Chapter 33

59 28 14
                                    

Tulad ng ibang araw na nag-aaway kami ay nagiging ayos din naman kinabukasan. "Sorry," bungad ko sa kaniya nang makaupo siya sa silya sa tabi ko. Pumunta siya sa classroom namin bago ang pasok niya. "Hindi ako naging open sa personal," pero tila hangin ang kausap ko ng hindi niya ako pansinin. "Huy," sinisiko ko ang mga braso niya para makuha ang atensyon niya pero mukhang walang silbi pero hindi ko siya tinigilan at pilit na nagpapacute para lang pansinin niya ako.

Patuloy ako sa pagsiko at pangungulit sa kaniya hanggang sa humarap na siya sa'kin. "Ano ba, 'wag ka nga magpacute. Hindi ka naman cute," sabi niya sa'kin ng diretso ang tingin sa aking mata. Tinitigan ko lang siya matapos niyang sabihin sa'kin iyon, tinitimbang kung nagbibiro ba siya o kung seryoso ang sinasabi niya. 

Natimbang ko ito ng umiling siya saka inalis ang paningin sa'kin at tumingin kung saan. Okay? Nanahimik na 'ko pagkatapos noon. Ilang minuto lang ay narinig ko ang boses ni Cristof, "Babe."

Humarap ako sa kaniya ng may seryosong mukha. Naiinis ako sa sinabi niya kanina. Masyadong mamemersonal. Gusto kong ipaalala sa kaniya na girlfriend niya ko. "Ano?"

"Galit ka ba?" pagpapaawang tanong niya.

"Hindi," diretsong sabi ko saka bumalik ang tingin sa harapan.

At akalain mo nga naman, siya na ang nangungulit ngayon. Gusto kong sabihhin sa kaniyang 'wag siyang magpacute kahit cute naman talaga siya pero ayoko gumanti kasi ayoko maramdaman niya 'yung naramdaman ko. Aba, nakakaoffend kaya akala niya. "Huy... Wag ka na magalit... Sorry na, babe," pilit na pagmamakaawa niya.

"Okay, sige," sabi ko.

"Galit ka pa eh."

"Anong gusto mo? 'Pag kasorry mo, magpapalit na agad mood ko? Gano'n?"

"Kaya nga sorry na eh."

"Nakakatawa, gusto ko naman talaga mag-sorry kanina tapos gaganyanin mo 'ko."

"Eh bakit? Anong gusto mo? Kapag kasorry mo, magpapalit na agad mood ko? Gano'n?" paguulit niya sa sinabi ko kanina.

"Ah, gano'n?" pagmamataray ko.

"'Di, joke lang," sabi niya matapos ay ngumisi na parang hindi kami magkaaway. "Bati na tayo ha, nandiyan na si Sir eh," sabi niya.

Napatingin naman ako sa harap para masiguradong nandiyan na nga ang prof ko sa subject na 'to. Nang makita ko ang prof ay muli akong humarap kay Cristof. "So?" irap ko sa kaniya pero tinawanan lang niya ako. 

Baliw. Ikaw 'tong pumunta rito sa classroom namin tapos ikaw 'tong hindi tatanggap ng sorry tapos ngayon ikaw 'na tong ganiyan. Baliw. 

"Ikaw 'tong pumunta rito tapos ikaw pa rin galit. Tapos ngayon gaganyan ka? Pumasok ka na, magsisimula na klase namin," sabi ko saka siya tumayo.

"Sorry na, ha. I love you," sabi niya saka humalik ng mabilisan sa pisngi ko.

Sa gulat ko ay napasigaw ako dahilan kung bakit ang halos lahat ng classmate namin pati na rin ang prof ko ay nakatingin na sa gawi namin. "Good morning, Sir," bati ni Cristof habang malawak ang ngiti sa prof ko na prof niya rin naman mamaya.

"Oh, Mr. Salcedo, mamaya ka na mangligaw. Sige na, alis na," sabi ng prof ko.

"Bye, sir," sabi niya kay sir saka humarap sa'kin, "Bye, babe," sabi niya na pabulong lang.

Naging mabilis ang paglipas ng mga araw dahil nag-Midterm exam na kami ng sumunod na linggo. Naging mahirap nanaman ang mga lesson at pagapang ko itong itinawid. Matapos ang huling exam ay nagkita kami ni Cristof.

"Babe, iinom kami," paalam niya.

"Ha? Sinong kasama mo? Saan? Bakit?" sunod-sunod na tanong ko.

"Sila Jessica and Lianne. Wala, nagkayayaan lang," sabi niya.

Naglalakad kami papunta sa gate ng school para umuwi, nagpahuli kami ni Cristof sa paglalakd habang sila Gen, Anj at Jan ay nauuna. Ngunit bago pa kami tuluyang makalabas ay biglang buhos ang malakas na ulan. Wala akong payong.

"Shit, wala akong payong," sabi ko.

"Babe, okay lang ba mauna na ako? Hinihintay kasi ako nila Jessica eh. Nakakahiya naman kung magpapahintay pa ako," sabi niya. Wow naman, sa'kin hindi ka nahiya?

"Ha, sige, okay lang," sabi ko. Ang plastik mo, self. Nagpaalam si Cristof sa mga kasama ko saka tuluyang umalis.

"Magpapatila muna ako," sabi ko kila Gen, Anj at Jan. "Wala akong payong," dagdag ko.

"May payong naman ako. Sabay ka na lang sa akin," anyaya ni Gen.

"Ihahatid mo ba ako hanggang sa bahay?" natatawang tanong ko.

"Hindi, ano kita? Jowa?" sabi ni Gen saka siya natawa. "Magpatila na muna tayo kila Jan," sabi niya saka humarap kay Jan. "Okay lang ba sa inyo tumambay?" tanong niya.

"Tara. Foodtrip tapos nuod ulit tayo," sabi ni Jan.

Lumabas na kami ng school at nagshare ng payong ni Gen hanggang sa makarating kami sa bahay nila Jan.

Nag-message akong muli kay Cristof.

Ann: Babe, na kila Jan ako. Kasama ko sila Gen at Anj. Wala akong payong kaya dito muna kami magpapatila.

Cristof: Bakit hindi mo sinabing wala kang payong? Sana hinatid na muna pala kita sa inyo. Lagi ka nang na kila Jan.

Sinabi ko naman na wala akong payong. Masyado ka lang mahiyain sa friends mo para paghintayin sila. 

Ann: Kasama ko naman sila Gen at Anj.

Cristof: Umuwi ka kaagad.

Ann: Yes, babe. Sana ikaw din, 'di ba?

Cristof: Hahaha. Okay.

Minsan talaga napaka-epal ng boyfriend kong 'to. Hindi ko maintindihan.

At tulad ng una naming punta kila Jan ay nag-order siya ng Mcdo at pinanuod ang Final Destination 3 at 4. Patagal nang patagal ay talagang palala nang palala ang mga paraan kung paano namamatay ang mga characters.

Ang iba hindi ko kinakaya, nakakasuka. Maarte na kung maarte pero nakakasuka talaga kaya naman hindi ko na naubos 'yung burger ko at nanuod na lang.

Matapos naming manuod ay umuwi na rin kami. Buti na lang at saktong tumila ang ulan pagkatapos noong pangalawang palabas. Chineck ko ang phone ko para sa text o chat ni Cristof pero wala. Mukhang nag-eenjoy siya doon kaya hinayan ko muna. Nagtext na lang ako ng makauwi ako sa bahay.

Ann: Babe, sa bahay na 'ko. 'Wag kang magpapagabi.

Pero hindi siya nagreply kaya naman hinayaan ko na muna siyang magpakasaya at 'di namalayang nakatulog na pala ako. 

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon