Chapter 21

88 34 15
                                    

Dumaan lang ang buwan ng September pero wala naman bagong nangyari. Ganoon pa rin ang araw ko.

Gigising, mag-aayos, pupunta ng school, didiretso ng Abbey, hihintayin si Cristof, kapag maaga pa ay magkukwentuhan muna kami o kaya mag-aaral tapos ay aakyat na para sa unang klase sa araw na 'yon, kapag break ay pupunta sa snack bar, tapos babalik sa room, kapag uwian na ay ihahatid niya na ako sa bahay, tapos ichachat niya ako o 'di kaya ay i-tetext, magdidinner, mag-aaral, matutulog, repeat.

Pero syempre hindi mawawala ang kwentuhan, tawanan at mga baon na jokes ni Cristof. Laging bago ang mga jokes niya na akala mo nagreresearch.

October 6, Thursday.

Naging ganoon pa rin ang daloy ng araw ko pero ngayong araw sinabi ko kay Cristof na magkita kami ng maaga. 12:00PM pa ang pasok pero sabi ko ay magkita kami ng 9:00AM. Pumunta ako sa Red Ribbon malapit sa amin at saka bumili ng cake.

"Ano pong isusulat sa cake, Maam?" tanong ni kuyang nag-aasikaso sa'kin. "Pakisulat na lang po dito," saka inabot sa'kin 'yung isang papel. Kinuha ko 'yon at sinulat doon ang gusto kong nakalagay sa ibabaw ng cake.

"Ito na po, kuya," pagbalik ko ng papel na binigay niya sa'kin kanina.

Maya-maya lang ay pinakita niya sa akin 'yung cake. "Okay na po, Maam?" Nang makita kong ayos na ang lahat ay tumango na 'ko at binayaran 'yon.

Nang makarating agad ako sa school ay dumiretsoo ako sa loob ng Abbey pero wala pa si Cristof doon kaya naman nagdasal na muna ako. Pinatong ang cake sa may upuan at lumuhod, kinakausap ang Panginoon.

Siya pa rin ang laman ng mga dasal ko.

Maya-maya lang ay dumating na si Cristof, isang malaking ngiti ang ginawad ko sa kaniya ng makita ko siya at hinayaan muna siyang lumuhod at magdasal. Nang umupo si Cristof ay saka lang ako nagsalita, "Sa labas tayo," sabi ko. 

Tumango lang siya at saka tumayo. Nandoon kami sa gilid sa labas ng Abbey, may mga upuan doon na tinatambayan ng mga gusto ng katahimikan pero dahil maaga pa ngayon ay wala pang tao. Kaming dalawa lang.

"Bakit ka may pa-cake? Sinong may birthday?" tanong niya nang makita niya ang dala ko.

Nakangiti lang ako at inabot 'yon sa kaniya, "Para sa'yo 'to," sabi ko.

"Wow, bakit birthday ko ba?" sabay abot niya sa box.

"Buksan mo," utos ko sa kaniya.

Pinanuod ko siyang buksan ang box ng cake, titig na titig sa magiging reaksyon niya. "Okay," basa niya sa nakasulat sa cake. Puno ng pagtataka ang mukha niya saka ko inabot 'yong note na nakita ko sa libro ko noong isang araw. 

Be my girl? 

Hindi pa rin siya nagsasalita, tila pinag-aaralan lahat ng nangyayari ngayong umaga. "Does this mean...?" hindi niya matuloy ang tanong niya pero alam ko kung anong gusto niya malaman.

"Oo, girlfriend mo na 'ko. Boyfriend na kita. Wala ng atrasan," nakangiting sabi ko.

Hindi ko pa rin alam kung anong reaksyon ang pinapakita niya sa'kin ngayon, "Seryoso ba?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Oo nga." At bigla niya akong niyakap. "Huy, baka maPDA tayo dito," at humiwalay rin siya agad ng may ngiti sa mga labi.

"Sorry," pero kita ang saya sa mga mata niya. "I love you," 'di pa rin makapaniwalang sabi niya.

"Mas love kita," sabi ko.

"Ms. De Castro, akin ka lang ah," nakikiusap na sabi niya.

"Mr. Salcedo, sabihin mo man o hindi, ngayong boyfriend na kita at girlfriend mo ko, sa'yo lang ako. At ikaw akin ka lang," pingot ko sa ilong niyang napakacute. "Hoy, namumula ka na diyan," nakangiti pa ring sabi ko.

"Ikaw rin naman oh!" turo niya sa mukha ko.

"I love you. I love you. I love you," sabi ko habang pinanggigigilan ang mukha niyang chubby pero sobrang cute.

"Huwag ka ngang ganiyan, kinikilig ako," hawak ko pa rin ang mukha niya at pinaggigigilan.

Natawa ako at pinakawalan ang mukha niya, "Huwag ka nga malandi diyan," natatawang sabi ko.

"Eh ikaw eh," sabi niya habang tinatapik tapik ang box ng cake. Halata ang saya sa mukha niya at sa awra niya.

"Ako na lang lagi?" suway ko sa kaniya.

"Eh ikaw lang naman laging laman ng puso ko eh," natatawang sagot niya. "Ann, favor naman," sabi niya.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Ay, hindi pala. Magpapaalam sana ako sa'yo," tila naiilang na sabi niya.

"Ano 'yon? Anong meron?"

Tumingin muna siya sa malayo bago nagsalita ulit, ito ang unang beses na pinutol niya ang tinginan namin dalawa, "Kung pwede na kita i-kiss sa cheeks?" sabi niya tapos ay tumingin muli sa akin.

Natawa ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang sasabihin niya pero hindi iyon ang inaasahan ko. "Oo naman," natatawang sabi ko. At bigla niya nga akong kiniss sa cheeks. "Huy, ikaw kapag nahuli tayo dito, lagot ka sa'kin," palo ko sa braso niya.

"Girlfriend na nga kita," nakangiti niyang sabi habang nasa malayo ang tingin. "Dream come true," sabay tingin niya sa'kin. "I promise I'll make you happy. At kapag nalungkot ka, i-kkiss kita," nakangiti niyang sabi.

"Eh 'di araw-araw na lang ako magiging malungkot," tapos ay ginawa kong malungkot ang face expression ko.

Pinisil niya ang pisngi ko at sinabing, "Ikaw ah, napaghahalataan na kita," at sabay kaming natawa. "I love you, Ann."

"I love you. Wala nang reservations," nakangiti kong sabi.

Bigla siyang napatingin sa'kin, "Aba, dapat lang no. Boyfriend mo ko kaya dapat ako lang," sabi niya pero ngumiti rin naman makalipas ang isang segundo. "Pero parang awa mo na, tigilan mo na 'yang bestfriend mo. Utang na loob," at doon, doon napahagalpak nanaman ako ng tawa.

"Hindi ko naman siya inaano eh, hindi na nga kami nag-uusap ulit eh," sabi ko.

"Kasi sila nanaman noong girlfriend niya?" tanong niya.

"Hindi, kasi ayoko na siya kausapin," sabi ko habang nakatingin sa mata.

"Kahit na paparating na siya dito?" at saka niya ginalaw ang ulo niya sa direksyon ni Tristan.

Lumapit ako sa mukha niya at sinabing, "Wala. Akong. Pakielam," at saka ko siya kinindatan.

Ngiti lang ang naging sagot niya sa sinabi ko. Hindi ko na rin tinignan kung totoo bang paparating sa direksyon namin si Tristan.

Nawalan na ako ng paki. Naubusan na ako ng pasensya. 

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon