Chapter 24 (1st year, 2nd sem)

77 32 11
                                    

Ngayon ang problema ko kung paano na kami ni Cristof. Nagsisimula pa lang naming ma-enjoy 'yung magkasama kami tapos biglang hindi na pala dahil sa magkaiba na kami ng section. Nagsimula ang second sem, at hindi nga ako nagkamali. 

Naging madalang ang pagkikita namin ni Cristof kahit na apat na araw pa lang ang nakakalipas. Gusto ko siya makasama. Gusto ko siyang makasama. Doon sa section kung nasaan ako ay nakilala ko si Cha Ramirez.

"Uy, girl, masaya ka ba dito sa section na 'to?" tanong niya sa'kin isang araw. Hindi pa kami masyadong close pero dahil sa siya lang ang nakakausap ko ay siya pa lang ang nagiging bago kong kaibigan dito.

Nagbabasa ako ng City of Bones ko na libro habang hinihintay ang prof namin. "Hindi nga eh, gusto ko magpalipat," sinara ko ang libro ko dahil alam kong magkukwentuhan lang kami.

"Tara, palipat tayo! Saan mo ba gusto?" tanong niya.

"Sa 1-523 sana. Nagpaalam ako dati kay Sir Alejandro kaso ayaw niya pumayag eh. Para daw makapagbond 'yung buong batch. Ang hirap na nga ng course lagi ka pang mag-aadjust," kwento ko sa kaniya.

"Hala, ako rin. Sa 523 ko rin gustong lumipat. Tara na. Pwede 'yan. 'Yung mga classmate ko dati nakapagpalipat eh!" sabi niya saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Papalipat. Tara na!" mabilis siyang naglakad kaya naman sumunod ako agad sa kaniya.

Ang daming proseso para makapagpalipat ng section. Kailangan kumuha ng ganito sa CAS office, kailangan magpapirma sa apat na tao na hindi ko alam kung nasaan, minsan nasa klase 'yung mga dapat pumirma tapos pupunta ka sa ganito, pupunta ka sa ganiyan tapos kakausapin si ganito at kakausapin si ganiyan. 

Nakakapagod pero sa dulo ay pinayagan din naman kami ni Sir Alejandro na makapagpalipat ng section. Ang naging reason ko? Mas maganda po kasi 'yong schedule ng 523 kaya gusto ko doon. Mas komportable po ako sa schedule nila at tingin ko po mas makakapag-aral ako ng mabuti kung nandoon ako.

At 'wag kayo, naging effective 'yon. 

Ganoon din ang naging rason ni Cha kaya naman sabay pinirmahan ni Sir Alejandro ang Permission to Transfer Section na paper namin pareho. Pumunta na kami kung saan magkaklase ang 523, sa labas pa lang ng pintuan ay kita ko na si Cristof na nakaupo sa harapan at walang katabi. 

Sabay kaming pumasok ni Cha sa room nila. Ako ay umupo sa tabi ng upuan ni Cristof habang si Cha naman ay tumabi sa mga kaibigan niya.

"Babe, bakit ka nandito?" bulong na sabi niya sa'kin matapos kong umupo sa tabi niya at saka tumingin sa relo na nasa kamay niya. "May klase ka ngayon ah?" dagdag niya. Pero hindi ako nagsalita, pinakita ko lang sa kaniya yung Permission to Transfer Section na paper ko. 

"Nakapagpalipat ka?" Tumango akong nakatingin sa kaniya at kita ko nanaman ang saya niya. Kinuwento ko sa kaniya lahat ng pinagdaanan namin ni Cha para lang makapagpalipat ng section. Ang hassle.

"Nameet niyo na ba prof dito?" tanong ko maya-maya.

"Hindi pa nga eh," sabi niya at tumango ako. Nagkwentuhan lang kami habang hinihintay 'yung prof para sa subject na 'yun. "Parang gumaganda ka ah," nakatitig na sabi niya maya-maya.

"I know," sabay hawi ko sa buhok ko saka kami tumawa.

"Alam mo ba. akala ko ikaw yung nasa left ng profile picture mo," sabi niya

Binuksan ko ulit ang librong binabasa ko kanina at napatingin naman ako sa kaniya at nakitang nagsiscroll siya sa kaniyang phone, "Alin?"

Maya-maya lang ay pinakita niya sa'kin ang bagong upload na profile picture ko kasama si Ate Felice. "Ito oh."

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon