandoon na ako eh.
Nang tignan ko siya ay nakatingin na siya sa'kin. "Hindi na. Ikaw na lang. Hindi naman ako invited saka friends mo 'yun. Hindi ko naman sila masyadong ka-close," napangiti kong sabi.
Humanga ako sa kaniya ng oras na iyon dahil nakuha niya akong imbitahin sa ganoong okasyon kahit na hindi naman kailangan. "Sigurado ka?" pagpapakasigurado niya.
Tumango lang ako saka binalik ang atensiyon sa librong binabasa.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Genç KurguKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...