Unang araw ng August at tanghali pa ang klase namin para ngayong araw pero papasok kaming dalawa ni Cristof ng maaga para raw maturuan niya ako sa Accounting subject namin, may quiz kasi mamaya para doon.
9 AM ay nasa school na 'ko at hinihintay ko na lang siya sa may St. Maurs lobby. Nagtext din si Cristof sa akin na medyo malalate raw siya. Mga 10 pa daw siya makakarating dahil nasiraan 'yung jeep na sinakyan niya, umpisahan ko na raw munang basahin yung Chapter 5 at try sagutan 'yung ibang exercises after ng Chapter 5.
Pero wala pa ako sa wisyo kaya naman nagscroll muna ako sa facebook newsfeed ko ng makita ko ang post ni Chesca, 'yung girlfriend ni Tristan.
Don't blame me for leaving, blame yourself for not doing the right things to keep me.
Nagmadali akong i-message si Tristan matapos kong makita 'yung post ni Chesca.
Ann: Si.
Tristan: Oh?
Ann: Anong nangyari?
Tristan: Saan?
Ann: Sa inyo.
Matapos noon ay sinend ko sa kaniya ang screenshot ko ng status ni Chesca.
Tristan: Ah, ewan ko.
Ann: Hindi nga?
Tristan: Hindi ko alam.
Ann: Break na kayo?
Tristan: Ata? Hindi ko alam eh.
Ann: Nagkakalabuan lang?
Tristan: Ewan ko doon, bigla-bigla bumaliktad ulo. Kaya hindi na ako narereply doon, nakakainis lang.
Hindi na ako nagreply dahil ayoko naman makielam lalo na at alam kong ayaw sa akin ng girlfriend niya. Baka lalo pa silang maghiwalay kapag nalaman niya na nakikipagusap nanaman sa akin si Tristan. Pero maya-maya lang ay nagmessage ulit siya sa akin.
Tristan: Hey.
Ann: Oh?
Tristan: Kausap ko siya. Anong gagawin ko? Break na ba o ano?
Ann: Kaya mo pa ba?
Tristan: I dont know...
Ann: Next time mo na lang kausapin kapag sure na sure ka na. 'Yung sigurado ka na kasi baka nagkakapaguran lang kayo. Ilang buwan pa lang kayo.
Tristan: Nandito na eh. Kausap ko sa phone.
Nagulat ako sa idea na chinat niya talaga ako habang kauusap niya si Chesca. Alam naman niyang ayaw sa akin ng girlfriend niyang napakaimmature.
Ann: Eh bakit ka nagchachat sa akin? 'Wag ka muna makipagbreak, pag-isipan mo muna.
Tristan: Paano ko sasabihin?
Hindi ko lubos maisip kung bakit ako ang tinatanong niya samantalang hindi naman ako kasali sa relasyon nila.
Ann: Pag-usapan niyo muna 'yung naging problema niyo. Pakinggan mo side niya tapos pakinggan niya side mo.
Tristan: Ewan ko.
Ann: Kaya niyo 'yan.
Tinigilan ko na ang pagchat sa kaniya at sinimulan ng basahin ang Chapter 5 ng Accounting book namin. Processing Transactions of a Service Provider. The T-account. Left side, debit. Right side, credit. Paulit-ulit ko 'yang inaalala.
Mukhang basic pero gagamitin lagi kaya mahalaga. "Some accounts are increased on the debit side while other accounts are increased on the credit side depending on its position in the accounting equation," pagbabasa ko sa isang statement sa libro. What? Ano daw? "Assets = Liabilities + Owner's Equity," muling basa ko sa nakalagay sa book. "Ano ba naman 'to, Cristof, nasaan ka na ba, wala akong maintindihan dito," bulong na sabi ko sa sarili ko.
"Ann," bati ni Cristoff.
"Finally!! Hindi ko maintindihan. Please," nanakit agad ang ulo ko sa binasa ko.
At matyaga niyang in-explain sa akin lahat ng kailangan kong malaman. "Diba, 'yung equation kanina assets is equal to liabilities plus owner's equity? So since 'yung asset nasa left side ng equation, ibig sabihin ang increase ng lahat ng asset ay nasa left side or 'yung debit side ng T-account. Pero yung liabilities at owner's equity, 'di ba nasa right side. Ibig sabihin, ang increase ng lahat ng liabilities mo at lahat ng owner's equity mo laging sa right side or yung credit side ng T-account. Gets?" mahabang paliwanag niya.
"Ah! 'Yun pala ibig sabihin noon!" natutuwang sabi ko dahil nagets na!
"Oh, ito, sagutan mo," sabi niya habang naghahanap ng problem na pwede ipasagot sa akin. "Ito," sabay turo sa isang problem. "Gumawa ka ng T-account tapos record mo isa-isa. Para madali mong malagay sa T-account, journal entry muna gawin mo."
"March 1. May Gomez opened a tour and travel service business by investing cash of P50,000 and two cars worth P750,000," sabay tingin sa kaniya ng mga pagmamayabang dahil sa galing niyang magturo ay alam ko ang gagawin. Kumuha ako ng papel at doon sinulat ang sagot ko.
"Debit Cash P50,000, debit Cars P750,000, credit Gomez, Capital, P800,000." At isa-isang nilagay sa T-account ang bawat account. "Done," abot ko sa papel na pinagsulatan ko ng sagot. Nang mapatingin ako sa kaniya ay nag-aaral din siya.
"Patingin." Kinuha niya ang papel mula sa akin at tinignan kung tama nga ang sagot. "Ayan, tama, galing mo ah," pagbabalik niya ng papel sa akin. "Ito naman sagutan mo," turo niya sa isang number. Nilagay ko ulit sa papel ang sagot ko at pinakita sa kaniya. "Aba, gumagaling ka na ah," nakangiting sabi niya sa akin.
"Magaling teacher ko eh," nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Mag-advance reading ka na para sa Chapter 6. Kayang-kaya mo na 'yun," sabi niya.
Paulit-ulit lang kami ng ginagawa. I-eexplain niya sa'kin 'yung ibang concept tapos may papasagutan tapos i-checheck niya kung tama ba 'yung ginawa ko. Kapag may hindi ako nasagutan ng tama ay itatama niya 'yun pero i-eexplain niya pa rin kung anong nagawa kong mali.
'Yung prof kasi namin ay gano'n magpa-quiz, kahit hindi pa niya natuturo ay isasali na niya sa quiz para malaman kung sino ang nag-aadvance reading. Ilang minuto pa ang lumipas at oras na ng pasok.
"Naaalala mo lahat ng pinag-aralan natin?" tanong niya ng makaakyat na kami sa classroom. Tumango ako kahit na grabe ang kaba ko. Kailangan ko bumawi para sa lahat ng bagsak at saktong quiz ko. "Kaya mo 'yan," nakangiting sabi niya.
Nagsimula ang quiz at nagsimula ding mangatog ang buong kalamnan ko. Parang wala akong maalala. Bakit gano'n. Lagi akong may nakakalimutang concept. Nang matapos na magquiz ang lahat ay chineck din ng araw na 'yun ang quiz namin at nang makita ko ang grade ko. Nakakapanglumo.
"Ano, mataas grade mo?" pinakita ko sa kaniya ang paper ko at naiiyak na 'ko. "Nablanko ka ba? Kumalma ka lang kasi kapag nagqquiz. Okay lang 'yan, madami pang susunod na quiz." Hindi ako pwede magshift. Iyon lang ang naisip ko. Papagalitan ako nila mommy. Kaya ko 'to. Konting aral pa. Kaya mo 'yan, Ann.
Pagkauwi ko ay sinabi sa akin ni mommy na iniinvite kami ni Tita Marites sa bahay nila sa Baguio para sa house blessing. Bukas ang alis namin, Friday, at umabsent na lang daw ako sa subject ko. "Ma, hindi ako pwedeng umabsent bukas, kayo na lang," pilit kong sinasabi kay mommy.
"Hindi pwede, wala kang kasama dito," sagot niya.
"Okay lang ako. Tatlong araw lang naman kayo mawawala eh. Kaya ko naman na sarili ko," pilit ko pa ring sinabi. Kung gabi pa sana sila aalis ay sasama ako sa kanila kaso ay umaga at may pasok pa ako noon.
Hindi ako pwedeng umabsent dahil may Accounting subject ako noon. Hindi pa ako nakakabawi sa mga quizzes ko. Ano ba naman 'yung perfect attendance pangbawi sa mga bagsak kong quiz. Sa huli ay napagpasyahan nilang iwan na lang ako.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Novela JuvenilKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...