Kinabukasan ay hindi kami nagkita ni Cristof. Marahil ay galit pa rin siya sa'kin at ako naman ay gusto rin siyang bigyan ng kapayapaan sa buhay.
"Ann, punta tayo sa bahay nila Jan," sabi ni Anj matapos ang klase namin isang araw. Maaga ang uwian kaya naman pwede kaming gumala. Alam nila na nag-away nanaman kaming dalawa ni Cristof kaya naman lagi silang nakaalalay sa'kin.
"Saan ba 'yun?" tanong ko habang nagliligpit ng mga gamit. "Saka bawal akong gabihin ha. Unless ihahatid niyo 'ko," pagpapatuloy ko.
Natawa naman si Gen sa sinabi ko, "Sabay na tayong umuwi after natin kila Jan," sabi niya. Dalawa kasi ang paraan para makauwi ako. Isa iyong kung saan ako hinahatid ni Cristof araw-araw at ang isa naman ay sa kabilang kanto kung saan sumasakay si Gen.
"Sama ka na ha!" pagpupumilit ni Anj. "Hatid ka pa namin sa bahay niyo eh," natatawang sabi niya.
"Grabe. Tara," anyaya ko. Kahit na hindi kami nag-uusap ni Cristof ngayon ay nagtext pa rin ako sa kaniya para alam niya naman kung nasaan ako.
Ann: Babe, pupunta kami nila Gen at Anj sa bahay nila Jan. Malapit lang daw. Uwi ako agad.
Tinago ko na ang cellphone ko sa bag at naglakad na kami papunta sa bahay nila Jan dahil sobrang lapit lang nito sa school namin. Nakatira sila sa isang condo unit na pagmamay-ari nila. Tito niya lamang ang kasama niya doon kaya naman pwedeng-pwede kaming tumambay.
"Anong gagawin natin kila Jan?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng school.
"Magfofoodtrip tayo saka manunuod ng movie," sagot ni Anj.
"Sa kalagitnaan talaga ng linggo kayo nagyaya? Hindi man lang Friday gano'n," natatawang sabi ko. Wednesday kasi ngayon at hindi ko alam kung anong naisip nila para magfoodtrip at manuod ng movie.
Nang makarating kami kila Jan ay pumili agad ng movie si Gen at Anj habang si Jan ay nag-ooder na ng Mcdo. Hindi ko maintidihan kung anong trip nitong mga 'to pero masaya akong kasama ko sila ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko para sana tignan kung nagreply na ba si Cristof. Lumundag nang kaunti ang puso ko ng may makitang isang text notification. Nagmadali akong buksan iyon pero gano'n na lang kabilis nawala ang tuwa ko ng makitang text lang pala iyon galing sa Globe. Expired na raw ang unli ko at magsubscribe na lang daw ako ulit. Hala, sige.
"Ito na lang! Final Destination! Panuorin natin lahat ng franchise!" sabi ni Anj.
"Horror ba yan? Hindi ako nanunuod ng horror huy!" pag-angal ko. Muli kong tinago ang phone na hawak ko saka lumapit sa tabi ni Anj at Gen.
"Horror pero hindi multuhan. Mga namamatay lang tapos medyo cringy yung pagkamatay noong iba," sabi naman ni Gen.
Nang dumating ang order namin ay inumpisahan na agad ni Jan ang palabas. Nakahiga kaming parepareho sa kama ni Jan at nakatutok sa TV ang mga mata habang kumakain ng Double Cheeseburger at fries ng Mcdo.
Tinignan kong muli ang phone ko at nagbabakasakaling may text na si Cristof doon pero muli nanaman akong nabigo nang makitang wala pa rin.
Ang Final Destination 1 ay tungkol sa mga pasahero ng isang eroplano. Nagkaroon ng tinatawag na premonition ang lalaking bida na mag-cacrash ang kanilang plane kaya naman natakot ito at sinabihan ang iba pang mga pasahero.
Noong una ay akala nila na baliw lang ang pasahero kaya pinababa na ito pero matapos ang ilang minuto nang makalipad ang eroplano ay bigla itong sumabog. Ang tingin na nila ngayon sa bida ay isang terorista na alam na may nakatanim na bomba sa nasabing eroplano.
May mga sumunod rin sa kaniya palabas ng eroplano dahil natakot na baka nga sumabog ito. Sa unang akala nila ay ligtas na sila pero isa-isa pa rin pala silang mamamatay dahil ito ang nakatadhanang mangyari.
Ang nakakabigla ay kung paano namatay ang bawat isa sa kanila. Ang unang namatay ay nasuffocate ng shower line o yung sinasampayan ng bathroom curtain. Ang pangalawa naman ay marahas na nasagasaan ng isang mabilis na bus na paparating.
Ang pangatlo ay nadulas at noong patayo na dapat siya ay aksidenteng natabig ang mga lalagyan ng kutsilyo kung kaya't nasaksak ito sa katawan niya. Ang isa ay nakaligtas sa paparating na tren pero agad ding nasundan iyo ng may shrapnel o mga pirapirasong metal na lumipad sa gawi ng sumunod na namatay.
Naputol ang ulo nito dahil doon. Ang sumunod ay nakaligtas mula sa sunog. Nakaligtas din ang sumunod mula sa nalaglag na sign board pero gano'n naging kabilis ang mga pangyayari ng may isa pa palang sign board ang mahuhulog sa kaniya kaya namatay din ito sa huli.
Sa buong panunuod namin ay laging nakatakip ang mga kamay namin sa mata kahit na ang totoo ay may nakikita pa rin naman kami. Naging mabagal na nga rin pati ang pagkain namin dahil sa pandidiri sa ibang eksena pero nang matapos ang unang movie ay konting galaw lang ng plastic ay natatakot kami. Gano'n ang epekto ng Final Destination.
Nang matapos ang movie ay tinignan ko kung nagreply na ba si Cristof o kahit nagtext man lang ng kahit ano, kahit wrong send pa 'yan ay papatusin ko pero wala pa rin talaga. 6:00PM na. Sigurado akong tapos na ang klase niya at pauwi na siya pero bakit wala pa rin akong narereceive na text galing sa kaniya.
Nag-enjoy na ata siya masyado na hindi ako kausap. Alam niya pa kaya na may girlfriend siya?
Nanuod pa kami ng isa pang franchise ng Final Destination. Syempre tapos na 'yung 1, ang kasunod noon ay 2. At sa pagkakataong ito ay palala na nang palala ang pagkakamatay ng mga karakter. Nang matapos namin ang Final Destination 2 ay 8:00PM na at kailangan na namin umuwi dahil ayoko na rin masyadong magpagabi.
Nang makauwi ako ay saka ko nakitang nagtext na pala si Cristof.
Cristof: Text mo 'ko kapag nakauwi ka na.
Ann: Kakauwi ko lang.
Pumunta ako sa study table para kunin ang iba kong notes dahil midterms exam na next week. Kailangan na naman mag-aral ng mabuti. Nang maupo ako sa kama ay saka naman nag-ring ang phone ko. Si Cristof. Sinagot ko iyon agad dahil isang buong araw na kaming hindi nag-usap.
Ann: Babe.
Cristof: Hello.
Ann: Galit ka pa?
Cristof: Sorry.
Ann: Sorry din.
Cristof: Kumusta araw mo?
Ann: Okay naman. Pumunta kami kila Jan. Nareceive mo text ko?
Cristof: Oo.
Ann: Bakit hindi ka nagrereply?
Cristof: Nawalan ako ng load eh. Sa may bahay na 'ko nakapagpaload.
Ann: Hm. Nawalan din ako ng unli kanina eh. Ikaw? Kumusta araw mo?
Cristof: Wala naman. Gano'n pa rin. Okay lang. Sabay-sabay ulit kami umuwi.
Ann: Hmm. Uhm, Cristof?
Cristof: Babe.
Ann: Babe, okay na tayo 'di ba?
Cristof: Hm.
Ann: I love you.
Cristof: Hm. I love you.
![](https://img.wattpad.com/cover/228082459-288-k716354.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Fiksi RemajaKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...