Chapter 52

50 17 14
                                    

Nakaharap ako sa dingding ng library para siguradong walang kahit na anong distraction. Kailangan ko ng matinding focus para sa pag-aaral ko. Nilabas ko na ang libro ko sa Accounting, ang notebook ko at ang ballpen nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko.

Si Cristof.

"Ann," panimula niya. Nararamdaman ko na ang pamumuo ng aking mga luha na hindi niya maaring makita. Hindi ko siya bibigyan ng kasiyahan na makita akong wasak at sirang-sira ng dahil sa kagagawan niya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa nilabas kong mga libro. So much for walang distraction. "What are you doing here?" tanong ko sa kaniya.

"Sana binigyan mo 'ko ng chance mag-explai-"

Umurong ang mga luha na nagbabadyang tumulo kanina nang marinig ko ang sinabi niya. Doon ako mabilis na napaharap sa kaniya. "Bakit? Ako ba binigyan mo 'ko ng chance magsalita man lang?" pagputol ko sa sinabi niya kasabay nang pagsinghal ko, "Grabe, para tayong nasa Starting Over Again," pilit ang tawang dagdag ko nang ibalik ko ang aking paningin sa pader na nasa harapan ko, "Anong karapatan mong hingin ang isang bagay na pinagdamot mo?" natatawa pa ring sabi ko.

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "'Di masasayang effort mo, binuksan ko na lahat," sabi niya. Tinitigan ko na lang ang mga gamit ko na nakalabas. "Sobrang naappreciate ko lahat," pagpapatuloy niya, "Thank you."

"No worries."

"I'm sorry..." sabi niya saka ko pinaikot-ikot sa kamay ko ang ballpen na nakapatong sa lamesa. Gusto ko lang naman mag-aral kanina. "For breaking up with you."

Kusang napahinto sa pagpapaikot ng ballpen ang mga kamay ko. Pilit kong tinitimbang kung dapat ko bang sabihin ang laman ng isipan ko o hayaan na lang iyon sa kawalan. Sa huli ay mas pinili kong ibuhos ang mga saloobin ko. "The least you could do... is to break up with me... sa personal."

Marahan akong pumikit, pilit pa ring binabalik at pinipigilan ang mga luha. "Not through text. I don't think I deserve that," sabi ko saka muling binuksan ang mga mata.

"Ann."

"Dalawa tayo sa relasyon na 'to pero bakit parang ikaw lang nagdecide sa dulo?" nanginginig ang mga labing saad ko.

"I think I'm not mature enough to have a serious commitment. Maybe that's the reason why my past relationships didn't work out as well," sabi niya saka inabot ang kamay ko pero agad ko iyong inilayo sa kaniya na para bang nakakapaso na ang dating nag-aalab na hawak niya.

"Don't touch me," sabi ko saka inilagay ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa. Sa kung saan hindi niya iyon maaabot.

Muli kong narinig ang kaniyang pagbugtong hininga. "Gusto ko munang mag-enjoy sa pagkabinata ko. Please, don't ever think that I didn't love you. I loved you so much that I want to let us go, that I'm so scared that it will come to a point where my immaturity would cause us too much pain," sabi niya.

Kinagat ko ang aking mga labi nang napakadiin na akala mo ay mapapawi noon ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Nang malasahan ko ang tila kalawang na dugo mula doon ay tinigilan ko na rin agad.

Hindi natakpan o nabawasan ang hapdi ng sugat sa pagkatao ko. Habang tumatagal ay mas lalo pa iyong sumasakit.

"Sorry kung hindi ko napanindigan 'yung sinabi ko sa'yo na hinding-hindi kita iiwan. I'm sorry for all this shit. I'm..." rinig ko ang panginginig sa boses niya habang sinasabi ang lahat ng gusto niyang sabihin. "I'm sorry."

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na pinigilan ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa sistema ko. Hindi na kinaya ng mga mata ko ang sakit na aking nararamdaman nang magsimulang tumulo ang mga luha doon.

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon