Chapter 14

93 40 24
                                    

Mabilis akong kumuha ng tubig ni Tristan sa kusina at pinatay agad ang aircon sa kwarto nila Mommy. Nang makabalik ako ay gising pa rin si Tristan.

"Tubig," sabi ko sa kaniya pagkapasok ko ng kwarto ko. Inilapag ko sa side table ang tubig na dala-dala ko.

"Thanks," sabi niya saka niya inabot ang tubig. Pumunta na ako sa kabilang side ng kama at naupo doon. "Si, sorry," maya-maya lang ay sabi niya.

Tumingin ako sa kaniya at naabutan ko siyang nakatingin sa akin. "Okay lang," pilit ang ngiting sabi ko. "Matulog ka na, sige na," at nahiga ako sa kama ko habang siya naman ay nasa kabilang side.

Aaminin ko hindi ako kaagad nakatulog ng gabing 'yun, ang daming bumabagabag sa isipan ko at sa konsensya ko. Malayo ang agwat namin ni Tristan sa kama, may distansya. Ilang minuto na sigurado ang nakakalipas pero hindi pa rin ako makatulog. 

Ilang ikot na ang ginawa ko, ilang pagpapalit ng pwesto na ang ginawa ko pero hindi pa rin ako makatulog. Ginawa ko na ang lahat, humarap sa gawi ni Tristan, humiga ng nakatingin sa kisame, at ngayon ay humarap ako sa may bintana, nakatalikod kay Tristan. 

Minsan ko na ring kinuha ang phone ko at earphones para makinig muna sa music pangpaantok pero sa unang tunog na narinig ko, mukhang lalo akong 'di patutulugin nito.

"Mean It," bulong kong sabi sa sarili ko.

Don't kiss me right now,

Don't tell me that you need me,

Don't show up at my house

All caught up in your feelings

Don't run me round and round

Don't build me up just to let me down,

Don't mess with my head

Don't tell me you're falling

With you're feet still on the ledge

I'm all out of breath, baby,

Don't run me round and round

Don't kiss me, no, don't kiss me

Right now, on your lips just leave it

If you don't mean it

Habang pinapakinggan ang kanta ay doon ko inalala lahat ng nangyari sa amin ni Tristan. Simula sa una hanggang sa mga nangyari kanina. 

Tinanggal ko na ang earphones ko pero bago ko pa matanggal ito ay naramdaman ko na ang mga mata kong basang-basa na pala para sa mga luhang matagal ko ng gustong ilabas para sa taong nasa tabi ko ngayon.

Ilang beses pa akong nagpalipat-lipat ng pwesto pero wala talaga. Dahan-dahan ako lagi sa tuwing gagalaw. Ayokong magising si Tristan lalo na at sinumpong siya ng asthma niya kanina. Mabuti ng magkapahinga siya ng maayos. Muli akong napatingin sa may bintana, nakatalikod sa gawi ni Tristan.

Laking gulat ko ng naramdaman ko ang parte ng kama sa likuran ko na medyo lumubog. Sensyales na lumapit sa gawi ko si Tristan, inilagay niya ang kanan na braso niya sa may leeg ko upang maging higaan ko saka niya ipinatong ang kaliwang braso sa may bewang ko. 

"Matulog ka na, Si," mahinang sabi niya pero rinig na rinig ko. Marahil ay sobrang lapit ng ulo niya sa tenga ko. Halatang nagising lang dahil sa likot ko siguro.

"Sorry," sabi ko at sinubukan ulit na matulog at doon sa mga braso niya, nahanap ko 'yung kapayapaan at nakatulog na ng mabilis.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ni Tristan pero wala na siya sa tabi ko kinaumagahan. Ilang beses pa ulit nagring ang phone niya at nang tignan ko kung sino 'yun ay nakita kong si Chesca ang tumatawag. 

Ilang messages din ang iniwan niya. Nang makalabas ako ng kwarto ay nakita kong nag-aayos na siya ng almusal. Hindi na kami masyadong nagpansinan pero hindi pa rin siya umuuwi. Nang araw na 'yun ay nakakachat ko pa rin si Cristof.

Cristof: Goodmorning, Ann! Miss na kita.

Ann: Goodmorning! Kalma, may Sunday pa!

Cristof: Ayaw mo bang namimiss kita?

Ann: Hindi naman pero kalma lang, magkasama naman tayo kahapon eh.

Cristof: Eh kahapon pa yun eh. 😊

Ann: Kahapon lang yun! Hahahaha.

Cristof: Eh ilang hours na ang nakalipas.

Ann: Ilang hours pa lang ang nakakalipas.

Cristof: Pumayag ka na kasi na miss na kita!

Ann: Hahaha, sige.

At patuloy ang pagchachat namin ng araw na 'yun nang biglang nagsalita si Tristan, "Who gave you those roses na nasa may side table mo?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot kaya naman nagsalita ulit siya, "Hindi ko 'yun napansin kagabi." Nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto ko habang ako naman ay nakaupo sa may sala.

"From my –" naputol ang sagot ko sa kaniya ng biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Mommy.

Mom: Ann, how are you?

Ann: Mom, I'm fine. Why did you call?

Mom: Just checking you up. Anong kinain mo kagabi?

Ann: Nagluto si Tristan ng beef brocolli kagabi.

Mom: Diyan siya natulog?

Ann: Yes, Mom.

Mom: Nag-iwan si Daddy ng pera diyan. Nakita mo ba?

Ann: Opo, kaso nagpumilit si Tristan na magluluto na lang siya.

Mom: Mag-order ka na lang mamaya, 'wag mo na palutuin si Tristan.

Ann: Opo.

Lumipas lang ang araw na 'yun ng napakabilis. Hindi kami masyadong nagkikibuan ni Tristan at nanatili siya sa bahay hanggang Linggo ng gabi, hinintay niyang makauwi sila mommy at siniguradong may makakasama na ako. "Hi, Tita! Tito," sabi niya habang naglalakad papalapit sa kanila para magmano.

"Oh, hijo, sinamahan mo ba si Ann?" tanong ni daddy.

"Opo, wala daw siyang kasama eh, kawawa naman," natatawang sabi niya. "Hi, Ate Felice, Ate Camille," bati niya sa dalawa kong kapatid.

"Hello!" bati ng mga kapatid ko sa kaniya.

"Uuwi na rin po ako, hinintay ko lang po kayo para may kasama si Ann," sabi niya kila Mommy.

"Nagdinner na ba kayo?" tanong ni Daddy kay Tristan.

"Opo, nagluto po ako ng sinigang. Mayroon pa po sa kusina kasi iniisip ko po baka 'di pa kayo kumakain," mahabang sabi niya.

"Kumain na kami. Sige na, Tristan, at baka gabihin ka pa pauwi sa inyo," sabi ni mommy.

"Bye po," sabi niya kila mommy at saka humarap sa akin. "Bye, Ann," seryosong sabi.

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon