Chapter 19

80 36 13
                                    

Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang naging sagutan namin ni Tristan kahapon. Buti na lang at Sabado ngayon kaya makakapagpahinga ako. Buong araw ako nag-isip nang nag-isip nang nag-isip hanggang sa hindi ko na kinaya. 

Napagpasiyahan kong sumalat na lang ng letter kay Tristan. Wala akong plano ibigay 'to sa kaniya. Basta, gusto ko lang isulat lahat ng nararamdaman ko. Tingin ko mas magiging madali ang lahat kung gano'n. Anong date na ba ngayon?

August 25, 2012

Tristan,

Remember first year highschool? I had some problems back then, umiiyak ako noon pero bigla kang tumabi sa akin kahit 'di naman kita kilala. Kinocomfort mo 'ko kahit ayaw ko sabihin sa'yo 'yung problema ko. Right then and there, I fell for you pero iba ang inoffer mo sa akin. Friendship. Naiisip ko dati, ang hirap magkaron ng bestfriend na lalaki kasi paano kapag nahulog ang isa sa inyo? Paano na 'yung friendship? Paano na 'yung feelings after?

Naalala ko lahat ng jokes, lahat ng sabay na pag-uwi, o kaya 'yung pagpunta mo sa bahay kasi wala lang. Gusto mo lang. I was scared of losing you, of losing our friendship kaya nawalan ako ng lakas ng loob para sabihin saayo. Pero naalala ko rin 'yung unang beses na nagkita kami ni Chesca. 

From that moment, I knew she will never like me. Kasi sino nga naman ba ang babaeng gusto makita or malaman na 'yung boyfriend nila may pinupuntahang ibang babae? Wala. Naalala mo noong tinanong kita kung anong gagawin mo kung sakaling mag-away kami? Sabi mo ikaw bahala sa akin pero masyado akong nagtiwala sa'yo kasi noong sinabi niya na layuan mo 'ko, parang 'di ka man lang nagdalawang-isip na talikuran ako.

Pero noong nagbreak kayo ng unang beses, sa akin ka pa rin pumunta. Ako pa rin ang kasama mo. Sa akin ka pa rin umiyak. Kita ko 'yung pagod mo noong araw na 'yun. Wala kang sinasabi pero alam ko, nararamdaman ko. 

At noong niyakap mo ko, doon ko lang naisip bakit mo hinahayaang saktan ka ng ibang tao. Naiinis ako kasi, ako, ayaw kitang masaktan, ayaw kita makitang nasasaktan tapos gaganunin ka lang niya. 

At noong halikan mo, Tristan, nawala lahat ng iniisip ko. Ikaw lang ang natira at ang mga halik mo. Masyadong matamis, masyadong mabagal. Akala ko pareho tayo ng nararamdaman. Matagal kong pinag-aral lahat ng 'yon.

Lagi mo siyang pinipili. Pilit kong iniisip kung kailan mo naman ako pipiliin?

Pero ngayon, parang nagising ako sa katotohanan na hindi ko kailangan ng mga taong paulit-ulit akong babaliwalain. Hindi ko na kilala ang sarili ko sa mga nangyayari. Sa totoo lang, si Cristof, mahal ko na siya pero noong bumalik ka parang bumalik din lahat ng kinalimutan kong nararamdaman para sayo. 

Nawalan ako ng bestfriend noong oras na hinalikan mo ko. I know right then and there that that would be our end, that that would be our downfall.

Huwag mo kong gawing panakipbutas. Huwag mo kong gawing punching bag. Huwag mo kong gamitin. Kaibigan mo ko, hindi parausan.

My favorite part of me is you but right now, I needed to lose you to find myself.

Bago pa matapos ang sulat ko ay pumapatak nanaman ang mga luha ko. Tinupi ko lang 'yung letter ko at tinago sa may study table ko.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa araw-araw na lumipas ay lagi ko pa rin nakakachat si Cristof, hindi siya humihinto. Lagi pa rin niya akong hinahatid sa bahay. Dumating ang araw ng Friday, August 31, pagpasok ko palang ng classroom ay iba na ang kabog ng dibdib ko sa kaba. 

Sinabi ko noon kay Cristof na bigyan ako ng isa't kalahating buwan para ihanda ang sarili ko. Pero sa pagdaan ng isa't kalahating buwan na 'yon, bakit parang lalong gumulo ang buhay ko? 'Yung sabi ko na ihahanda ko lang ang sarili ko. 

Hindi ko naman inakalang magiging ganito. Hindi kami masyadong nagpapansinan ng araw na 'yun pero alam ko pareho naming iniisip ang maaaring mangyari. Parehong nangangapa, parehong nakikiramdamn. Alam ko rin na nararamdaman niya ang nangyayari sa amin ni Tristan.

"Usap tayo mamaya? Okay lang?" tanong ko kay Cristof isang beses ng makalabas na ang prof sa room.

"Sige," bugtong hiningang sagot niya. Sa paraan ng pagkakasabi ko noon ay alam ko nakikinita na niya kung saan papunta ang usapan namin mamaya.

Nang mag-uwian na ay hindi ko alam kung paano kami mag-uusap ni Cristof. Kinakabahan ako at nahihiya. "Pwede na ba?" sabi ko ng matapos ang klase namin at nagsisimula ng lumabas ang mga blockmates namin. 

Nang kaming dalawa na lang ang natira ay saka kami nagusap. "Sorry," panimula ko. "Sabi ko ihahanda ko lang ang sarili ko pero hindi ko alam na magiging ganito 'yung sitwasyon."

"Ano bang sitwasyon?" tanong niya.

"Kailangan ko pa ng konting time," sabi ko.

"Kung ayaw mo sa akin, maiintidihan ko naman eh. Sabihin mo lang."

"Gusto kita pero sa nararamdaman ko ngayon, sa sitwasyon kung nasaan ako. Magiging unfair yun kapag naging tayo na. Sana maintindihan mo ko."

"Si Tristan ba?"

"Anong si Tristan ba?"

"Siya ang dahilan bakit ganiyan naging desisyon mo, hindi ba?" tanong niya pero hindi ako nakasagot. "Titigil ako kung gusto mo. Sinabi ko naman sa'yo, sabihin mo lang. Maiintindihan ko."

"Hindi, gusto kita. Masaya ako kapag kasama kita. Hinahanap kita kapag wala ka. Pero tingin ko hindi pa ito 'yung tamang oras," sabi ko. Pero nanahimik lang siya at ng tignan ko siya iba ang lungkot sa mukha niya pero mas nagulat ako para sa luhang biglang bumagsak sa kaniyang mga mata. 

"Hey," sabi ko ng hawak ko ang pisngi niya. "Nandito ako, 'wag ka umiyak please." Nilipat ko ang mga kamay ko sa kamay niya saka hinawakan 'yun nang mahigpit. "Cristof, listen," at pilit kong hinarap ang mukha niya sa akin, "Gusto ko kapag naging tayo buong-buo ako. 'Yung ikaw lang, 'yung tayong dalawa lang. Walang iba. Ayoko maging unfair sa'yo at sa nararamdaman mo. Mas gugustuhin mo naman 'yun, hindi ba? Kaysa sa ngayon kita sasagutin pero alam mong may malaking issue pa ako?"

"Sinabi ko naman sa'yo dati na hihintayin kita, 'di ba? Kahit anong mangyari. Ikaw lang makakapagpatigil sa akin, sabihin mo lang, pero hanggang sinasabi mo na maghintay ako, maghihintay ako. Kasi mahal na talaga," sabi niya.

"Thank you. I love you. Tara na, uwi na tayo?" tanong ko at tumango naman siya. Tumayo na rin siya.

Lumapit siya sa akin at bumulong, "I love you, Ann. Lagi," sabi niya saka kami lumabas at tulad ng ibang mga araw ay hinatid niya ako sa bahay. 

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon