Chapter 4

150 56 24
                                    

Lumipas ang ilang araw. Nagsimula na ring magturo ang ilang prof sa iilang subject sa ilang araw na 'yon. May ilang prof pa ang hindi pa namin nakikita kaya naman sigurado ako sa oras na pumasok sila ay magpapakilala nanaman kami isa-isa.

Mas marami na akong natatandaan na pangalan ngayon kumpara noong una at pangalawang araw. Hindi madali pero kinakaya ko naman. Lalo pa't sila ang magiging kasama ko sa loob ng limang buwan.

"May nakatingin na naman sa'yo," bulong ni Zia.

Nasa ibang classroom na kami kaya naman iba na rin ang pwesto ng mga upuan namin. Nahati sa dalawang grupo ang mga silya. Nasa kaliwang bahagi kami ng classroom, isang hilera na ang inuukupa namin nila Zia, Cheryl at Chuck sa pangatlong hanay.

Habang si Cristof naman ay nasa kanang bahagi ng classroom, pang-unang hanay kaya naman kitang-kita ko tuwing nakatingin siya sa gawi namin. Katabi niya sa kaniyang kaliwa si Peter na lagi niyang kasama.

Sa ilang araw na lumipas ay walang lumampas na hindi ko nahuhuli o nakikita si Cristof na nakatitig sa 'kin at kapag nahuli ko na ay biglang titingin sa iba.

Hindi ako manhid, alam ko ang ginagawa niya. 

Gusto niya ako.

"Form a group of 7 then each should get one-eighth sheet of paper then write your name down," sabi ng prof namin. 

Ito ang way of getting to know each other ng prof ko. Last week kasi ay may mga prof na hindi pumasok dahil first day naman daw ng class kaya extended ang orientation sa classrom hanggang second week. 

Ka-group ko sila Cherrie, Chuck, Zia, Chanel, Peter, at Cristof. Kumuha kami isa-isa ng one-eighth paper tulad ng sinabi ng prof. Nang matapos isulat ng bawat isa ang kani-kaniyang pangalan ay ipapaikot ang papel saka isusulat ang first impression doon sa may-ari ng papel na aming hawak. 

Nagsimula na kami sa activity. Katabi ko si Cherrie kaya sa kaniya ang unang papel na susulatan ko. Friendly. Kay Chuck ang sunod na papel na nakuha ko. Makulit. Kay Cristof naman ang sunod. Madaming hugot. HAHA. Si Zia, Kwela. Si Chanel, Sosyalera. Si Peter, Tahimik. At bumalik na sakin yung paper ko. 

ANO?? 

5/6 ang nagsabi na masungit ang first impression nila sa akin. 

"Grabe! Sobrang mukha ba akong masungit?" gulat na tanong ko. Lahat ng mata nila ay nasa aking gawi nang mag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang pagtango ng mga kaibigan ko maliban kay Cherrie. Malamang siya ang nagsulat ng Funny. "Grabe kayo!" natatawa kaming lahat dahil sa kagulat-gulat na sinulat nila.

Noong second class na ng araw na 'yun, ang tagal dumating ng prof at wala atang magawa si Cristof nang bigla siyang tumabi sa upuan ko. "Ann!" malakas na tawag niya sa akin kahit na malapit lang naman siya. Nagfafacebook lang ako ng mga oras na 'yun kaya naman nagulat ako sa pagsigaw niya.

"Ano ba 'yun?" asar kong tanong kasabay ng pagtingin ko sa kaniya.

"Maglaro tayo," natatawang sabi niya.

"Bored ka?" Tango lang ang tanging nasagot niya sakin. "Anong game?" Mabilis kong sinara ang phone ko para pakinggan kung anong kalokohan ang gusto gawin nitong si Cristof. Asan na ba kasi yung prof, ang tagal dumating.

"Staring contest. Unang kumurap talo," sabi niya.

"Ano tayo? Bata?" natatawang sabi ko.

"Game na, game na!" sinisiko niya ako para pilitin akong makipaglaro sa kaniya.

"Game." Nakasalumbaba ako na tila tamad na tamad na dahil sa tagal ng prof. Nakapatong ang siko ko sa armchair at ang baba, sa aking kamay. "Pagbilang ko ng 3 ha," nakapikit kong sabi. "3... 2... 1..."

Wala pang ilang segundo mula ng magdilat ako ng mga mata ay pareho na kaming natatawa. Hindi ko alam kung saan kami natatawa o kung ano man ang nakakatawa pero ganoon ata talaga 'yun kapag may staring contest. Matatawa ka kahit wala naman kayong pinagtatawanan o wala naman nakakatawa. 

"Oh, kumurap!" sabi ni Cristof. Bigla akong napakurap dahil sa pagpipigil ng tawa.

"Ang daya, isa pa! Nagpapatawa ka kasi eh," natatawang sabi ko.

"Ikaw nga 'tong nagpapatawa eh! Wala naman akong ginagawa!" natatawa ring sagot niya.

"Isa pa! Game! 3... 2... 1..." Mula sa pagkakapikit ay dumilat ako para muling titigan si Cristof at gaya kanina ay ako nanaman ang unang kumurap. "Dinadaya mo ko eh! Nagpapatawa ka talaga. Isa pa. Sige, last na."

"Hindi naman kita dinadaya eh. Ikaw lang 'tong tawa ng tawa eh," natatawang sagot niya. "Game. 3..."

"Wait lang. Di pa ready mata ko!" matagal akong pumikit at biglang dumilat sabay sabi ng "Game!" pero pagkasigaw ko noon ay biglang napakurap si Cristof. "Oh! Kumurap, talo ka na!" Natatawa kong sabi habang nakaturo sa kaniya.

"Hoy, baka magkainlaban kayo diyan," singit ni Peter na natatawa. Nang lumingon ako sa kaniya ay nakita kong halos lahat na pala sila ay nakatingin sa ginagawa namin at mga nakangiti, tila kinikilig.

Ibang hiya ang naramdaman ko ng oras na 'yun buti na lang at biglang nag-annouce si Rachelle na hindi makakapasok ang aming prof dahil may inaasikaso raw ito. First meeting pa lang naman daw kaya okay lang. Next meeting daw ay magsisimula na kami.

Mabilis lang ulit natapos ang araw na 'yun. Pababa na dapat ako ng tinawag ako ni Cristof. "Uuwi ka na?"

Tumango lang ako bilang sagot ko sa kaniya, "Kayo ba?" Nagpatuloy kami sa pagbaba kasama sila Cherrie, Chuck, Zia, Chanel at Peter.

"Oo din, tara sabay na tayo," pagpepresenta niya.

"Huh? 'Di ba sa LRT ka sasakay? Paano tayo magsasabay? Eh magkabilang dulo 'yung sakayan natin?"

"Sige, mauna ka na pala. Ihahatid kita sa sakayan."

"Hindi, 'wag na, okay lang ako. Maaga pa naman," sabi ko. Ayaw ko naman maging abala sa ibang tao. Kaya ko naman umuwi mag-isa

"Okay lang, sasamahan ko rin si Chuck. Ihahatid niya si Cherrie e. Kung saan ka sumasakay, doon din naman sumasakay si Cherrie," mahabang paliwanag niya.

"Ah, ganoon ba? Sige, kaso dadaan muna ako ng snack bar. Nagugutom kasi ako eh. Samahan mo na si Chuck," sabi at saka ako bumaling kay Chuck, "Chuck! Hindi na ako sasabay. Dadaan pa kasi ako ng snack bar eh." Pero parang gulat na gulat at naguguluhan si Chuck sa mga sinabi ko. 

Nakakunot ang noo niya at dahan dahang tumatango na parang nakikisama na lang at para hindi ako mapahiya. Mukhang hindi naman sasamahan ni Cristof si Chuck. Berigud. 

Pilit na ngiti na lang ang ibinigay ko sa kaniya saka sinabi, "Uuwi na kayo, diba? Babye!" mabilis na sabi ko saka hinila si Cristof pababa ng Snack Bar. "Hindi mo sasamahan si Chuck?"

"Is that a question?" naiiling na tanong niya. Papunta na kami sa isang table at doon nilagay ang mga gamit namin.

Naupo ako sa upuan dahil hindi ko pa naman alam kung anong gusto kong kainin. Gusto ko lang talagang kumain. "Oo sana. But I changed my mind. Statement na pala siya. Hindi mo pala talaga sasamahan si Chuck," sabi ko habang naghahanap pa din ng makakain. 

Pizza? Pasta? Waffle? Quesadilla? Doughnut? What?

"Sorry." Napatingin ako sa kaniya. Seryoso siya at walang bahid na nagbibiro.

"Huy, okay lang. Ano ka ba. Anong kakainin mo, pizza?" tanong ko dahil gutom na talaga ako.

Tumango siya at tumayo na 'ko para bumili. "Pwede ako naman ngayon? Hindi pala. Ako naman ngayon. Anong drinks mo?"

Hindi na siya pumalag. Hindi na kumuha ng pera sa wallet dahil hindi ko naman siya hahayaan na. Ako naman ngayon. "Wala. Water lang." 

Bumili ako ng pizza sa pizza hut stall sa snack bar. Tig-dalawa kami since buy1 take1 lang naman ang pwede kong bilhin doon saka dalawang tubig. Nang makabalik ako sa table namin ay inabot ko kaagad kay Cristof ang kanya at naupo. 

Pagkatapos noon ay umuwi na kami, hinatid niya ako sa sakayan at umalis lang siya ng umandar na 'yung sinasakyan kong jeep. Hindi ko akalain na ganoon na ang magiging set-up namin sa araw-araw. 

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon