Chapter 53

54 17 3
                                    

Nang matapos kaming mag-usap ni Cristof ay bumalik ako sa loob ng library. Naging mabagal ang paglalakad ko, iniisip kong mabuti lahat ng napag-usapan namin ni Cristof. Mas sumaya siya ng hindi na kami.

Iyon na ata ang pinakamasakit sa lahat. Iyong mas bumuti ang lagay niya noong nawala ako sa buhay niya. Totoo nga siguro ang sinasabi ng iba, na kahit hindi na ikaw ang dahilan, basta masaya ang mahal mo, magiging masaya ka na rin.

Nanatili ako sa kinauupuan ko kanina nang may ilang minuto. Pilit na isinasaksak sa sistema ko na wala na talaga kami. Na tapos na talaga. Doon ako umiyak nang umiyak, walang tao sa may bandang dulo kaya naman walang makakakita at makakarinig sa akin.

Nakatungo ako sa lamesa at doon humagulgol hanggang sa maramdaman kong mayroon nanamang umupo sa gilid ko. "Ano nanamang ginagawa mo dito?" tanong ko kay Cristof pero hindi siya sumagot. "Umalis ka na lang. Masyado nang masakit eh."

"Sorry," biglang sagot nito. Ang ikinagulat ko ay hindi si Cristof ang may-ari ng boses na iyon kaya naman napaangat ako ng ulo saka tinignan kung sino ito.

"Julian," sabi ko.

"May hinahanap kasi akong libro dito tapos nakita kita parang umiiyak ka. Hindi nga ako sigurado kung ikaw 'yan," natatawang sabi niya. Napangiti na lang ako sa sinabi niya saka niya iniabot sa akin ang panyo niya. "Lilipas din 'yan."

"Wala naman akong choice kung hindi palipasin na lang," sabi ko.

"Nandito lang kami kahit anong mangyari. 'Yung buong The Middle," sabi ni Julian.

"Julian, gusto mo?" boses ni Rafael galing sa likod ng kinauupuan namin ngayon.

Napaharap naman kaming pareho ni Julian sa kinaroroonan ni Rafael. "Gusto kong gumulong pauwi? Gusto mong umuwing lumilipad?" natatawang sagot niya dito.

"Gusto mo bang kumain ang itatanong ko. Tss." Natawa naman kaming lahat doon. "Oh, Ann. Okay ka lang?" tanong ni Rafael.

Nakangiti akong tumango saka binalik ang tingin as mga libro ko para simulan ayusin iyon. Mas mabuti pa sigurong sa bahay na lang ako mag-aral. "Hindi pa kayo uuwi?" tanong ko sa kanila.

"Hindi pa, may hinahanap pa kaming libro para sa reporting namin eh," sabi ni Rafael.

"Uuwi ka na ba?" tanong ni Julian.

"Oo, sa bahay na lang siguro ako mag-aaral," sabi ko.

"Sige, maghahanap na kami ng libro. Una na rin kami ha?" sabi ni Julian.

"Hm. Sige, thank you! Bye!" sabi ko habang kumakaway sa kanilang dalawa.

Mabigat at malungkot ang pakiramdam ko pero ewan ko ba. Sa tuwing may hindi magandang nangyayari sa akin laging nakaantabay ang mga kaibigan ko. Kahit papaano ay mayroon pa ring swerteng nangyayari sa buhay ko, si Gen, si Anj, si Jan at ang buong The Middle.

Nang makauwi ako ay hindi naman ako nakapag-aral. Nagpahinga lang ako at nanuod ng movie. Muli kong pinanuod ang Starting Over Again. Naalala ko ang usapan namin ni Cristof kanina.

Hindi ko lubos maisip na gumamit ako ng linya mula sa isang pelikula. Nakakatawang pakinggan pero angkop na angkop iyon sa pangyayari kanina. Paano niya nakuhang hingin ang isang bagay na siya mismo hindi niya ibinigay.

