Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ni Cristof para naman kahit papaano ay may time pa rin kami na magkasama.
"Babe, can I borrow your phone?" sabi ko sa kaniya ng makaupo kami sa bench na nasa gilid ng Abbey, sa dating tambayan. Titignan ko sana 'yung message sa kaniya ni Rafael. Unang araw pa lang ay may announcement na agad 'yung prof sa Accounting.
Pareho ng prof ang Accounting subject ko at ang Accounting subject ni Cristof kaya naman kung ano ang kailangan na gawin sa section nila ay, malamang, kailangan ding gawin sa section namin.
Mabilis niyang binigay ang phone na iyon sa'kin. "Bakit? Anong gagawin mo?" tanong niya.
"Wala, titignan ko lang 'yung message ni Rafael. Nabura ko kasi 'yung sa'kin. Eh nakalimutan ko 'yung mga dapat gawin sa isang subject," nabuksan ko na ang messages niya at nasulyapan ko na maraming ibang number doon na hindi nakasave. Gano'n niya na lang kabilis naagaw sa'kin ang phone niya.
"Wait lang," sabi niya saka may kinalikot sa kaniyang phone. Ilang minuto lang ay iniabot niyang muli ito sa akin habang ako ay titig na titig sa kaniya at sa ginagawa niya sa phone niya. "Here," sabi niya.
Nang tignan kong muli ang inbox niya ay napakunot ang aking noo ng makitang wala na doon ang mga messages na nasulyapan ko kanina. Hindi si Rafael ang unang message na nakita ko kanina pero message na ni Rafael ang una kong nakikita ngayon.
Nagbura.
"Bakit ka nagbura?" tanong ko.
"May nadelete kasing number sa contacts ko, binura ko na lang," sagot niya.
Hindi ko na iyon pinansin pero nanahimik ako matapos noon. Hindi ko kinakausap si Cristof at nag-iisip.
Bakit mo binura?
Kaninong number iyong mga nakita ko kanina?
"Babe," tawag niya sa'kin matapos kong ibalik ang phone niya.
"Hm?"
"Anong nangyari sa'yo?" tanong niya.
Pinanuod ko siyang itago ang phone niya sa bulsa ng kaniyang bag. "Wala," sabi ko. Ilang beses pa siyang nagtanong kung anong problema pero sadyang hindi ko siya masagot. Hanggang sa makauwi kaming dalawa ay walang salita ang namagitan sa'min.
Hindi ko masabi ang mga saloobin ko, alam kong madalas na ang pag-aaway namin. Hindi ko na kayang dagdagan pa ang mga dahilan para lumayo siya. Pero kasabay noon ay ang pag-iisip ko na paano naman 'yung nararamdaman ko?
Alam niya lahat ng pinagdaanan ko sa mga lumang tao sa buhay ko. Siguro naman ay maiintindihan niya. Sana naman ay maintindihan niya.
Lumipas ang araw na iyon nang iniisip ko pa rin kung bakit niya nagawang burahin ang mga messages niya. Kung may tinatago ba siya. Kung anong tinatago niya. Chinat ko kaagad si Cristof ng makauwi ako sa bahay.
Ann: Babe, may i-oopen up ako sa'yo pero please 'wag ka magagalit, ha?
Cristof: Ano?
Ann: HINDI AKO NANGLALAKI, OKAY.
Cristof: Hahaha. Oo, sige.
Ann: 'Yung tungkol kanina.
Cristof: Saan?
Ann: Sa mga text messages sa phone mo. But, please, promise me you won't get mad.
Cristof: No can do.
Ann: Ayaw ko lang nang intense na usapan, babe. Gusto ko kalma lang.
Cristof: Hindi pwede.
![](https://img.wattpad.com/cover/228082459-288-k716354.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Ficção AdolescenteKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...