"We need to talk," sabi niya nang makalabas ako sa kwarto. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba doon lalo pa at nitong mga nakaraang buwan ay hindi kami maayos.
"Uhm, pwede kumain muna tayo. Nagdinner ka na ba?" pagtatanong ko. Parang ayokong marinig kung ano man ang sasabihin niya. Parang hindi ako handa, natatakot ako sa nararamdaman ko.
"I really need to talk to you," pagpupumilit niya.
"Cristof," tawag ko sa kaniya, hindi ko agad tinuloy ang sasabihin ko dahil nagbabakasakali ako na susuwayin niya ako.
Ayaw na ayaw niya noon na tinatawag ko siyang Cristof pero parang nitong nakaraan ay wala na siyang pakialam kung ano man ang itawag ko sa kaniya. "Can't that wait? Sobrang gutom na ako, babe," sabi ko.
"Babe," tawag niya sa akin.
Dumiretso ako sa may kusina para tignan sana kung ano ang ulam. "May asado dito, kain muna tayo," sabi ko saka naghain ng mga plato.
"Pero-"
"Oh, nandito ka pala, Cristof," biglang sabi ni Mommy mula sa pintuan.
Napatayo si Cristof mula sa pagkakaupo niya saka lumapit kay Mommy para magmano. "Good evening po."
"Oh, Ma, saan ka galing?" tanong ko.
"Office. May inasikaso lang. Sige na. Kumain lang kayo diyan," sabi ni mommy.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko kay Cristof nang makapasok si Mommy sa kwarto nila ni Daddy.
Buntong-hininga ang narinig ko. Doon ko nakalimutan na ayoko nga palang pag-usapan bakit tinanong ko pa. "Kasi nga kailangan natin mag-usap," nawawalan na ng pasensyang sabi niya.
"Ann!" tawag ni Mommy mula sa kwarto.
"Ma?" sagot ko saka ako humarap aky Cristof, "Wait lang."
Nang makarating ako ng loob ng kwarto nila Mommy ay pinaayos niya lang naman sa akin ang tv nila. Nawalan daw ng signal at ayusin ko raw iyon. Ang tumatakbo lang sa isip ng mga oras na iyon ay 'paano ko naman maayos 'to. Hindi naman ako taga-Sky Cable. Bakit hindi iyon ang tinawag nila'. Matapos noon ay lumabas na rin ako agad.
Doon ko naabutan si Cristof na may kausap sa telepono niya.
"Okay, sige. Pauwi na 'ko," rinig kong sabi niya sa kabilang linya saka niya iyon ibinaba.
"Kailangan mo nang umuwi?" tanong ko habang palabas sa kwarto nila Mommy.
"Oo eh," sabi niya, "pero kailangan talaga kita makausap. Kahit mabilis lang."
"Tungkol saan ba 'yan?" tanong ko. Gusto ko na lang matapos 'to.
"Sa homework at project sa Accounting," sabi niya.
Napahinto ako sa ginagawa ko saka siya tinignan, "Ano?" gulat na tanong ko.
"'Yung homework..." mahabang sabi niya, "saka 'yung project sa Accounting."
"Ahhh... Anong mayroon?"
"May binigay sa amin. Gusto ko ipakita kaya ko dinala dito pero kailangan ko na umuwi agad," sabi niya.
"'Yun lang sasabihin mo?"
"Ha? Oo, bakit?"
"Bakit hindi mo agad sinabi?" tanong ko. Sobra ang kaba ko kanina dahil akala ko kung ano na ang kailangan namin pag-usapan.
"Sabi mo nagugutom ka eh," sabi niya. Aaminin kong sobrang nakahinga ako ng maluwag. Buong akala ko ay makikipaghiwalay na siya sa akin. Kinuha niya sa bag ang mga ipapakita saka inabot ang mga iyon sa akin. "Kailangan ko na kasi umalis din agad," dagdag niya.
"Ayaw mo bang kumain muna?"
"Hindi na, hinihintay na ako ni Mama eh. Magpapaalam na lang ako kila Tita," sabi niya saka tumayo.
Doon ako tumayo saka kumatok sa kwarto nila Mommy at ipinagpaalam si Cristof.
Kinabukasan ay may pasok nanaman. Bago ang last subject namin ay nagkita kami ni Cristof.
"Hatid mo 'ko mamaya?" tanong ko sa kaniya. Nagbabakasakali na muling bumalik sa dati ang relasyon namin.
"Hindi kasi kita mahahatid eh," sabi niya. Kung paano siya noong huling beses na kinausap ko siya para ihatid ako ay ganoon din siya sa akin ngayon.
"Bakit?" Ano nanaman dahilan mo?
"May quiz kasi kami bukas eh. Kailangan kong makauwi agad para makapag-aral agad," sabi niya.
"Can we talk?" sabi ko.
"Aren't we talking already?" sagot niya.
"Alam mo, hindi na kita maintidihan. Pakiramdam ko lagi mo na akong iniiwasan. Hindi mo na ako hinahatid, hindi na tayo nagsasabay maglunch. Ni hindi mo na nga ako natetext minsan o natatawagan para sa simpleng nakauwi ka na. Ano bang nangyayari sa'yo?"
"Hindi naman sa ganoon, bab-"
"Ayan, isa pa 'yan. Dati ayaw na ayaw mong tinatawag kitang Cristof. Bakit ngayon parang wala ka nang pakialam kung anong itawag ko sa'yo?"
"Oh, sige. Ganito na lang. Babawi ako. Sa Saturday, alis tayo."
"Babe, hindi 'yun eh. Ganiyan na lang tayo lagi. Hindi magkakasundo tapos babawi tapos hindi nanaman magkakasundo. Paulit-ulit na lang. May kailangan talaga tayong pag-usapan, I just can't pinpoint what," mahabang sabi ko.
"What are you trying to say?"
"Na ang gulo mo. Minsan okay ka, minsan hindi. Noong isang araw, dinala mo pa 'yung reading materials sa akin para maaral ko pero hindi mo 'ko tinawag na babe noong araw na 'yun," natawa ako ng bahagya, "alam ko, nakakatawa pakinggan pero buong araw ko 'yung inisip."
"Oh, sige. Ganito. Mag-usap tayo sa susunod na ling-"
"Bakit hindi bukas? Dapat nga ngayon eh," paputol ko sa sinasabi niya.
"Kailangan kong umuwi ng maaga bukas. Aalis kami. Pupunta kaming Quezon. Doon kami magststay ng 3 days," paliwanag niya. "Mag-usap tayo next week. Monday. Hihintayin kitang matapos 'yung klase mo. Okay ba 'yun?"
"Sige," sabi ko.
"I just can't do it today. Or tomorrow. Sorry," sabi niya saka tumayo, "kailangan ko na ring pumasok."
"Okay."
Hinawakan niya ang mga kamay ko saka sinabing, "Babe, galingan mo sa class, okay?"
Tinignan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa mga kamay ko saka siya tinignan ng diretso sa mata. "I love you," sabi ko.
"I know," nakangiting sabi niya. "Sige na. Mauuna na 'ko," saka siya naglakad papuntang classroom niya. Ha! Wala na ring I love you too.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Novela JuvenilKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...