Hindi ako nakapasok kinabukasan dahil sa sama ng pakiramdam ko. Buti na lang at hindi ngayon ang quiz namin kung hindi lagot na talaga ako.
Cristof: Goodmorning, AFD. See you later!
Cristof: Hindi ka ata papasok. Mukhang masama pa pakiramdam mo, pagaling ka. I love you.
Buong araw kami magkachat ni Cristof. Minsan ay hindi siya nakakapagreply dahil alam kong nasa klase siya pero kapag break time na ay nagchachat siya. Nag-aaral pa rin ako ngayon para mas maayos ang quiz ko bukas pero sana wala na ang sama ng pakiramdam ko bukas.
Paulit-ulit kong binasa ang Chapter 7 at Chapter 8 ng Accounting book ko. Hindi isa. Hindi dalawa. Tatlo. Tatlong beses kong binasa ng paulit-ulit ang chapters na 'yan hanggang sa maintindihan ko.
CHAPTER 7. Completing the Accounting Cycle.
Okay, game. Trial Balance. Adjusting Entries. Adjusted Trial Balance. Accrual of Income and Expenses. Deferred or Prepaid Expenses. Kayang-kaya. Deferred or Unearned Revenue. Bad Debts. Depreciation. Worksheet. Adjusting Entries Recorded and Posted to the Ledger. Okay, madali lang.
CHAPTER 8. Financial Statement Presentation, Closing the Book and Financial Analysis.
Financial Statements. Limitations of the Financial Statements. Integrity of the Financial Statements. Preparing the Financial Statements. Okay, sige. Income Statements. Statement of Changes in Equity. Mahaba-haba 'tong Chapter 8 ah.
Statement of Financial Position. Current and Non-current Classification. Kaya ko pa to. Adequate Disclosures. Sige, kaya pa natin. Statement of Cash Flows. Closing Entries. Kaya ko pa ba? Preparing a Post Closing Trial Balance. Reversing Entries. Financial Analysis.
Ang dami naman nito. Comparative Financial Statements. Profitability. Liquidity. Hindi ko na matandaan 'yung iba. Solvency. Foreign Financial Statements. Bakit pati foreign kasama??
Haaay, hindi naging madali ang pagaaral ko, idagdag mo pa ang sama ng pakiramdam ko. Kung makikita niyo naman sandamakmak na titles para sa isang chapter pa lang. Title pa lang 'yan. Paano pa 'yung mga nakapaloob sa bawat title na 'yan pero natapos ko at seryosong tatlong beses kong binasa 'yung buong chapter.
Matapos noon ay nagsagot ako ng mga exercises sa book. Lahat ng pwedeng sagutan ay pinagtyagaan ko at sinagutan isa-isa. At noong araw na ng quiz ay, buti na lang, umayos na ang pakiramdam ko at bihasa na rin ako sa topic na i-ququiz. Sana ay hindi ako mablanko mamaya.
"Nakapag-aral ka nang maayos?" tanong ni Cristof.
"Oo, kaso may hindi ako masagutan sa exercise sa book. Ito oh," hinanap ko 'yung number na hirap na hirap akong sagutin kagabi. Pinakita ko na rin sa kaniya 'yung iba kong answer para macheck na rin niya kung tama ba 'yung ginawa ko. Inexplain niya sa akin 'yung mga number na may mali ako at kinorrect 'yun. "Ahhh. Gano'n pala 'yun! Thank you!" sabi ko.
Dumating ang prof namin sa Accounting at isa-isang binigay ang quiz namin at walang kahirap-hirap kong nasagutan ang exam. Sa tingin ko nga ay ako ang unang natapos sa quiz na 'yun. Kinakabahan ako kasi sabi nila kapag una kang natapos sa quiz at tingin mo hindi mahirap 'yung quiz ay malaki ang chance na mali ang ginawa mo kaya hindi ka nahirapan.
Kaya paulit-ulit kong chineck 'yung sagot ko pero wala akong babaguhin kahit dalawang beses ko pang icheck 'yun. "Mukhang okay 'yung quiz mo, ha?" sabi ni Cristof.
"Sana! Sana!" nakangiting sabi ko. "Pinagpuyatan ko 'yun, 'no," proud na sabi ko. Pababa na sana kami ng classroom nang magkasalubong kami ni Tristan pero ikinagulat ko ang paglagpas niya sa akin na parang di niya ako nakita pero imposible. Masyadong maliit ang daan para hindi niya ako makita o mapansin. Mukhang alam ko na ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Teen FictionKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...