Sinimulan ko nang gawin ang birthday gift ko para kay Cristof. Sa nakita ko sa Pinterest ay sa isang box ay mayroong iba't ibang mga simpleng bagay na nakabalot at may note na nakalagay na 'Open when...' at kung kailan niya pwedeng buksan ang isang regalo.
Nagsimula akong mag-isip ng mga ilalagay sa box na iyon. Hindi madali dahil hangga't maaari, gusto ko sana na ang mga nakalagay doon ay talaga namang magagamit niya.
Ang pinaka-unang open when ay isang envelope na naglalaman ng rules. Ang unang rule ay bawal ang mangdaya. Hindi pwedeng buksan lahat nang sabay-sabay para naman may thrill. Pangalawa, dapat ay bubuksan lang iyon kung ang nakalagay sa note ay iyon mismo ang nararamdaman niya.
Sa tingin ko ay 'yan lang ang pwedeng i-apply sa box na ito. Sa nakita ko kasi sa Pinterest, sulat lang ang nakalagay sa bawat 'Open when' pero sa tingin ko ay ang boring noon kumpara sa mga gamit.
Inisip ko nang mabuti kung ano ang pwede kong ilagay sa box na pangregalo ko sa kaniya. Ah! Alam ko na. Ililista ko ito para hindi ko makalimutan. Open when...
1. You receive this (rules)
2. You have a headache (1 banig ng biogesic)
3. You feel like pooping (wipes)
4. You're stressed (stress ball)
5. You can't sleep (tea)
Umiinom kaya siya ng tea? Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay okay din dahil totoong nakakakalma ang tea at makakatulong ito sa pagtulog niya.
6. You're feeling sleepy but needs to stay awake (coffee)
Kailangang-kailangan namin ito lalo na para sa course namin na magpuyat para lang makapag-aral. Hindi pwede ang padahan-dahan at pakalma-kalma ka lang dahil wala ka talagang mararating sa course na 'to kung ganoon.
7. You're feeling sad (wacky picture ko)
Matutuwa naman siguro siya doon, ano? Kahit na sinabi niya na hindi ako cute, bwisit siya. Naalala ko nanaman 'yung sinabi niya na 'yun. 'Wag ko na kayang ituloy 'to?
Pero mapagbiro ako kaya itinuloy ko ang paglilista para sa birthday gift ko sa kaniya.
8. The apocalypse happens (2 canned goods)
Palitan ko kaya yung when the apocalypse happens? Kasi mabubulok lang sigurado ang dalawang canned goods na ibabalot ko. Sa dulo ay pinalitan ko nang 'when you're hungry' na lang tutal lagi naman siyang gutom.
9. You cut yourself (band-aid)
10. You're going to travel somewhere (shampoo, conditioner, toothpaste, toothbrush and soap)
Aba, parang mapapamahal ata ako dito ha? Complete set ng toiletries ang ilalagay ko? Hayaan mo na, para naman madami rin siyang mabuksan.
11. You need a laugh. (list of jokes)
Lagi na lang kasi siyang ready sa mga jokes. Hindi ko makakalimutan ang isang beses na wala siyang tigil sa kaka-joke niya, hindi na ako makahinga sa kakatawa at sumasakit na rin ang tyan ko. Para akong nag-exercise para sa abs ng araw na iyon sa kakatawa.
12. You want to take a trip down memory lane (screenshot ng first conversation, 'yung mga banat)
13. You needed some shots (mini JD bottle)
Makakahanap kaya ako nito? May nakita ako sa Pinterest na malilit na shots ng whiskey at iba't ibang alcohol pero hindi ako sigurado kung saan ako makakahanap nito. Kapag hindi ako nakahanap noon, papalitan ko ng alcohol 'to. 70% ethyl alcohol.
Para maka-iwas siya sa lahat ng mikrobyo na malapit sa kaniya. Napailing ako sa naisip kong iyon. Kahit ako sa sarili ko ay hindi sigurado kung anong klase ng mikrobyo ang tinutukoy ko.
14. You miss my kisses (minijar of kisses)
Pero baka matunaw ang chocolate kisses kung matagal niyang hindi mabubuksan pero hayaan mo na. Ilalagay ko na lang sa isang jar na sobrang secured.
15. You're bored (puzzle)
15? Okay na siguro ito. Madami-dami na rin ito. Baka lumaki pa ang gastos ko. Wala pa akong trabaho at estudyante pa lang kami. Maiintindihan naman siguro niya kung DIY lang ito. Tutal mahilig naman ako gumawa ng kung ano-ano.
Sinimulan kong kumuha ng mga wacky pictures ko. May nahanap akong mga sampung picture ko na kuha ni Cristof sa iba't ibang araw. Karamihan doon ay puro stolen. At totoong stolen dahil ang pangit ko sa ibang picture pero sinave ko pa rin iyon dahil alam kong matatawa siya sa mga ito.
Mayroon din akong nakitang limang picture namin ni Cristof na wacky at sinave ko na rin ang mga iyon para sa ikatutuwa niya. Kahit ako ay natatawa sa mga mukha namin sa ibang larawan. Nang matapos kong i-save ang mga iyon ay pinrint ko na ang mga iyon sa isang photo paper na ginamit ni Ate Felice sa paggawa naman niya ng regalo para sa kasintahan niya.
Sumunod kong ginawa ay ang paglista ng mga jokes. Hindi ako sigurado kung itutuloy ko pa ito dahil sa tingin ko ay alam na niya ang lahat ng iyon. Baka nga kabisado pa niya pero tinuloy ko pa rin naman.
Natawa ako sa isa kong nakita. Coconut. Ang mangyayari sa chicharong nakabukas ng matagal. Grabe, napaka-corny noon. Kukunat daw kasi. Hindi doon natapos ang paghahanap ko ng mga jokes. Sumasakit ang ulo ko sa mga nababasa ko. Ito pa ang isa: 'Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng bulaklak para sweet, pero isama mo 'yung paso para may impact.
Ilan na ang nahanap ko, okay na siguro ang ilan. Natatawa na lang ako sa mga nababasa ko pero isasave ko pa rin para i-print mamaya.
Ang pinakahuli kong ginawa ay ang screenshot ng conversation namin noong una kaming magkachat. 'Yung mga banat na walang katapusan.
Nang matapos na ako ay pinrint ko na iyon isa-isa at nilagay sa tig-iisang envelope na nakita ko nanaman sa mga gamit ni Ate Felice. Pinagpaalam ko naman iyon kaya walang problema. Sa susunod ko na lang bibilhin ang ibang mga kailangan.
![](https://img.wattpad.com/cover/228082459-288-k716354.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Подростковая литератураKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...