Dalawang linggo ang nakaraan at hapon pa naman ang pasok namin ngayon kaya pwedeng late naman akong gumising at kumilos. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pagkadating ko sa school ay nandoon na si Cristof sa upuan. Umupo ako agad sa tabi niya at nanglalata, parang magkakasakit.
"Oh, okay ka lang?" tanong niya.
Umiling ako, tinignan ko siya pero ang bigat ng mga mata ko. "Para akong magkakasakit," mahina at matamlay kong sabi.
Pinatong niya ang likod ng palad niya sa noo ko at sa leeg para tignan kung anong lagay ko. "Anong parang? May sakit ka. Ang init mo oh, bakit pumasok ka pa?" pag-aalalang tanong niya.
"Hindi ako pwede umabsent, alam mo namang alanganin grades ko," sabi ko.
"Uminom ka na ba ng gamot?"
"Hindi pa," sagot ko.
"Tara sa clinic, sasamahan kita," sabi niya ng patayo na siya.
"Hindi na, baka pagalitan ka pa ni Ma'am."
"Peter, sasamahan ko lang si Ann sa clinic. Mataas lagnat eh, pasabi kay Ma'am," baling ni Cristof kay Peter.
"Sige sige," sabi niya kay Cristof saka bumaling sa akin, "Dapat nagpahinga ka na lang, Ann."
"Okay lang naman ako. OA lang 'to oh," natatawang sabi ko.
"Nagjoke ka pa, tara na," inalalayan niya akong tumayo saka kami bumaba para pumunta sa clinic.
Papunta na kami ng clinic ng marinig ko ang boses ni Tristan. "Si, anong nangyari sa'yo? May lagnat ka ba?" Lumapit siya sa amin at agad na pinatong ang likod ng palad sa noo ko para tignan din ang lagay ko. "Tsk, ano bang ginagawa mo, ha?" Iling lang ang nasagot ko sa kaniya. Wala akong panahon para makipagtalo sa kaniya. Lalo na ngayon at masama ang pakiramdam ko. "Saan kayo pupunta?"
"Sa Clinic sana," narinig kong sagot ni Cristof sa kaniya.
Nakita kong tinignan ni Tristan si Cristof saka bumalik ang tingin sa akin, "Sasamahan ko kayo."
"Hindi na, may klase ka pa ng 3:00PM, 'di ba?" sabi ko sa kaniya.
"Okay lang, tara na," sabi niya sa akin. Matapos noon ay humarap siya kay Cristof. "Ah, Tristan pala." Nakita ko ang pag-aabot ni Tristan sa kamay niya para makipagshake hands.
"Cristof," abot niya rin sa kamay niya at nagsimula na kaming maglakad papuntang clinic.
"Nililigawan mo ba si Ann?" biglang tanong ni Tristan na kinagulat namin pareho ni Cristof.
"Si," pagpipigil ko sa kaniya.
Nagkibitbalikat siya, "I'm just asking." Ilang minuto pa ang lumipas at nagsalita ulit si Tristan, "So, ano nga? Are you courting her?"
"Ano ba," napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kaniya.
"I just want to know kung siya ba nangliligaw sayo. May mali ba 'dun?" tanong niya sa akin.
"Oo, nililigawan ko siya," sagot ni Cristof kay Tristan para manahimik na si Tristan.
"You gave her those blue roses?" banat nanaman ni Tristan.
"Si, naiinis na ko sayo ah," singit ko.
"Oo, bigay ko noong birthday niya," sagot ni Cristof, nahalatang masama na ang timpla. "Bakit?"
"She doesn't like blue. Also, she prefers sunflower instead of roses," sabi ni Tristan.
Nakita kong tumingin si Cristof sa akin tila nagtatanong kung totoo ba ang sinasabi ni Tristan. "Can you just go?" biglang sabi ko kay Tristan.
Nasa tapat na kami ng clinic at humarap naman ako kay Cristof, "Akyat ka na. Aakyat na lang ako mamaya. Thank you," nakangiting sabi ko kay Cristof saka ako muling tumingin kay Tristan bago pumasok sa clinic.
Binigyan lang ako ng Biogesic sa clinic at pinahiga sandali dahil sa sobrang taas nga ng lagnat ko. Ilang minuto pa ay lumabas na rin ako pero laking gulat ko ng nandoon pa rin si Tristan sa harap ng clinic. "Hindi ka pumasok?" tanong ko sa kaniya.
