Isang linggo simula ng mag-cool off kami ni Cristof. Walang tawag, walang text, walang chat, walang pagkikita. Walang kahit na ano. Wala lahat. Monday ngayon at walang pasok dahil school holiday.
Celebration ng patron saint namin ngayon kaya walang pasok ang buong university. Pero dahil ang school ko lang naman ang may holiday, syempre, may pasok at trabaho sila Mommy at Daddy pati na rin ang mga ate ko. Kaya naman naiwan akong mag-isa sa bahay.
Bago umalis si Mommy ay nagluto na siya ng ulam para sa lunch at dinner ko kaya wala na akong poproblemahin. 9:00 AM pa lang kaya naisip kong kumain na muna ng agahan saka naligo para makapag-aral pagkatapos.
Kumakain ako ng tanghalian nang may magdoorbell sa gate kaya naman napatigil ako sa pagkain, tumayo ako at sinilip kung sino ang nasa gate.
Si Cristof at si... Tristan?
Anong ginagawa ni Tristan dito? Nakatingin sa isa't isa ang dalawa kaya naman lumabas na kaagad ako dahil ayoko ng eksena.
"Anong ginagawa niyo pareho dito?" tanong ko sa kanilang dalawa pagkabukas ko ng gate.
"Babe," sabi ni Cristof kasabay ng pagkasabi ni Tristan ng, "Si."
Pabalik-balik ang paningin ko sa dalawang taong nasa harapan ko ngayon. "Gusto ko lang magsorry," si Tristan ang unang nagsalita.
Saka lumipat ang paningin ko kay Cristof. "Gusto ko lang din magsorry," sabi niya.
Ibinalik kong muli ang paningin ko kay Tristan, "Umuwi ka na. Okay na 'ko, napatawad na kita pero wala ka nang babalikan dito," kunot-noong sabi ko.
"Pero, Si, -"
"Umuwi ka na raw," sabi ni Cristof kay Tristan.
Inilipat ko ang tingin ko kay Cristof, "Baka gusto mo na rin umuwi?" sabi ko kay Cristof.
"Babe..." pagmamakaawa ni Cristof. Hindi ko maintindihan 'tong taong 'to. Minsan ay akala mo sobrang bait, minsan naman ay parang sinapian ng kwarentang masamang loob.
"Pasok," sabi ko kay Cristof kasabay ng paggalaw ng ulo ko para senyasan siyang pumasok na sa loob.
Nang makapasok si Cristof ay muli nanaman akong bumaling kay Tristan. "Tristan, I'm sorry, kailangan mo na talaga umuwi. Sige na."
"Can you at least accept these?" sabay abot niya sa sunflower na ngayon ko lang din napansin.
"Right now, she prefers blue roses instead of those," singit nanaman ni Cristof habang nakaturo pa sa bulaklak na hawak ni Tristan. Nang tignan ko siya ay tila nangaasar ang mga ngiti niya.
Nang minsan akong magkasakit ay sinabi ni Tristan kay Cristof na mas gusto ko ang sunflower kaysa sa roses at sa color blue. Hindi ko lang alam sa ngayon kung flowers lang ba ang tinutukoy niya.
Kinuha ko ang sunflower sa kamay ni Tristan saka siya sinarahan ng gate. Hindi na ako nagsalita at dumiretso na papasok ng bahay. "Babe," rinig kong tawag ni Cristof.
"Kumain ka na ba?" tanong ko.
"Hindi pa," sagot niya.
"Bumili ka sa labas ng makakain mo, walang ulam dito," sabi ko saka nagtuloy-tuloy sa kwarto ko saka 'yun binagsak. Matapos noon ay humiga ako sa kama saka nagphone.
Nakarinig ako ng tatlong katok pero hindi ko 'yun pinansin. "Babe, hindi mo man lang ba tatanggapin 'tong flowers na dala ko? Bakit 'yung kay Tris–" sabi niya matapos niyang buksan ang pinto.
"Bakit, tayo ba?" inis na sabi ko ng hindi lumilingon sa kaniya.
Umupo siya sa gilid ng kama ko. "Hindi na ba pwede?" seryosong tanong niya. Pero hindi ko siya sinagot, ni hindi ko siya nilingon. "Babe, I'm sorry sa lahat ng nasabi ko. I didn't mean any of it. Nadala lang siguro ako ng mga nangyari. Sorry. Please," sabi niya.
