Chapter 12

96 41 22
                                    

Friday ng umaga ay maaga akong nagising dahil maaga rin ang alis nila papuntang Baguio. 3:00AM ang nakalagay na oras sa phone ko. Iniwanan na lang nila ako ng pera para makapagpaorder na lang daw ako ng mga pagkain ko. 

Natulog pa akong ulit ng makaalis na silang lahat. Nang mga 10:00AM na ay kailangan ko ng bumangon para sa 12:00PM class ko. Kagaya ng ibang araw ay gano'n ulit ang nangyari sa araw na 'to pero, buti na lang, walang quiz sa Accounting. 

Puro kwentuhan at tawanan pero syempre hindi naman tayo pumasok para lang makipagkwentuhan. Nakikinig din naman kami sa mga prof namin. Madami rin naman tayong natututunan sa bawat araw na lumilipas. Hindi nga lang sobra, sakto lang. Saktong-sakto lang para pumasa pero nagpupursigi para maging magaling. 

Sabay-sabay ulit kaming naglunch noong nagbreak time at hinatid ulit ako ni Cristof sa bahay namin. "Ingat ka pauwi. Sobrang thank you. Ang layo pa ng bahay mo pero hinahantid mo pa rin ako," sabi ko kay Cristof.

"Syempre, ihahatid at ihahatid kita kahit anong mangyari," sagot niya. "Uwi na ko ah? Okay ka na diyan kahit wala kang kasama?" tanong niya.

"Oo, kaya ko na 'to. Thank you," sabi ko at pumasok na 'ko sa bahay namin.

Pagkauwi ko ay nakita ko na may chat pala si Tristan sa akin pero hindi ko maintindihan kung anong gusto niyang sabihin.

Tristan: Nangyari na.

Ann: Ha? Nangyari na? Ang alin?

Tristan: Break-up.

Ann: You did not.

Tristan: I fucking did, Si.

Ann: Bakit?

Tristan: Eh gano'n eh.

Ann: Si, okay ka lang?

Tristan: Can I come over?

Ann: Sige, now na? Kaso wala akong kasama dito.

Tristan: Asan sila tita? Saka sila ate?

Ann: May pinuntahang house blessing. Sa baguio!

Tristan: Bakit 'di ka kasama?

Ann: Mamaya ko na sasabihin. Sige na, go!

Tristan: Okay lang ba sa'yo? Wala kang kasama diyan tapos pupunta ako?

Ann: Oo naman, Si.

Tristan: Mag-aayos lang ako tapos pupunta na ko diyan.

Ann: Okay.

Naligo ako ulit dahil sobrang nanglalagkit na 'yung katawan ko sa init ng panahon ngayon. Nagpatuyo ng buhok saka ito tinali. Mayamaya lang ay may narinig akong nagdoorbell, mukhang nandiyan na si Tristan.

"Hey," sabi niya ng makita niya ako. Pinagbuksan ko siya ng gate at pinapasok sa bahay. "So, asan nga sila tita and sila ate?" tanong niya habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"Pumunta ng house blessing! Sa baguio," sabi ko. Nakapasok na kami ng bahay at umupo siya sa sala habang ako naman ay umupo sa tabi niya.

"Eh bakit hindi ka nga kasama?" Binuksan niya ang TV at nagbrowse ng magandang panuorin. Feel at home na feel at home dito si Tristan kasi lagi naman siyang pumupunta dito saka close siya sa family ko kaya walang problema si Tristan kapag nasa bahay.

"May pasok ako kanina, hindi ako pwedeng umabsent, kaya nagpaiwan ako." Maayos ang usapan namin pero kita ko ang lungkot at pagod sa mga mata niya. "Si, okay ka lang?" Bumugtong hininga siya sabay baba ng remote ng TV sa lamesa. Saka ko lang nakita na pinatay niya pala ang TV. Wala siguro siyang magustuhan. "Bakit mo pinatay?" tanong ko.

"Sumasakit lang ulo ko sa ingay ng TV," nakaupo siyang sumandal at inihiga ang ulo sa sandalan ng sofa saka pumikit.

