Chapter 16

88 39 27
                                    

Ilang minuto ang lumipas bago ako natapos kumain. "Si, ubusin mo 'yan," sabi ni Tristan ng makita niyang tapos na akong kumain. Nasa may paanan pa rin siya ng kama ko. Hindi siya umalis simula kanina at pinagmamasdan lang ang bawat galaw ko. Wala akong gana dahil sa sama ng pakiramdam ko. Halos kalahati lang ang nabawas sa pagkain ko.

"Ayoko na," matamlay na sagot ko.

"Hindi pwede. Kailangan mo 'tong ubusin. Ayaw mo pa ba pumasok bukas?" tanong niya. Lumapit siya sa akin at kinuha ang kutsara sa nasa plato.

Napaisip ako sa mga kailangan gawin bukas at naalala ko na may long quiz nga pala kami bukas sa Accounting. "Shit," biglang sabi ko.

"Bakit?" tanong niya.

"May long quiz sa Accounting. Kailangan kong mag-aral." Inalis ko na ang mga paa ko sa ilalim ng bed table ko para makatayo na.

"Hindi pwede, magpahinga ka muna," pigil na sabi niya pero nang makatayo ako para sana kunin na ang libro ko ay muli nanamang umikot ang paningin ko. Mabuti na lang at nasalo ni Tristan ang mga braso ko dahil totoong umikot ang paningin ko. "Sinabi ko naman kasi sa'yo magpahinga ka muna," galit na sabi niya.

"Si, kailangan ko mag-aral. Babagsak ako kapag hindi mataas ang grade ko doon," naiiyak na sabi ko. Kapag naaalala ko ang pwedeng mangyari ay parang lalo akong magkakasakit.

Pinaupo akong muli ni Tristan. Inilagay kong muli ang mga paa ko sa ilalim ng bed table. "Ubusin mo muna 'to," habang hawak-hawak niya 'yung kutsara at nakaharap sa akin. Tinignan ko lang siya ng matagal dahil kailangan ko na talagang mag-aral pero mukhang hindi talaga ako titigilan ng isang 'to. 

Tinaas niya ang dalawa niyang kilay na tila ba nag-aabang na isubo ko na 'yung kutsarang hawak niya. "Nangangawit na 'yung kamay ko, Si. Sige na," at mas nilapit sa akin 'yung kutsara. Di rin nagtagal ay isinubo ko na rin iyon hanggang sa maubos ko 'yung niluto niya.

Kinuha ni Tristan ang bed table ko nang matapos akong kumain. "Matulog ka na diyan. Huhugasan ko lang 'to," sabi ni Tristan.

"Kakakain ko lang. Busog pa ako saka kailangan ko na talagang mag-aral," sabi ko pero parang hindi niya ako narinig.

Nilapag niya ang bed table ko sa study table saka ako hinarap, "Asan ba 'yung kailangan mong aralin?"

"Nasa bag," tinuro ko kung nasaan ang bag.

"Alin dito?" tanong niya.

"'Yung color green. Accounting book. Isa lang naman Accounting book diyan," hindi pa ako tapos magsalita ay nilabas na niya 'yung book na kailangan ko. "Saka 'yung calculator ko. Please," at gano'n nga ang ginawa niya. "Hoy, saan mo dadalhin 'yan?" tanong ko sa kaniya ng makita kong ipatanong niya sa bed table ko ang mga gamit ko at aakmang lalabas na.

"Napapagod na ko kakasaway sa'yo kaya sa'kin muna 'to. Matulog ka diyan," sabi niya at saka tinignan ang relo sa kwarto ko. "5:30PM pa lang. Gigisingin kita ng mga 7:00PM saka ka mag-aral," dagdag niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko. Dahil ayoko na munang tumayo at baka mahilo ako ay sinunod ko na lang si Tristan.

"May sakit siya, hindi ko siya pwedeng pabayaan. Ano ba." Nagising ako maya-maya sa boses ni Tristan. Nakatalikod siya sa akin ngayon kaya hindi niya alam na nagising ako sa boses niya. "Listen, uuwi ako tonight. Hindi ako dito matutulog." Nakatingin lang ako sa likod niya habang nakaupo siya sa may paanan ng kama ko. 

Ang ulo niya ay nakapatong sa kamay niya at parang stress na stress na sa kausap niya. "Please, 'wag ngayon. Kailangan ako ni Ann." Sa tingin ko ay kilala ko na kung sino ang kausap niya. Nakalimutan kong nagkabalikan nga pala sila noong isang araw. "Hindi ko siya gusto at hindi ko siya magugustuhan kaya 'wag mong ipagpilitan." 

Nakita kong tinanggal na ni Tristan sa kanyang tenga ang phone na hawak. Senyales na binabaan niya ang kausap o binabaan siya ng kausap niya. Sa mismong oras na 'yun ay nakaramdam ako ng init sa aking mga mata at sa buong mukha. 

Nanglabo ang aking mga mata, luha'y tila papatak na anumang oras. Nakatingin pa rin ako sa kaniyang likod ng bigla na lamang siyang lumingon sa gawi ko pero mukhang hindi niya inaasahan na gising na pala ako. 

Mabilis siyang lumapit sa akin at pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Mabilis ko ring iniwas ang mukha ko sa kaniya. "Why are you crying?" tanong niya.

"Stupid," sabi ko sa kaniya saka umupo mula sa pagkakahiga.

"What?" tanong niya. "Ayaw ni Chesca 'yung idea na pumupunta ako dito sa bahay niyo tapos tayong dalawa lang. Iba ang naiisip niya," sabi niya habang hawak niya ang kamay ko.

"So, what are you saying?"

"Na mahihirapan ulit akong bumalik dito." Ilang patak nanaman ng luha ang kumawala sa mga mata ko. "Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Chesca, 'di ba?" at tumango lang ako.

"Kahit sinong girlfriend naman hindi magugustuhan kapag 'yung boyfriend nila may pinupuntahang ibang babae," sabi ko ng malayo ang tingin. Masyadong masakit para sa akin ang tignan siya sa mata.

"Bakit hindi niya magets na bestfriend kita?" tumayo siya at naglakad pabalik-balik sa kinatatayuan.

"Tristan," tawag ko sa kaniya. "Kailangan ko ng mag-aral," sabi ko sa kaniya. Lumabas siya at kinuha ang mga gamit kong nilabas niya kanina para masigurong matutulog ako at makakapagpahinga.

Pagbalik niya ay agad niyang inabot sa akin 'yung mga gamit ko. "Kailangan ko ng umuwi, Si. Sorry, hindi kita mababantayan ngayong gabi," sabi niya habang naglalakad papunta sa bag niyang nakalagay pala sa may upuan sa study table ko. 

Lumapit siya sa akin, umupo sa kama at napapikit ako ng maramdaman ko ang palad niya sa kaliwang pisngi ko. "Magpagaling ka ha? Ayoko ng may sakit ka," matapos noon ay hinila niya ako papalapit sa kaniya para igawad sa akin ang isang halik sa ulo. Matagal siyang nanatili doon.

"Bakit pakiramdam ko hindi ka na babalik sa akin?" bulong na tanong ko sa kaniya. Pagmulat ko ay siya na ang mismong kumawala.

"Aalis na 'ko. Magpagaling ka ha," tumayo siya saka mabilis na lumabas ng kwarto.

Nang buksan ko ang libro ko sa accounting ay may isang 1/8 yellow paper doon.

Magpagaling ka, AFD. I love you. <3

Galing kay Cristof. Shit. Baka naghihintay 'yung tao ng text ko. Sabi ko sa kaniya kanina ay magtetext ako kaagad sa kaniya pagkauwi ko.

4:32 PM Cristof: AFD, nakauwi ka na ba?

5:08 PM Cristof: Nakauwi ka na siguro.

5:23 PM Cristof: Uminom ka ng gamot mo, AFD.

6:12 PM Cristof: May quiz tayo, 'wag mong kakalimutan. Pero magpahinga ka muna bago ka mag-aral.

Nang tignan ko ang orasan ay 8:15PM na. Mas mabuti pa sigurong tawagan ko na lang siya.

Ann: Cristof.

Cristof: Kumusta ka na?

Ann: Umokay naman na 'yung pakiramdam ko.

Cristof: Si... Si Tristan... Si Tristan ba nandiy–

Ann: Umuwi na. Kanikanina pa.

Cristof: Okay. Mamaya ka na mag-aral. Magpahinga ka na muna.

Ann: Okay na 'ko. Tinawagan lang kita kasi 'di ako nakapagtext kanina pagkauwi ko. Nahilo kasi ako kaya dumiretso ako ng higa at umiglip. Noong nagising naman ako, ayaw naman ako pagalawin ni Tristan. Kaya sorry.

Cristof: Okay lang 'yun, naiintidihan ko naman.

Ann: Nag-aaral ka na ba?

Cristof: Oo.

Ann: Okay, sige. Mag-aral ka na diyan. Mag-aaral na rin ako.

Cristof: Okay. I love you, AFD.

Ann: I love you.

At nag-aral ako ng mabuti ng oras na 'yun. Hindi ko inalintana kung may masama sa pakiramdam ko. Basta ang kailangan ko lang gawin, mag-aral ng mag-aral ng mag-aral. 

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon