Hindi ako nakagalaw matapos mawala ni Cristof sa paningin ko. Anong nangyari sa kaniya. Nananakit ang katawan ko. Parang hindi ako makagalaw. Pero pinakalma ko muna ang sarili ko bago umakyat sa library para puntahan sila Gen.
"Oh, ano nangyari sa'yo?" tanong ni Anj.
"Cool-off daw muna. Alis tayo," sabi ko sa kanila. Gano'n na lang ang gulat ko sa mabilisan nilang pagpayag.
Pumunta kami sa pinakamalapit na mall. Sabi nila ay magdinner na lang daw kami tutal naman ay hindi pa kami naghahapunan. Naging tahimik kami parepareho buong magdamag. Tila nagpapakiramdaman. Hanggang sa magsalita si Jan, "Mag-Tom's World tayo, tara!"
Mukhang ginanahan naman ang dalawa pa naming kasama ng sabay silang tumango at nagsimula ng maglakad.
Pagpasok namin sa Tom's World ay dumiretso sila sa papalitan ng tokens saka pumunta sa Hot Shot, 'yung pangbasketball na laro. Apat ang laruan doon at bakante ang lahat kaya sabay-sabay kaming nagpasok ng token sa bawat stall.
Nagsimula ang game at isa-isa naming sinubukang i-shoot ang bola sa hoop. Nang matapos ang isang minuto ay tumigil ang laro at nakita kong si Jan ang may pinakamataas na score, 148, tapos ay si Anj, 139, si Gen, 100, at ako, 33.
"Ang galing niyo naman, grabe," sabi ko. Wala ako sa wisyo para maging competitive.
Inakbayan ako nila Gen at Anj. "Tara, magkantahan na lang tayo," sabi ni Gen.
"Dito? Wala namang pangkantahan dito ah," sabi ko habang pilit na hinahanap ang room kung saan pwedeng kumanta.
"Karaoke Hub!" biglang sabi ni Jan.
"Oh, ayaw niyo na dito? Sayang tokens natin," sabi ko.
"Hindi, ano, iniipon ko rin naman 'yung mga tokens dito eh, uhm, souvenir," sabi ni Jan.
Tinitimbang ko pa ang sinabi niya pero hinila na ako nila Gen at Anj papalabas at saka dumiretso sa Karaoke Hub.
Hindi ko alam kung pinapagaan lang nila ang buhay ko ano pero para silang nag-coconcert sa harapan ko. Si Jan ang nasa gitna at sila Gen at Anj ay nasa magkabilang gilid niya.
Ang playlist nila ngayon ay puro Aegis at hindi naman sila nabigo dahil sa ganda ng boses ni Anj. 'Yun marahil ang nakapagpatibok ng puso ni Jan. Hindi ko alam ang mga nota pero maganda ang pagkakakanta niya. Kahanga-hanga.
Sayang na sayang ang una nilang kinanta. Hindi na ako sumama dahil hindi naman talaga ako kumakanta.
Sayang na sayang talaga, dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga pagmamahal na 'di ko makakamtan
Sayang na sayang talaga dating pag-ibig na alay sa iyo
Sayang na sayang talaga pagmamahal na 'di ko makakamtam sa iyo...Hanggang sa pinalitan nila at iyong masasayang kanta naman ang pinerform nila. Uptown Funk ni Bruno Mars ang sunod nilang kinanta.
Malaki ang pasasalamat ko sa tatlong tao na nasa harapan ko ngayon. Kung wala sila ay hindi ko na alam kung nasa katinuan pa ako ngayon.
"Si Ann naman!" sigaw na sabi ni Jan saka iniabot sa akin ang mic.
"Wala akong kakantahin eh," sagot ko kahit kinuha ko na 'yung mic.
"Bigay ka ng random number! Kung anong lumabas kakantahin mo," suhestiyon ni Gen.
"Paano kapag hindi ko alam 'yung kanta?" pilit ang tawang sabi ko.
"Kaya mo yan. Game na. Bigay ka number," sagot ni Anj.
"8-5-4-6-6, ilang numbers ba?"
"Sige, isa pa," sabi ni Anj.
"9," dagdag ko sa mga numerong sinabi ko. Lumabas sa screen ang Oks Lang Ako ni Jroa.
"Ah, ano, ako na lang kakanta niyan. Favorite ko 'yan eh," mabilis na sabi ni Gen pero nilayo ko ang mic sa kaniya nang kukunin na niya ito.
"Ako na, favorite ko rin 'to eh," natatawang sabi ko. Favorite niya raw eh pinakinig ko 'to sa kaniya kanina sabi niya hindi niya raw alam. Nakita ko ang nakikiramdam na mukha ng mga kasama ko saka nagsimulang tumugtog ang kanta kaya naman lumipat doon ang paningin ko.
Tumayo ako para kantahin ang unang verse ng kanta. "Saan na 'to patungo? Hindi ko na kasi alam. Hinahanap ang sagot sa bakit. Hindi ko na kasi alam." Muli kong inaalala ang mga pangyayari kanina sa pagitan namin ni Cristof. May pupuntahan pa kaya 'tong relasyon namin sa mga binitawan niyang mga salita sa'kin kanina.
"Hindi ka na nakikinig. Hindi ka na kinikilig, Hindi ka na natutuwa 'pag may pasalubong na isaw." Nagsisimula ng manginig ang boses ko.
"Nagbago na lahat sa'yo. Nagbago na lahat pati ang tayo. Nagbago na ang 'yong tingin. Ang 'yong ngiti, ang 'yong nararamdaman. Ang gusto ko lang naman..." patuloy ako sa pagkanta pero nang hindi ko na kinaya ay naupo ako. Nararamdaman kong nakaalalay sa'kin ang mga kasama.
"Ay yakapin mo ako..." Isa-isang tumulo ang mga luha sa mga mata ko pero nagpatuloy pa rin ako. "Kahit hindi na totoo. Maiintindihan naman kita. Kung sawa ka na, kung sa'n ka sasaya. 'Wag kang mag-alala. Oks lang ako." Sawa ka na ba? Naramdaman ko ang kamay ni Anj sa likod ko bilang pag-alalay sa akin.
"Oy, salamat nga pala. Sa mga sandali nating masaya. Unti-unti na rin akong bibitaw. Kahit ako na lang ang sasayaw. Kasi malabo na lahat sa'yo. Malabo na lahat pati ang tayo. Malabo na ang 'yong tingin. Ang 'yong ngiti, ang 'yong nararamdaman." Bibitaw na ba tayo?
Hindi ko na kinaya at tuluyan nang humagulgol. Tinakpan ko ang mukha ko ng parehong kamay saka doon umiyak nang umiyak nang umiyak. Noon ko lang nalaman na hawak ko pa rin pala ang mic dahil naramdaman ko nang kunin ito ng isa sa mga kasama ko. Hindi ako sigurado kung sino sa kanila ang kumuha.
"Sige na, iiyak mo lang 'yan. Pero mahal ka ni Cristof, Ann, sigurado ako," boses ni Anj ang narinig ko. "Babalik siya," dagdag niya.
"Dapat kasi hindi ko sinanay 'yung sarili kong siya lagi ang kasama. Dapat hindi ko siya pinagbawalan sa lahat ng gusto niya. Dapat hindi ako laging nagagalit. Dapat hindi ko laging pinapalaki 'yung mga issue. Dapat hinayaan ko na lang siya."
Gano'n ba dapat ang ginawa ko? Ano ba ang dapat?
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Novela JuvenilKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...