"Alam mo sayang kayo," sabi ko. Pinagmamasdan ko pa rin ang bawat galaw niya.

"Bakit naman?" nakahiga at nakapikit pa rin.

"'Yung alam kong love na love mo siya kahit sobrang immature niya. Hindi mo naman ako lalayuan kung hindi mo siya mahal eh, 'di ba?" sabi ko.

Napadilat siya ng mata at napatingin sa akin, "Si."

"Hindi, okay lang. Ang point ko, mahal mo siya, mahal ka niya, bakit hindi niyo ipaglaban?" matapos kong sabihin 'yun ay bumalik siya sa pwesto niya kanina. Muling inihiga ang ulo sa sandalan ng sofa.

"Hindi ko alam," tanging sagot niya. "Ang gulo ng isipan ko, anak ng putcha," itinakip niya ang dalawang kamay niya sa kaniyang mukha. Mukhang marami ngang bumabagabag sa taong 'to.

"Gusto mo ng beer?" tanong ko at tumango naman siya.

Tumayo ako at pumunta sa kusina kung nasaan ang ref namin. Binuksan ko 'yun at kinuha ang dalawang bote ng beer. Matapos ay pumunta ako sa may lababo para kunin ang pangbukas nang bigla kong maramdaman ang mga braso ni Tristan na unti-unting pumapalupot sa bewang ko. "Tri-"

"Sandali lang, limang minuto lang, Si. Please." Rinig ko ang panginginig ng boses niya kaya hinayaan ko siya. Isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko at doon umiyak nang umiyak. Tinatapik-tapik ko ang mga braso niyang nakayakap sa bewang ko dahil hindi ko alam kung paano siya patatahanin. "Hindi ko na kaya."

"Kaya mo, kakayanin mo."

"Sana ikaw na lang niligawan ko, Si, sana ikaw na lang," nanginginig pa rin ang boses niya. Unting-unting lumalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha na nagbabadyang tumulo mula rito. Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin siya gumagalaw at ilang minuto pa ulit ang lumipas bago ulit siya nagsalita, "Ann," pagtawag niya sa akin.

"You never call me Ann," sabi ko sa kaniya dahil, sa unang beses simula ng maging magbestfriend kami, ngayon niya lang ako ulit ako tinawag na Ann.

"I broke up with her because I can't stop thinking about you," biglaan at mabilisan niyang sabi.

Ilang segundo ang lumipas bago ako nakapag-isip ng isasagot. "We've been bestfriends for 5 years, syempre makokonsensya ka na nilayuan mo ko," natatawang sabi ko pero may halong kaba.

"It's more than that, Si," humigpit ang yakap niya sa akin at lalong binaon na ulo sa leeg ko. "God knows it's more than that." Naririnig ko nanaman ang panginginig ng boses niya. Napapikit ako sa mga salitang binitawan niya at napakunot ang noo. 

Ilang beses kong ginustong marinig yan dati pero sinabi ko sa sarili kong hindi pwede. Kasi bestfriends kami. Dapat mauna 'yung pagmamahal ko sa kaniya kasi bestfriends kami, hindi dahil sa gusto ko siya. 

May ilang minuto bago niya dahan-dahang tinanggal ang mga braso niya sa bewang ko at pilit akong hinarap sa kaniya. Muli niya akong kinulong sa mga bisig niya ng tuluyan na akong makaharap sa kaniya, ang isang kamay niya ay nasa may buhok ko, pilit akong nilalapit sa kaniya. 

Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya at nakapikit habang nakapalupot din ang mga braso ko sa kaniya. "Ang tagal kong hinintay 'to. 'Yung mayakap ka nang ganito katagal, nang ganito kahigpit, nang walang iniisip."

Dahan-dahang lumuwag ang pagkakakapit niya sa akin pero ang akala kong tapos na ang eksena namin ay nabalewala ng dahan-dahan niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang bagal na nakikiramdam, sobrang bagal na nag-aabang ng pagtutol ko pero wala akong nagawa, hindi ako nakakilos at ang sunod na lang na alam ko ay nakalapat na ang labi niya sa labi ko. 

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon