Isang notif ang natanggap ko para sa 1-323 group isang araw.
Grades in Accounting 1 is already posted. Check your portals! 😊
Kumakalabog ang dibdib ko dahil sabi nila kapag hindi ka umabot sa maintaining grade na 1.75 ay hindi ka na tatanggapin sa course, kailangan mo magshift o lumipat ng school at wala iyon sa mga options ko ngayon. Kailangan ay pumasa ako at umabot sa 1.75 ang grade.
Magkachat kami ni Cristof ng araw na yun at damang-dama niya ang kaba ko.
Ann: Babe, hindi ko kayang i-open 'yong portal. Kinakabahan ako.
Cristof: Gusto mo ako tumingin?
Ann: Sige, please.
Cristof: Anong student number mo?
Ann: F-120001
Cristof: Password?
Ann: De Castro
Matagal ulit bago siya nagreply. Mukhang tinignan na niya 'yong grade ko. Ilang minuto pa ay nagchat na siya ulit sa'kin.
Cristof: Babe.
Ann: Teka, kinakabahan pa rin ako.
Cristof: ☹
Ann: Omg. ☹ ☹ ☹
Cristof: I have 2 good news and a bad news. ☹ Anong gusto mo mauna?
Ann: Bad news. Anong grade ko?
Cristof: 2.00. Hindi umabot sa maintaining.
Ann: Isang point na lang, kinulang pa. ☹ Good news?
Cristof: Babe, tumaas grade mo! Sobrang taas! From 2.75 to 2.00? Malaking bagay 'yon! Which brings me to my second good news. I heard kapag malaki yung inangat ng grade mo or, tulad ng case mo, isang point na lang, pwede ipakausap sa parents 'yong chairperson para payagan ka pang ipagpatuloy 'yung Accountancy.
Ann: Hindi nga?
Cristof: Oo, nandoon sila Peter kanina eh. Hindi rin kasi sila nakaabot. Pero sabi sa kanila, papuntahin daw 'yung parents para makausap.
Ann: Sige! Titignan ko kailan kami pupunta. Sana pumayag.
Cristof: Papayag yan, babe. 😊
Ann: Thank you pala sa'yo ng madaming madami. Ikaw dahilan bakit naging ganyan grade ko!
Cristof: Nako, wala 'yon, babe. Ikaw talaga 'yong magaling kasi ginawa mo lahat. I love you! Congrats! Kaso, babe, may bad news pa pala akong isa pa sa'yo.
Ann: Ay hindi ka pa tapos? ☹ Ano nanaman 'yan?
Cristof: 1-323 pa rin section mo next sem. 1-523 na kasi ako eh. Hindi na tayo magkakasama. Try mo magparequest na magpa-change ng section kapag kinausap mo 'yong chairperson.
Ann: Sige, babe, try ko!
Cristof: Sa 1-523 ka magpalipat ha! Para magkasama pa rin tayo. 😊
Ann: Yes, babe.
Hindi kami nagkikita ni Cristof simula ng matapos ang sem na 'to. Malaki pa rin ang problema ko para sa grade ko. Ayokong magshift or lumipat ng school. Ngayon naman ay iniisip ko rin 'yung hindi ko makakasama si Cristof sa susunod na sem.
Sinabi ko na rin kila Mommy at Daddy 'yong naging sitwasyon ko. Pinagsabihan lang nila ako ng kaunti at bakit daw hindi ko inaayos ang pag-aaral ko. Iyon na nga lang daw ang gagawin bakit hindi ko pa magawa pero naging supportive pa rin naman sila at sinabing bumawi ako sa susunod na sem. Ilang araw na rin ang lumipas kaya naman puro chat lang kami ngayon.
Cristof: Babe!!
Ann: Hiiiii.
Cristof: Babe!!
Ann: Bakit?
Cristof: Babe!!!
Ann: Ano ba yun!!??
Cristof: Hindi ako titigil dito hanggang 'di mo ako tinatawag na babe. BABE!!!!!!!!
Ann: Hahahahaha. Babe!! Ang kulit mo. 😊 Kala ko ba naglalaba ka?
Cristof: Tapos na po. Noong pagkaligo mo tapos na ako maglaba.
Ann: Ay! Lakas maka-wrong timing!
Cristof: 'Yung bag lang nilaban ko, 'yung red.
Ann: Maglaba rin kaya ako ng bag ko?
Cristof: Ikaw bahala, babe.
Ann: Kaso tinatamad pala ako. Punta kami school today.
Cristof: Kakausapin mo na si chairperson?
Ann: Siguro.
Cristof: Palipat ka ha!
Ann: Susubukan ko po. 😊
Cristof: Yey!
Ann: Nag-aayos na ako. Chat kita later pagkauwi namin, okay?
Cristof: Okay. Iloveyou, babe! Sana payagan ka. 😊
At ganoon nga ang ginawa namin. Pumunta kami sa school, kasama ko si Daddy, at kinausap namin ang chairperson, si Mr. Alejandro. Sinabi niya kay Daddy na nilagay nila 'yong maintaining grade na iyon para mag-aral ng mabuti ang mga estudyante nila at ayaw nilang makasira sa mga pangarap ng mga bata.
May pinapirmahan lang siya kay Daddy na parang waiver na nagsasabi na sa susunod na sem dapat ay wala akong bagsak, walang drop na subject at maabot na 'yong 1.75 na grade sa Accounting.
Sinabi ko rin kay Sir Alejandro na kung pwede ay lumipat ng section dahil 'yong mga kaibigan ko ay doon napunta at para makapag-aral ako ng mas mabuti. Naniniwala rin kasi akong mahirap 'yong lagi kang nag-aadjust sa environment mo.
Baka lalo akong hindi makapag-aral ng mabuti pero sa masamang palad ay hindi ako pinayagan ni Sir Alejandro na lumipat ng section. Sabi niya ay para masanay raw kami na makipagkapwa tao sa iba't iba namin kabatch.
Sa isip-isip ko, okay lang basta pinayagan ako para sa pangalawang pagkakataon na makapagpatuloy sa Accountancy. Nang makauwi kami ay agad kong chinat si Cristof.
Ann: Babe, pinayagan akong mag-enroll next sem!
Cristof: Yey!
Ann: Kaso...
Cristof: Kaso?
Ann: Kaso hindi ako pinayagan makapagpalipat ng section. ☹ Nakapag-enroll na rin kami kanina. Nakita ko na schedule ko.
Cristof: Hindi nga, babe? Sayang naman.
Ann: Tignan mo 'yong schedule. 'Yung parang ayaw lang talaga sa atin noong schedule. Kala ko madaming time, kung sakaling hindi pumayag si Sir Alejandro na lumipat ako. Kaso ayaw talaga eh! Parang kapag break mo, doon ako mismo may class. O kaya kapag break ko, saktong ikaw naman 'yung may class. Though sabay 'yung uwi natin kapag Thursday. Pero kahit na! Nakakainis. Pero kaya natin 'to. Dami ko sinabi. Goodnight na, babe. Antok na me. Napagod ako kanina.
Cristof: Kahit anong mangyari, wala namang mababago sa ating dalawa eh. Kayang kaya natin 'yan! Kaya natin 'to! Goodnight,babe! Iloveyou. Lagi. Kahit hindi kita nakikita at nakakasama ngayon. 😊
![](https://img.wattpad.com/cover/228082459-288-k716354.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Ficção AdolescenteKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...