"Nagbabastusan ba tayong dalawa dito?" panimula ko sa kaniya.
"Ha? Bakit? Anong ginawa ko?" tanong niya pero hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata niya. "Ah, si Lianne," bugtong hiningang sagot niya.
"Itatanong mo pa?"
"Nakita ko nga eh. Walang malisya iyon, babe. I super duper promise!" nakapatong ang mga kamay ko sa table kaya naman inabot niya iyon.
Tinanggal ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya at inilagay ang mga iyon sa ilalim ng mesa. Ayokong makita niya ang panginginig nito dahil sa galit. "Walang malisya sa'yo, sa'kin meron."
"Sorry," sabi niya.
"Sorry? Gano'n lang? Shit," natatawang sabi ko kahit na alam kong pulang-pula na ang mga mata ko pati ang mukha ko dahil sa galit.
"Alam mo, sa totoo lang, wala naman talaga akong dapat i-explain sa'yo eh. Alam mo bakit?"
"Ayokong malaman."
"Kahit anong explain ang gawin ko, sigurado akong 'di ka maniniwala," pagpapatuloy niya sa sinasabi niya.
"Sa bagay, ano pa nga bang i-eexplain mo. Eh kitang-kita na dito lahat oh," sabi ko habang tinitignan 'yung mga pictures.
"Oh, 'di ba, kahit sabihin kong walang malisya iyon, kahit na sabihin kong walang kahit na ano 'yon, o kahit sabihin ko na nagkataon lang 'yun., wala pa rin. Sana tinignan mo lahat ng pictures. 'Yan kasi, 'di siya makita. Hindi ako ang nag-initiate na gawin niya 'yan," iling na sabi niya. "Pero syempre, hindi ka maniniwala."
"'Pag hindi makita kailan sumandal sa'yo!? Hindi pwedeng tumayo!? Hindi pwedeng gumawa ng ibang paraan!? Kailangan talaga sumandal sa'yo!? Gano'n!? At hinayaan mo!?" gigil na sabi ko. Naramdaman ko ang pagkuyom ng mga palad ko na nananatiling nasa ilalim ng lamesa. "Tama ka, hindi ako maniniwala," kalmadong sabi ko maya-maya.
"Oo, hinayaan ko. Ang landi ko 'no?" sarkastikong tanong niya.
"Oo, malandi ka," sabi ko ng nakangiti. "Ito," pinakita ko ang picture na pinakita ni Anj kanina sa akin. "Wow," iling na sabi ko.
Mabilis na lumipat ang tingin niya sa picture na pinakita ko saka muli iyong binalik sa akin. Kita ko sa mukha ni Cristof ang ilang at inis. "Wow talaga! Thanks! Gawin kong wallpaper mamaya," dagdag na pang-inis na sabi niya.
"Go ahead," sabi ko.
"Tangina," iling niya habang hindi na makatingin sa'kin sa mata.
"Tangina talaga," mabilis na sagot ko.
Biglang humarap sa'kin ni Cristof. Kita ko ang galit sa mga mata niya na hindi ko alam kung saan nagmumula. "Ano bang gusto mong gawin ko, ha?" galit na tanong niya.
Bakit siya pa ang galit? Ako ba ang mali?
"Ask yourself, Cristof."
Iling ang ibinigay niya sa'kin saka saglitang tumingin sa paligid, tila hindi na makayang makita pa ako, "Wala akong dapat gawin," seryosong sagot niya.
"Eh 'di wala kang gagawin," pagkibit balikat na sagot ko.
"Ok. Yehey!"
"Yehey! Ang saya-saya no?'
"Sige, saktan mo sarili mo!"
"Saktan ko sarili ko? Para saan? Para sa'yo?" sabi ko.
Tumawa siya nang tumawa na akala mo hindi seryoso ang pinag-uusapan namin ngayon. "Wala. Tangina. Ewan ko sa'yo," sabi niya. Iba. Ibang-ibang Cristof itong nakikita ko ngayon sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Teen FictionKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...