Umiling siya. "Hinintay kita. Kumusta pakiramdam mo?" sabi niya.
"Uuwi na lang ako, lalong sumasama pakiramdam ko dito," sagot ko.
"Ihahatid na kita."
"Hindi na, si Cristof ang maghahatid sa akin pauwi."
"May klase pa siya," biglang sabi niya.
"May klase ka pa rin naman, 'di ba?"
"Hindi na 'ko papasok."
"Bakit?"
"Ihahatid nga kita pauwi."
"Bakit ba ang kulit-kulit mo ngayong araw?"
"Ihahatid kita, 'wag ka ng makulit."
"Aakyat pa 'ko sa room, magpapaalam pa 'ko sa prof 'ko," sabi ko at nagsimula ng umakyat.
"Sasamahan kita," nauubusang pasensyang sabi niya.
"Bahala ka," sagot ko.
Pag-akyat namin ay tamang-tama at kakapasok pa lang ng prof ko sa pangalawang subject. Dumiretso ako sa table niya sa harap para agad ko siyang makausap. "Good morning, Ma'am. Magpapaalam po sana ako na uuwi na. Sobrang sama po kasi ng pakiramdam ko talaga." Kakalapag pa lang niya ng mga gamit niya.
"Dapat ay 'di ka na pumasok," sabi sa akin ni Ma'am.
"Inaalala ko lang po 'yung mga quizzes ko," sagot ko.
"Sige na, umuwi ka na at magpahinga."
"Thank you po, Ma'am."
Matapos noon ay kinuha ko na ang bag ko sa upuan, sa tabi ni Cristof. "Uuwi na ko ah. Di ko na kaya 'yung sama ng pakiramdam ko eh," sabi ko kay Cristof.
"Ihahatid na kita," sabi ni Cristof.
"Hindi na. Dito ka na lang, hindi ka rin palalabasin ni Ma'am. Ihahatid naman ako ni Tristan," sabi ko. Inayos ko ang gamit ko at tumayo na para umalis. "Itetext kita pagdating ko ng bahay, okay?"
Tango ang naging sagot sa akin ni Cristof, "Okay, ingat kayo." Matapos noon ay nginitian ko siya saka naglakad papunta sa harap.
"Ma'am, thank you po," sabi ko sa prof ko na nagsusulat na ng lecture para sa araw na 'to.
"Sige, magpagaling ka," nakangiting sabi ng prof ko.
Inihatid ako sa bahay ni Tristan pero nagkamali ako ng inakala kong ihahatid niya lang ako dahil ng makarating kami sa bahay ay dumirediretso siya sa kusina. Bigla naman akong nahilo kaya nagpasiya ako mahiga na agad sa kama ko at matulog.
Maya-maya lang ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko kaya minulat ko ang mga mata ko. Pinagluto niya pala ako ng instant noodles na may sabaw. Nagtataka din ako kung paanong may basang bimpo ang noo ko. Sa tingin ko ay siya ang naglagay noon bago siya magluto ng noodles.
"Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ka nagkasakit, ha?" tanong niya sa akin. Inilagay niya sa tapat ko ang bed table at nilagay doon ang niluto niyang instant noodles at ang tinimplang orange juice.
Tinanggal niya ang basang bimpo sa noo ko para makaupo ako at makakain na. "Bakit ka ba nagagalit? Ako na nga 'tong may sakit eh," sabi ko habang hinahalo ang mainit na noodles. "Nabibwisit pa 'ko sa'yo dahil sa ginawa mo kay Cristof kanina. Hindi ka naman inaano noong tao."
"Inano ko ba siya? Nagtanong lang naman ako eh," depensa niya, "saka kailangang dumaan sa mga kamay ko ang sinumang lalaking magtatangkang pumasok sa buhay mo," dagdag niya. Pumunta siya sa study table ko at may kinalikot doon.
"Wow, daddy kita? Si Daddy nga hinihayaan lang ako kapag may nangliligaw sa akin tapos ikaw pa 'tong maghihigpit?" sabi ko habang patuloy na hinahalo ang sabaw.
"Gusto ko lang makasigurado na aalagaan ka niya ng higit sa kaya ko. 'Yun lang." Napatingin ako sa kaniya ng bigla siyang tumayo at pumunta sa may paanan ng kama ko. Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin pero alam ko ang laman ng isip niya. Siguro? Hindi lang masabi dahil ayaw niya pagsisihan sa dulo? Siguro.
Bakit hindi na lang ikaw ang mag-alaga sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Teen FictionKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...