2070
"Doon. Doon kami nagsimula ng Lolo mo," sabi ko matapos ikuwento sa aking apo na si Vianne ang mga pangyayari noon. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtataka.
"Cristof? Sinong Cristof?" sabi niya habang nakakunot ang noo. Matapos noon ay tumayo siya saka pumunta kung nasaan nakalagay ang mga album namin. Album iyon noong magdebut si Livia, may album din doon nang minsa'y umalis kami papunta sa Singapore, Australia, at Korea. "Lola, sabi mo ay Salcedo ang apelido ni Cristof, 'di ba?" sabi niya habang may hinahanap pa din sa mga album na nakadisplay.
"Oo, tama ka," sabi ko habang nakangiti.
"Pero hindi Salcedo ang apelido natin. Hindi ba dapat kung ano ang apelido ng asawa mo ay 'yun din ang apelido ng ating pamilya?" tanong niya pa.
"Tama, tama ka ulit," nakangiti pa ding sabi ko.
"Hindi din Cristof ang pangalan ni Lolo," sabi niya habang nakakunot.
Nang hindi ako sumagot ay humarap siya sa akin dala-dala ang album noong ikinasal kami ng asawa ko. Binuksan niya iyon saka tumingin sa akin. "Julian," sabi niya, "Julian ang pangalan ni Lolo at Watson ang apelido natin."
"Siya nga," sabi ko.
"Hindi ko maintindihan, Lola."
"Ano bang ipinakwento mo?" tanong ko, "hindi ba't kung saan kami nagsimula?"
"Pero sa dulo ko na lang naman narinig ang pangalan na Julian sa kwento mo, Lola."
"Hindi, sa unang parte pa lang ng kwento ko ay nandoon na siya."
"Ha?"
Tumango ako saka sinabing, "Oo, naaalala mo ba 'yung classmate ko na pumasok noong unang araw ng naka-uniform? Siya iyon," natatawang sabi ko.
"Pero paanong iyon ang naging simula ninyo kung hindi naman naging kayo, Lola?" muling pagtatanong niya.
"Kung hindi naging kami ni Cristof at hindi kami nag-away noong isang beses ay hindi niya makikilala ang The Middle at kung hindi niya nakilala ang The Middle ay hindi ko magiging kasama sila Anj, Jan at Gen, ang mga kaibigan ko. At kung hindi ko nakasama si Anj, Gen at Jan ay hindi ako magiging parte ng grupo nila. At kung hindi ako naging parte ng grupo nila?
"Kung hindi ka naging parte ng grupo nila ay hindi mo makikilala at makakasama si Lolo," sagot niya.
"Exactly," sabi ko.
"Naguguluhan pa rin ako, Lola," sabi niya.
"Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo at hindi lahat ng nasa iyo ay mananatiling sa iyo," sabi ko. "May dahilan ang lahat ng pangyayari sa buhay mo at balang araw maiintindihan mo rin kung bakit iyon nangyari," mahabang dagdag ko.
"Pero paanong nangyari na naging kayo ni Lolo kung may nililigawan siyang iba? Hindi ba't kaibigan mo ang Gen na iyon?" tanong niya.
"Vianne, kailangan na natin umuwi," sabi ni Alexandro kaya sabay kami napatingin sa kaniya ni Vianne.
"Pero, Dad, nagkukwentuhan pa kami ni Lola," sabi niya sa ama.
"Sa susunod na punta niyo dito ay itutuloy natin ang pagkukwentuhan, Vianne. Kailangan niyo nang umuwi at baka gabihin pa kayo," sabi ko saka dahan-dahang tumayo para ihatid ang aking apo sa labas.
Bago siya umalis ay hinalikan niya ako sa pisngi at sinabing, "I love you, Lola."
"I love you too, apo ko."
Matapos noon ay pumasok na akong muli sa aking kwarto at doon nakitang muli ang larawan ni Julian. Tinitigan ko iyon at saka napangiti na lang, "Hindi naging madali, Julian, pero kinaya natin. Salamat sa pagmamahal mo," at doon muling tumulo ang mga luha ko para sa nalalabing buhay na hindi ko na siya kapiling.
Gulat at takot ang naramdaman ko ng biglang humangin ng malakas at kasabay noon ang biglaang pagsarado ng bintana, "Diyos ko, Julian, 'wag mo na akong multuhin. Baka mapadali ang pagkikita natin," natatawang sabi ko.
Kung may isang bagay na ayaw niyang nakikita, iyon ay ang umiiyak ako. At ngayong wala na siya, tingin ko ay gagawa pa din siya ng paraan para mapatawa ako.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Teen FictionKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...