Chapter 22

83 34 12
                                    

Mas gumanda ang araw ko simula ng naging kami ni Cristof, mas nagkaroon ako ng dahilan para pumasok, mas lalong naging exciting ang pag-aaral ko. "Good morning, Mr. Salcedo," nakangiting bati ko sa kaniya isang araw. Nakaupo siya sa isa sa mga upuan sa labas ng Abbey. Nauna siyang makarating dito kaya hindi niya siguro napansin na paparating na rin ako.

"Good morning, Ms. De Castro," sagot niya sa'kin ng makaupo ako sa bench na inuupuan niya. "I love you," dagdag niya.

"I love you, I love you, I love you," mabilis kong sabi habang pinanggigigilan nanaman ang mukha niya.

"Alam mo ba..." panimula niya.

Binitawan ko ang mukha niya at kinuha ang libro sa Accounting para sana makapagbasa. "Ano nanamang joke mo?" natatawang tanong ko.

"Alam mo bang you are the best thing that's ever been mine?" nakangiting sabi niya.

Napaharap ako sa kaniya matapos kong makuha ang libro ko, "Huwag mo ko iiwan, okay?"

"'Di talaga kita iiwan, 'di kita sasaktan, 'di kita tatalikuran, I promise, I swear to God!" sabi niya habang nakatingin sa'kin. "I love you and I will always do," dagdag niya.

Nilagay ko ang kamay ko sa pisngi niya at tinabig iyon ng konti, "Tama na yan! Pinapaganda mo na masyado 'yung araw ko," kinikilig na sabi ko.

"Can I call you babe?" sabi niya.

"Babe? Okay. Hi, babe," sagot ko ng nakangiti. At 'yun ang naging endearment naming dalawa. Babe.

Naging masaya lang kami noong sagutin ko si Cristof. Tatlong linggo matapos noon ay nagsimula na ang finals exam. Naging busy kami pareho sa pag-aaral, aral dito, aral doon. Hindi kami tumitigil. Noong midterm ay 2.75 lang ang grade ko. Pasado, oo, pero sa Accountancy para makapagstay ka dapat ay 1.75 ang maging grade mo. 

At ngayon, ang layo-layo layo ng grade ko kaya kinailangan ko mag-aral nang mag-aral. Dumating ang araw ng exams, hindi pa nagsisimula ay kumakabog na ang dibdib ko pero hindi pa rin iyon nawala kahit natapos naman na 'yong exam. Alam ko naaral ko lahat ng tinanong, sana ay tama ang mga ginawa ko o 'di kaya ay wala akong nakaligtaan na gawin.

November 6, Tuesday

Isang buwan na punong-puno ng kilig, saya, tawanan at kwentuhan at syempre ang hindi mawala-walang jokes ni Cristof. Nagising ako sa tawag ni Cristof sa telepono ko isang araw. 10:00 AM ang nakalagay sa relo sa kwarto ko.

Cristof: Goodmorning, Ms. De Castro. Happy 1st monthsary!

Ann: Goodmorning, Mr. Salcedo. Happy 1st monthsary.

Cristof: I'm actually on my way to your house

Ann: What?

Cristof: Let's watch a movie then we can eat after.

Ann: Wait? Now?

Cristof: Yeah, pwede rin na diyan lang tayo sa inyo?

Ann: No, let's go watch a movie.

Cristof: Okay, I'll be there in say an hour.

Ann: Okay, sige. I'll wait for you!

Cristof: I love you, babe.

Ann: I love you, babe. Bye.

Cristof: Bye.

Matapos ang naging usapan namin ay mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto para sana makakain muna. Kumuha lang ako ng Koko Krunch at ng milk. "Ma, aalis ako mamaya ha. Kasama ko si Cristof," paalam ko ng makita si mommy sa may dining table.

"Saan kayo pupunta?" usisa ni mommy.

"Sa mall lang. Manunuod ng movie," sabi ko habang inuubos ang Koko Krunch na kinakain ko.

"Okay," sagot niya.

Hindi rin nagtagal ay naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Noong una ay hindi ko pa alam kung ano ang susuotin ko para sa araw na 'to. Magcasual shirt na lang kaya ako? Kaso baka naman sabihin ni Cristof hindi ko pinaghandaan 'tong araw na 'to. Well, hindi ko naman talaga napaghandaan dahil ngayon niya lang sinabi na may lakad pala kami. 

Kung magdedress naman ako? Hindi kaya niya ako masabihan na grabe naman ang paghahanda ko? Pupunta lang naman kami sa mall eh. Nang kalaunan ay napagdesisyonan ko na magleggings at shirt na lang tapos ay pinatungan ko ng denim jacket para kahit naman simple ay mukhang nasa ayos pa rin. 

Ilang minuto matapos akong mag-ayos ay nakatanggap na ako ng text mula kay Cristof.

Cristof: Nasa labas na ako. 😊

Lumabas na rin ako kaagad matapos kong magpaalam kay Mommy at Daddy. Nakita ko rin agad si Cristof na may dalang roses. Tatlong pirasong blue roses. "Happy 1st monthsary," bati niya sa akin kasabay ng paghila niya sa ulo ko papalapit sa kaniya.

"Happy 1st monthsary." Matapos noon ay pumunta na kami sa pinakamalapit na mall sa bahay namin. Nang makarating kami sa mall ay dumiretso na kami sa sinehan. "Anong gusto mong panuorin?" tanong niya habang nakatingin sa mga lista ng palabas ngayon dito sa mall. 

"Wreck-It Ralph, The Man with the Iron Fist, Vamps, o Flights? Mayroon ding mga tagalog, This Guy's in Love with U Mare, A Secret Affair, o Suddenly It's Magic?"

"Ay! 'Yung This Guy's in Love with U Mare na lang! Mukhang funny eh!" sabi ko.

"Sige," sabi niya at pumila na siya para bumili ng ticket. Nang si Cristof na ang kausap noong nasa may ticket booth ay kinuha ko na ang wallet ko para mag-abot ng bayad. "Huy, ano bang ginagawa mo?" pagpigil niya sa pagkuha ko sa wallet ko.

"Kumukuha ng pera," sabi ko saka tinuloy ang pagkuha ng wallet ko.

"Thank you," nakapagbayad na siya at naiabot na sa kaniya ang ticket namin saka siya lumingon sa gawi ko. "Hey, akin na 'to. Unang date natin 'to kaya ako ng bahala sa lahat."

"Pero..."

Magsasalita pa sana ako pero hinila na niya ako papalayo sa ticket booth. "1:15 pa 'yung movie. 12:30 pa lang. Gusto mo kumain muna tayo?"

"Sige," sagot ko.

"Saan mo gusto kumain?" tanong niya ng ilang minuto na ay naglalakad pa rin kami.

"Wala, kahit saan naman," sagot ko. Wala rin kasi talaga akong maisip na gusto kong kainan.

Ilang minuto pa ang nakalipas pero mukhang nakaisip na siya ng pwede naming kainan. "Ah! Alam ko na!" Mukhang nahanap na niya ang gusto niyang kainan ng huminto kami sa tapat ng Pancake House. "Okay lang sa'yo dito?" tanong niya sa'kin.

"Oo naman," at pumasok na nga kami sa loob para kumain. Naging mabilis ang pagkain namin dahil 1:15 ang start ng movie, free seating iyon kaya hanggang maaari ay dapat maaga kami para maganda ang pwesto namin sa loob ng sinehan.

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso kami sa loob ng sinehan at pinanuod ang movie nila Vice Ganda. Naging masaya ang panunuod namin. Sa dilim ng sinehan ay biglang hinawakan ni Cristof ang mga kamay ko sa kalagitnaan ng panunuod namin. Mas lalo akong nakaramdam ng kasiguraduhan.

Nang matapos ang panunuod namin ay nag-ikot-ikot muna kami sa mall dahil maaga pa naman pero 'di rin nagtagal ay umuwi na rin kami. "Thank you, sobrang nag-enjoy ako," sabi ko ng makarating kami sa harap ng bahay namin.

"Ako din," sabi niya. "Huwag mo ko pagsasawaan, okay? Isang buwan pa lang nakakalipas pero pakiramdam ko matagal nang tayo," sabi niya habang hinahawakan ang mga pisngi ko.

"I love you, Cristof. Lagi," inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at saka siya hinalikan. 

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon