Dalawang linggo nanaman ang nakalipas, nang magising ako at 7:05 na. Shit! 7:30 AM ang pasok ko. Naligo ako nang mabilis pero iniisip ko pa rin kung papasok pa ba ako at kung makakapasok pa ako. Sobrang late na ako at baka pagalitan lang ako ng prof namin.
Sa dulo ay mas pinili kong pumasok. Nang makarating ako sa field ng 8:05AM ay nandoon na ang prof pero mukhang hindi pa siya nag-aattendance. Nasa field kami ngayon dahil PE subject ang unang subject. "Aga mo ha," bungad sa'kin ni Gen.
Natawa na lang ako, "Napasarap ang tulog."
Napaharap ako kay Anj ng sikuhin niya ako, "Okay na kayo? Nakapag-usap na kayo?"
Tanging tango lang ang naisagot ko dahil nagsimula na ang prof namin magdiscuss. Volleyball ang discussion sa PE ngayon at may practical exam daw kami mamaya.
"Sinong magkakagroup?" tanong ko sa kanila.
"Ay, kami. Pinagsubmit kami ni Ma'am kanina ng groupings eh. Kaso wala ka pa kaya hindi ka na namin nasali," sabi ni Jan.
"Tanong mo na lang kay Ma'am," sabi ni Gen.
At gano'n nga ang ginawa ko, lumapit ako sa prof namin at tinanong kung sino ang magiging kagroup ko. "Nako, Ms. De Castro, late ka nanaman," sabi ni prof habang tinitignan kung sino pa ang kulang ang members. "Dito ka kila EJ sumama."
Spike and receive ang practical quiz namin. Spike ang leader at receiver naman ang members. Ang mga kagrupo ko na sila EJ, Mari, Leigh, RJ at Eve ay mga varsity ng Volleyball.
Doon ko lang naisip na minsan, minsan lang, maganda rin kapag nalalate ka. Hindi ako sporty na tao kaya wala akong alam sa mga larong ito. Masakit ang bola ng Volleyball kaya ayoko talagang naglalaro nito.
May isang beses, sa highschool, may PE kami at Volleyball din ang discussion, ako ang pinagserve ng teacher ko. Tatlong beses akong pinaulit noon dahil 'yung unang service ko ay bitin, hindi umabot sa net.
'Yung pangalawa naman ay imbis na sa harap mapunta, sa likod ng court pumunta ang bola. At 'yung pangatlo ay sa gilid ng court. Doon nalaman ng teacher ko na wala na talaga akong pag-asa kahit ilang tyansa pa ang ibigay niya sa'kin.
Nang maglaro kami ay puro ang mga kagroup ko ang gumagawa ng score dahil inexplain ko naman sa kanila na wala talaga silang aasahan sa'kin. Sa sobrang galing nila ay 95 ang grade namin dahil may hindi nasalong bola ang mga kagroup ko.
Wala namang problema iyon sa akin dahil ako ay nakatanga lang sa may bandang likod, nanunuod ng laro nila. Kaya naman hindi na masama para sa akin ang 95 dahil kung ako ang palalruin nila, baka bumagsak pa kami. PE na nga lang, babagsak ka pa. Grabe naman 'yun.
Sa pangalawang practical quiz ay dapat tatlong beses laruin ng magkakagroup ang bola bago ipasa sa kalaban at ang unang makakuha ng ten na score ay siyang makaka-100 at sa pangalawang pagkakataon, dahil sa ang galing nila, ay naka-100 kami nang wala akong ginagawa. Sinuwerte sa kagroup.
Nang matapos ang PE subject namin ay nagbreak na kaya naman lumabas kami para kumain sa pinakamalapit na Jollibee.
"Natapos mo ba 'yung rereviewhin?" tanong ni Gen.
Nagtataka ko siyang tinignan, "Ha? Anong rereviewhin?" Nakarating kami sa Jollibee at naghanap na ng mauupuan.
"May quiz ngayon sa accounting," sabi ni Anj.
Napatulala ako sa sinabi nila saka ko naalala na mayroon ngang sinabi ang prof namin last time na may quiz sa araw na 'to. Nanghina ako. Hindi ako nakapagreview.
Habang umoorder sila ay naalala kong may mali din sa homework na ginawa ko. Nasistress na ako. Madali kong kinuha ang notebook ko kung saan nakasulat ang mga sagot ko at mabilisang pinalitan 'yun.
Ngayon din ang report namin sa isang subject at hindi ako handa doon. Hindi ko alam kung may isuswerte pa ako sa araw na 'to.
Agad kaming bumalik sa school pagkatapos namin kumain saka nagdiretso sa classroom. Tinignan ko ang orasan ko ng makitang kalahati pa lang ng klase ang nandoon. 12:45 AM.
12:30 AM ang klase namin. Marahil ay tinamad ang mga kaklase ko. Sa klase na ito kami magrereport at kinakabahan na ako. Christian Living lang naman ito pero hindi ako sanay ng nagrereport ng hindi handa.
Sobra ang kaba ko habang nagsasalita sa harap. Kahit papaano ay alam ko naman kung tungkol saan ang report ko kaya naman naireport ko pa rin iyon nang maayos.
"Very good, Ms. De Castro!" sabi ng prof namin dahilan nang pagkatuwa ko pero hindi rin iyon nagtagal dahil ang sumunog na subject namin ay Accounting.
Alam na alam ko ang gagawin sa ibang number na nasa quiz pero laging may isang pangpagulo na nagpapasakit lagi ng ulo ko. Ang ending? Mali ang nagawa ko. Dahil gano'n sa Accounting, may isang concept ka lang na hindi alam o kaya naman ay nakalimutan ay wala na, mamamali ka talaga.
Nang malapit na mag-uwian ay tinext ko kaagad si Cristof na magkita kami mamaya pero sinabi niya na may practice siya para sa performance nila sa isang subject.
Nagkabalikan nga kami pero parang walang pagbabago o 'di kaya ay usad ang relasyon namin. Sa tingin ko ay mas naging grabe pa nga ngayon. Ilang araw na kaming hindi nagkikita. Ilang araw na niya akong hindi nahahatid.
Wala namang kaso iyon pero syempre nakakamiss din naman ang taong iyon. Nang makauwi ako ay nakatanggap ako ng text galing kay Cristof na hindi naman pala natuloy ang practice nila at napagdesisyunan niya na lang na umuwi. Hindi man lang ako hinintay.
Cristof: Hi, babe! How was your day?
Kinuwento ko ang nangyari sa'kin sa araw na ito simula ng magising ako hanggang sa PE class namin hanggang reporting at quiz hanggang sa makauwi ako. Wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya kung hindi 'galing mo ha', 'epic', at 'ayos 'yan'.
Oo, mga walang kwentang sagot. Siya 'tong nagtanong kung kamusta ang araw ko tapos siya naman pala 'tong walang paki.
Ann: Ikaw, kumusta araw mo?
Cristof: Normal school day. Ang saya namin tapos sabay-sabay rin kami umuwi.
"Congrats, masaya ka," sabi ko pero syempre sa sarili ko na lang. Ayoko na nang away. Nagsasawa na ako.
Naalala kong malapit na ang birthday ni Cristof, sa March pa naman iyon at January pa lang ngayon pero sa tingin ko ay malapit na kaya naman naisip ko nang maghanap sa pinterest ng mga pwedeng ipangregalo na pasok sa budget at doon ko nakita ang 'Open When' gift box at iyon na nga ang gagawin ko.
Lalabas sana ako pero biglang bumuhos ang ulan. Buti na lang at binigyan ako ni Cristof ng payong noong nakaraang linggo kaya nagamit ko iyon.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Teen FictionKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...