Saka ko lang siya tinapunan ng tingin saka may inabot sa akin na paperbag. "Ano 'yan?" tanong ko pero nakangiti lang siya.
"Open it," at saka muling binigay ang paperbag na hawak.
Iniabot ko 'yun at binuksan. Payong. Tinignan ko lang siya saka tinaas ang dalawang kilay na parang nagtatanong kung bakit payong. Anong gagawin ko sa payong. Gamitin mo, malamang.
"Sabi mo wala kang payong kaya hindi ka nakauwi noong nakaraang linggo. Sabi ni Kuya Kim mataas daw ang tyansang uulan ngayong linggo," paliwanag niya.
"Niloloko ka lang niyan ni Kuya Kim," sabi ko.
"Para hindi ka na magstay lagi kila Jan," dagdag niya.
"Nagseselos ka kay Jan?"
"Kung oo?"
"Wala akong magagawa. Ibabalik ko lang sa'yo lahat ng sinabi mo noong nakaraang linggo kung gano'n," sabi ko. "Pero 'wag ka magselos, girlfriend niya si Anj, masaya sila."
"Sorry." Kinuha niya ang mga kamay ko saka iyon hinalikan.
"Masyadong masakit ang mga sinabi mo, Cristof. Hindi iyon basta-basta. Masasakit ang mga iyon at talaga namang naapektuhan ako," sabi ko.
"Sorry," sabi niya, "hindi ko talaga sinasadya ang lahat ng iyon."
"'Yung picture niyo ni Lia-"
"Hindi na 'ko lalapit ng gano'n kalapit sa kaniya. Lalayo ako kung kailangan pero kaibigan ko siya kaya hindi ko maiiwasang makasama siya. Ang paglayo lang sa kaniya ang kaya kong gawin, babe," pangangako niya.
"Tayo na ba ulit?" tanong ko. Ibinaba niya ang kamay kong nadikit sa labi niya saka tumingin sa mga mata ko.
Inilagay niya ang isang kamay niya sa pisngi ko saka sinabing, "Nagpahinga lang tayo, babe, hindi tayo tumigil. Hindi tayo titigil," sabi niya saka inilapit ang mukha ko sa kaniya saka humalik sa aking noo.
Doon ay napapikit ako at hiniling na sana sa pagmulat ng mga mata ko ay mawala ang lamat sa relasyon namin.
Nang maramdaman kong lumayo siya sa akin ay saka ko binuksan ang mga mata ko. Sa pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko kung gaano pa rin siya kalapit sa akin at nakatingin sa mga labi ko.
Saka siya dahan-dahang lumapit at doon naglapat ang mga labi namin.
Naalala ko na walang tao ngayon sa bahay at kinakabahan sa pwedeng mangyari pero hindi ko na ininda.
Sinagot ko ang mga halik niya. Mabagal at puno ng pagmamahal. Muli akong pumikit at pinakiramdaman ang bawat minuto. Naging matagal iyon hanggang sa lumalim ang mga halik namin ng maramdam ko ang kakaibang bigat ng mga ito.
Sandali lang siyang humiwalay sa akin at tinignan ako sandali tila nagpapaalam. Ako na mismo ang lumapit sa kaniya at muling humalik.
Naramdaman ko ang kamay niyang unti-unting pumupunta sa leeg ko hanggang sa mga balikat ko pababa ng braso ko. Patuloy ang aming umiinit na mga halik.
Iba ang pakiramdam ko sa bawat haplos ng kamay niya. Muling bumalik sa balikat ko ang mga kamay niya at muling bumababa pero sa pagkakataong ito ay ibang direksyon na, sa direksyon kung nasaan ang dibdib ko.
Naging mabagal ang paggalaw niya, tila hinihintay ang pagtututol ko sa ginagawa niya pero wala na akong pakielam kung saan man gustong pumunta ng mga kamay niya.
Nang makarating iyon sa tuktok ng dibdib ko ay narinig namin ang pagbukas ng pinto ng bahay. "Ann!" si Mommy.
Agad kong natulak si Cristof papalayo para hindi kami mahuli ni Mommy. "Shit," hinihingal na sabi ko. Kinabahan ako doon! Buti na lang hanggang doon pa lang dahil kung hindi, ewan ko na! "Ma!" tawag ko dito pabalik.
Sabay kaming natawa ni Cristof ng mahina. "I love you," sabi niya.
"I love you too," sabi ko ng natatawa pa din.
Sana lang ay bumalik na kami sa dati.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Teen FictionKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...