Kinabukasan ay kinausap ko sila Gen, Anj at Jan. "Nagkausap kami ni Cristof kahapon," bungad ko sa kanila. Doon ko nakita ang gulat sa mga mukha nila.

"Hala! Kailan? Okay ka lang ba? Anong sabi?" sunod-sunod na tanong ni Gen.

At ikinuwento ko sa kanila ang mga pangyayari kagabi mula nang pumunta ako sa library hanggang sa makita ako nila Julian at Rafael.

"Ang kapal talaga ng mukha niyang Cristof na 'yan. Akala mo kagwapuhan. Nakakairita," inis na sabi ni Anj.

"Oo nga! Immaturity!? Ha! Ayaw ng serious commitment!? Eh bakit ba siya nangligaw!? Ayaw naman niya pala!?" gigil na tanong ni Gen.

"Sa tingin ko mas nahihirapan si Cristof sa ginawa niya," sabi naman ni Jan. Doon sumama ang tingin sa kaniya ng dalawa naming kasama saka niya tinaas ang kamay niya na parang sumusuko at ayaw ng gulo. "Hindi, hindi. Ganito kasi 'yan. Ang lalaki akala mo lang hindi nasasaktan. Hindi kami katulad niyo na nagpapakita talaga ng nararamdaman. Lalaki ako kaya tingin ko ay maiintindihan ko 'yung hirap ni Cristof."

"Eh 'di si Cristof na lang kaibiganin mo!" sigaw sa kaniya ni Anj.

"Hindi sa gano'n. Gusto ko lang ipakita sa inyo 'yung side ng mga lalaki rin," pagtatanggol ni Jan sa sarili niya.

"Hindi! Alam mo, ikaw, kung hindi mo rin naman ipagtatanggol si Ann, manahimik ka na lang. Naiinis na ko sa'yo. Kala ko ba matino ka magbigay ng advice? Ha?" sabat nanaman ni Anj.

At buong araw silang nag-away dahil sa paghihiwalay namin ni Cristof. "Huy, 'wag nga kayong mag-ayaw. Baka kayo ang sumunod na maghiwalay!" sigaw ni Gen sa kanilang dalawa.

Nakita ko paano pareho silang natigilan dahil sa sigaw na iyon ni Gen. "'Wag ganiyan, love ko 'to," sabi ni Anj.

"Ganito lang kami pero love namin ang isa't isa," sabi naman ni Jan sabay akbay kay Anj. Nakita ko naman ang pagtango ni Anj.

Kanina lang kung mag-away sila ay parang kaya nilang bugbugin ang isa't isa. Nagkatinginan naman kami ni Gen at sabay natawa ng mahina habang sila Jan at Anj ay naglalambingan na. "Mga baliw," sabi ko.

"Punta tayo sa bahay nila Jan?" tanong ni Anj matapos nilang maglandian ni Jan.

"Tapusin na natin 'yung Final Destination! Ilan na lang iyon!" sabi ni Jan.

"Ann? Ano, game?" tanong sa akin ni Gen.

"Okay, sige," at lumakad na kami palabas ng school. "Alam niyo ba, last time, konting kaluskos lang ng hangin natatakot ako."

"Ay, pareho tayo! Natatakot nga ako noong pauwi ako eh!" sabi ni Gen.

Nang makarating kami sa bahay nila Jan ay umorder na agad sila ng pagkain. Pizza ang naisip nila ngayon kaya naman iyon ang inorder namin. At dahil sa pinapanuod namin, hindi namin agad iyon nakain dahil sobrang kadiri ang ibang parte ng movie. Lumalabas ang mga bituka ng iba. Nakakasuka.

Matapos ang panunuod namin ng movie ay saka lang kami kumain. Naging mas magaan ang araw ko. Mabigat, malungkot at mabagal pa rin pero mas magaan kumpara kahapon. Araw-araw nilang pinapagaan ang pakiramdam ko na lubos kong pinagpapasalamat.

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon