Chapter 3

197 57 19
                                    

4:30 AM ang nakalagay sa orasan malapit sa kama nang magising ako kinabukasan. Maaga akong bumangon para sa 7:30 kong pasok.

Kumain muna ng umagahan na inihanda ni Mommy: corned beef, egg at bacon na may kasamang fried rice. Samahan mo pa ng mainit na milo. Ang sarap! 

Naligo na ako pagkatapos kong kumain at saka nag-ayos para pumasok. At dahil Thursday na ngayon, kailangan nang pumasok ng naka-proper uniform.

Maganda ang uniporme ng eskuwelahang pinapasukan ko ngayon. Pulang vest na ipinatong sa puting 3/4 polo na panloob ang pantaas ng mga babae habang kulay grey naman ang vest ng mga lalaki. May dalawang pwedeng pagpilian ang mga babae sa kanilang pambaba, itim na slacks o 'di kaya'y pencil cut na palda.

Sa kaso ko ay iyong slacks ang pinili ko. Tingin ko ay mas magiging kumportable akong gumalaw kaysa sa kung palda ang pipiliin ko.

Nang makitang 6:15 na ang oras ay napagpasyahan kong umalis na ng bahay. Ayoko sa pakiramdam ang nagmamadali at laging may hinahabol. Hindi napapalagay ay dibdib ko. 

Ala-siete nang makarating ako sa school at nang pumatak ang 7:30 sa aking orasan ay siyang pagpasok ng aming prof para sa unang subject.

Kung anong ginawa kahapon sa klase namin ay gano'n din ang ginawa namin sa klase ngayon. House rules, do's and dont's, at grading system. Lahat 'yan diniscuss sa amin. At syempre, dapat daw magpakilala kami isa-isa ulit. 

Gano'n nga ang ginawa namin pero hindi ko pa rin nakakabisado ang mga pangalan ng mga classmate ko. Dadating din tayo diyan, self, dadating din tayo diyan. 

May mga natatandaan naman na akong pangalan. Tulad ni Rachelle na una kong nakausap at si Rain. Madali ko ring naalala si Julian, si kuyang naka-uniform at si Cristof na makulit.

Matapos ang unang subject ay Accounting na ang sumunod. At syempre, dahil first day ng klase ay gano'n ulit ang ginawa. Sa tingin ko ay magiging effective nga ang sinasabi ng mga prof na mas lalo namin makilala ang isa't isa sa ganitong paraan. 

Sa totoo lang, unti-unti ko nang nakikita ang mga ugali ng iba. May funny, may pa-funny, may mukhang matalino, may mukhang 'di pumapalag, pero mayroon din mukhang mahirap kabangga, may magaling magsalita at may nahihiya. Iba-iba pala talaga kapag nasa college ka na.

May 30 minutes break kami nang matapos ang dalawang klase. Sa parehong classroom ang susunod na subject kaya 'yung iba kong blockmates ay hindi na nag-abalang bumaba dahil sandali lang naman 'yong break. 

Nag-uusap kami nila Cheryl, Zia at si Chuck. Mga bagong kakilala mula sa block namin. Hindi sila mahirap makausap. Magaan sa pakiramdam ang pakikitungo nila sa akin, sana gano'n din ang nararamdaman nila patungo sa akin.

Si Cheryl at Chuck ay mag-boyfriend at girlfriend. Sabi nila ay 4th year high school pa lang sila ay sila na. Sana all! Mapapasana all ka na lang talaga. 

"Alam mo may kilala akong nagkakagusto sa'yo," biglang sabi sa 'kin ni Zia na siyang katabi ko. Nakaupo kami sa harapang silya, malapit sa lamesa ng prof, habang si Cheryl ay nakaupo sa silyang nasa likuran ko, katabi ni Chuck.

"Ano? Saan galing 'yan?" natatawang sagot ko.

"Ay parang alam ko kung sino 'yan," sabat naman ni Chuck.

"Yiee. Ikaw, Ann, ha!" sabi naman ni Cheryl na umaaktong amino'y kinikiliti ang tagiliran.

"Sino 'yan? Ang bilis niya, ha! Wala pa ngang isang linggo, may gusto agad?" pabirong sagot ko sa lahat ng panunukso nila.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay nakarinig kami nang pagtawag kay Chuck, "Chuck! Tara, kain tayo sa baba!"

Nang makalingon ako sa pinanggalingan ng boses ay doon ko nalaman na si Cristof pala ang nagmamay-ari noon. Sa hindi ko malamang dahilan ay biglaan ang naging pagkabog ng dibdib ko kaya naman naging mabilis din ang pag-iwas ko ng tingin. Marahil ay dahil sa hindi pa kami nagkakaroon ng pagkakataon para makapag-usap sa personal.

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon