Naging masaya ang araw ng debut ko pero gano'n na lang kabilis iyong binawi ng makauwi si Cristof at nagchat kaagad siya sa'kin. May spare na phone si Mommy kaya iyon muna ang ginagamit ko at grabe ang pagkaspare niya, mga sis, 'yung tipong 50 pa lang na texts, wala na, sasabog na? Gano'n! Pero kailangan ko rin kasi talaga ng magagamit kaya pagtyagaan na muna natin 'to.
Cristof: Babe, ano ulit password mo sa module?
Ann: Julytwentyfour1995
Cristof: BABE, MAY GRADE NA SA ACCOUNTING.
Pagkabasa na pagkabasa ko ng chat niya na iyon ay parang gusto na agad tumulo ng mga luha sa mata ko.
Ann: Oh.
Cristof: Tignan mo na.
Ann: Later na lang po. Ikaw na lang muna ang tumingin.
Cristof: Nakita ko na.
Ann: 'Yung akin, nakita mo na rin?
Cristof: Nakita ko na rin.
Muli kong binasa ang buong pag-uusap namin para sana makahanap ng clue kung ano ang grade ko.
Ann: Nakakalungkot, myghad.
Cristof: Bakit?
Ann: Wala naman, nakakakaba.
Cristof: Tignan mo na kasi eh.
Ann: Sandali!
Cristof: Goodluck, babe. In life, we need to face the challenges. We make mistakes and we should learn from it.
Ano ba ito! Bakit may pa-quotes pa si Cristof. Lalo lang ako kinakabahan! Pwede niya namang sabihin na bagsak ako kung bagsak ako. Gusto pa niya ay 'yung may suspense.
Ann: Hoy, ano yan. Natatakot ako sa mga pinagsasabi mo! Game na, titignan ko na talaga 'to!
Pero bago ko pa makita ang mga grades ko ay sinendan ako ni Cristof ng screenshot ng grade ko sa Accounting ngayong sem. 3.00 ang nakalagay doon.
Naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Masaya dahil pumasa pero hindi pa rin masaya dahil masyado iyong mababa. Nawala na rin ang 1.75 maintaining grade kaya kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag.
Medyo kabado ako dahil noong midterm ay 3.00 ang grade ko at isang bagsak na quiz na lang ay siguradong ikababagsak ko iyon.
Cristof: Congrats, babe! I love you!
Ann: Leche ka po. Leche ka talaga. Hindi pa ako ready eh. Ano? Hindi ka makapaghintay???? Wooooh. HAHAHAHAHAH.
Cristof: Yeheey!
Ann: Sayang hagulgol ko kanina.
Natapos nanaman ang sem na iyon pero panibagong problema nanaman ang kinakaharap namin ngayon. Naging istrikto na ang pamunuan ng eskwelahan na pinapasukan namin at mahirap na ang makapagpalit ng section.
Si Cristof, 323 at ako, 123. Kung sino-sino ang chinat namin para makipagpalit ng section, ilang araw kaming naghanap ng kapalitan pero wala ni isa sa kanila ang gusto kaya sa huli ay wala kaming nagawa.
Hindi nanaman nagtutugma ang schedule namin kaya paniguradong mahihirapan kami lalo. Isa iyon sa mga kinalungkot ko. "Babe, wala akong kasama sa 123, ayoko doon," malungkot na sabi ko sa kaniya noong nag-eenroll kami.
"Okay lang 'yan, babe. Ayaw mo noon? Para mamiss natin ang isa't isa," sagot niya.
Nakapila kami sa cashier ngayon. Ilang tao pa ang tinanong namin kung gusto nila makipagpalit pero wala talaga. Ayaw talaga nila. Bugtong hininga lang ang naisagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/228082459-288-k716354.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Fiksi RemajaKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...