Matapos umalis ni Tristan ay kinuha ko kaagad ang cellphone ko na pinatong ko sa side table at dinial ang number ni Cristof.
Cristof: Babe.
Ann: Babe.
Cristof: Nakapagusap na kayo?
Ann: Yeah.
Cristof: So? Ano nangyari?
Umupo ako sa kama ko at pilit binalot ang sarili sa comforter. Mainit ang panahon pero parang nanglalamig ang buong pagkatao ko.
Ann: Wala, sinabi ko lang na may boyfriend na ko and all. Titigil na iyon, for sure.
Nagpatuloy ang masaya naming relasyon. Ilang buwan ang lumipas at nagsisimula na kaming maging komportable sa isa't isa.
"Baboy," pangaasar ko sa kaniya.
"Pangit," bawi niya.
"Fat."
"Ugly."
"Fat! Di na papayat!"
"Ugly! Anong format nung research paper?"
"Wait lang, baboy. Hanapin ko lang."
"Ugly! Sige,"
"Ganito, enter mo 10 times tapos title ng research tapos enter mo ng 8 times tapos type mo A Research Paper enter Presented to the enter Department of Psychology enter College of Arts and Sciences enter San Beda College tapos enter mo ulit 8 times tapos In Partial Fulfillment enter Of The Requirement For enter General Psychology then enter mo ulit 8 times tapos Name comma section tapos enter Date Submitted."
"Pangit noong sa'yo," seryosong sabi niya.
"So?" bwisit na sabi ko.
"Joke lang!" natatawang sabi niya.
"Ah," walang kwentang sabi ko pero natatawa na din ako dahil hindi ko matiis si Cristof.
Nagpatuloy ang saya sa relasyon namin. Nagpatuloy kami sa pag-aaral. Nagpatuloy kaming gumagawa ng mga project ng sabay o di kaya ay magkagroup kami. Sa ilang buwan na naging kami ni Cristof, ilang beses na rin kami nagkainisan.
Sinend ko sa kaniya ang video para sa isang project sa isang subject.
Cristof: wmlp, bebe. Hindi ko mapanuod.
Ann: Ayan?
Cristof: Gano'n pa rin eh.
Ilang beses kong chineck kung bakit hindi niya mapanuod ang video habang sa'kin naman ay mag-aayos kong napapanuod ito. Muli kong sinend sa kaniya ang video. Napalitan kona ang extension file nito kaya sana naman ay gumana na sa kaniya.
Ann: Ayan?
Cristof: 'Yan! Okay na!
Ann: Okay na ba 'yan?
Ako ang gumawa noon pero parang may kulang, parang laging may mali. I never settle for less. Kaya lagi akong 'di mapalagay kung sa tingin ko may igaganda pa ang isang bagay.
Cristof: Ok na 'yan beb.
Ann: Sure ka? Parang hindi ako masaya. Send ko pa rin.
Cristof: Gagawa ka ng bago?
Ann: Oo, wala naman akong magawa eh.
Cristof: Nyek! Lagyan mo ng directed by. Haha. Magagawa mo ba ngayong gabi 'yan?
Ann: Yes.
Cristof: Okay, sige. Wait kita. Lagyan mo ng directed by, ako na bahala sa music.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Teen FictionKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...