"Bumaba ka na nga," sabi ko kay Tristan.
"Sasamahan kita, Si," sabi niya habang may kinukuha sa bag at nagbayad para sa dalawa.
Nang makarating kami sa bahay ay dumiretso na 'ko sa kwarto ko. Inalagaan ulit ako ni Tristan kung paano niya ako inalagaan noong nakaraang linggo na nagkasakit din ako. Ipinagluto ng instant noodles at pinagtimpla ng orange juice at nilagay sa bed table na nasa ibabaw ng mga paa ko.
Hindi kami nagpapansinan, habang kumakain ako ay binuksan ni Tristan ang TV at naupo sa kabilang side ng kama ko, pilit na naghahanap ng mapapanuod hanggang nahinto siya sa Cinema One. Movie nila Gerald Anderson at Kim Chui, Paano Na Kaya ang title noon.
Ang eksena ay naglalakad si Kim mag-isa pero mukhang hinahabol siya ni Gerald.
Gerald: Mae, sandali. Mae, it's not what you think. Mae, please naman, makinig ka sa akin.
Patuloy lang sa paglalakad si Kim na parang nawawala, hindi pa rin pinapansin si Gerald.
Gerald: Mae, wala 'yun. Wala talaga 'yun, kailan ba ako nagsinungaling sa'yo?
Tumigil si Kim sa paglalakad at humarap kay Gerald. Mukhang madaming iniindang sakit si Kim.
Kim: Kailan? Dati, Bogs, hindi. Pero simula ng nakasanayan mo kong sabihan ng mahal mo 'ko naging sinungaling ka na.
Gerald: Hindi, hindi totoo 'yun. Hindi kita mahal? Hindi kita mahal?
Kim: Mahalaga lang siguro, Bogs, pero hindi mahal.
Gerald: Mae, 'wag ganito. 'Wag ganito. Kung hindi kita mahal, bakit ako nasasaktan na makita kitang ganiyan?
Kim: Bogs, minahal mo ba talaga ako? O sinubukan mo lang ako mahalin para hindi rin kita iwan? Ano ba talagang totoo?
Gerald: Gano'ng klaseng tao ba talaga ako, Mae? Isusugal ko ang friendship natin, gagawin kitang panakipbutas? Tapos ano? Para ano? Isinugal ko dahil mahal kita. Kaya lang...
Kim: Ayan. Diyan tayo sumasablay, Bogs, eh. Sa kaya lang. Laging may kaya lang. Never naging simpleng mahal kita, Mae. 'Yun lang naman ang gustong marinig ng kahit na sino, 'di ba? Bakit hindi mo magawa sa akin 'yun? Bogs, walang namilit sa'yo. Walang nagmakaawa sa'yo. Sinabi ko lang naman sa'yo ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kayang itago 'yun. Bogs, sana lumayo ka na lang. Sana umiwas ka na lang. Maiintindihan ko pa 'yun. Pero, Bogs, shinota mo 'ko eh. Shinota mo ang bestfriend mo. Congratulations. Congratulations, natalo tayo.
At umalis na si Kim.
Ilang minuto pa ang tinagal ng pagkain ko pero kalaunan ay natapos din akong kumain.
"Ano bang ginagawa mo, ha?" tanong ko kay Tristan ng hindi ko na kinaya ang presensya niya. Inaalis niya na ang bed table ko.
"Ha? Nililigpit ko lang 'yung pinagkainan mo," sagot niya habang nilalagay sa study table ko ang mga pinagkainan.
"Tristan, ano ba!?" sigaw ko. Napatigil siya sa ginagawa niya at dahan-dahang humarap sa akin. "Ayaw ni Chesca na nandito ka, bakit nandito ka ngayon?" nakatingin sa matang sabi ko sa kaniya.
"May sakit ka. Inaalagaan kita. May masama ba doon?" Sumasakit ang ulo ko sa taong 'to. Matapos noon ay nagpatuloy siya sa pagliligpit ng mga pinagkainan ko.
"Remind lang kita ha, nilalayuan mo ko kasi ayaw ni Chesca sa akin," pilit pinapaintindi na kailangan niya ng umalis kung ayaw niya nanaman magbreak sila.
Humarap nanaman siya sakin, "Remind lang din kita ha, bestfriend kita kaya ako nandito."
"Tristan," seryosong sabi ko.
"Si, ano ba 'yun? May problema ba tayo?" lumapit na siya sa akin saka umupo sa may tabi ko. Ang katawan niya nakaharap pa rin sa'kin.
Ilang minuto ang lumipas pero hindi ako nakapagsalita dahil oras na ibuka ko ang bibig ko ay alam ko hindi na ito titigil. "Gusto mo talaga malaman?" maya-maya'y tanong ko. Tumango lang siya at nag-aabang ng sasabihin ko.
"Weeks ago..." pangbibitin ko sa sasabihin ko. Ramdam ko ang kaba. Pilit pa ring pinag-iisipan kung tamang ideya ba na sabihin ko sa kaniya lahat. Lahat-lahat.
"Weeks ago what?"
"Weeks ago you said things, you did things. Alam ko dapat hindi ko inintindi pero 'di maalis sa isip ko," sabi ko ng nakatingin sa mga mata niya.
"Si," tawag niya sa akin.
"Naguguluhan ako. Ano ba 'yang ginagawa mo? Parte pa ba 'yan ng pagiging magbestfriends natin?" pagtigil ko sa sasabihin ko. "O may iba pang dahilan?" dagdag ko.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Noong araw na nagbreak kayo ni Chesca, niyakap mo 'ko. Nakalimutan mo?" tanong ko pero mabagal na iling lang ang nakuha kong sagot mula sa kaniya. "Never mo ko niyakap ng gano'n. Ano ba 'yun?" Pero tila hindi siya makapagsalita. Hindi makatingin sa mga mata ko. "Nakalimutan mo na din ba na hinalikan mo ako nang araw na yun?"
Muling iling ang nakuha ko sa kaniya. Hindi niya pa rin ako tinitignan sa mata. Tila inuulit sa isipan niya lahat ng pangyayari noong araw na 'yun saka tinatanong ang sarili bakit niya ba 'yun ginawa. "Si, last time I checked, best friends don't kiss each other like that," nagsisimula ng manginig ang boses ko. "And to be honest, best friends don't kiss! At all!" Hindi pa rin siya nagsasalita. "When we kissed, I know we both felt something. Mali ba ako doon?"
"Si, kala ko ba okay na tayo doon?" tanong niya ng nakatingin sa mga mata ko. "Nadala lang siguro ako sa nararamdaman ko. Alam mo 'yung mga pinagdaanan ko noong araw na 'yun. Naguguluhan lang ako."
"At noong sinabi mong nakipagbreak ka sa kaniya dahil hindi ako maalis sa isipan mo? Ano 'yun? Naguguluhan ka lang din ba noon? Ano pa nga 'yung sinabi mo noon? Ah, God knows it's more than that! Naguguluhan ka rin noon? And 'yung sinabi mo na you're falling for me? Naguguluhan ka pa rin ba noon? Na sana ako na lang niligawan mo? I love you? Fuck, Si. You told me you fucking love me and now this," mahabang litanya ko sa lahat ng nangyari noong nakaraan.
"Si."
"At kung binigay ko nga ang sarili ko sa'yo noong araw na 'yun. Para saan? Ha? Para maregain mo 'yang ego mo?"
"Ano bang nangyayari sa'yo?" galit ang tonong tanong niya.
"Ang labo mo," sabi ko at dito na nag-unahan ang mga luha kong kumawala sa mata ko.
"Bakit nga ba hinayaan mo 'kong yakapin ka ng gano'n?" tanong niya na biglang tumingin sa akin. "Bakit mo ko hinayaan na halikan ka? Bakit mo hinayaan na hawakan ki-?" pero bago pa niya matapos ang tanong niya ay nasampal ko na siya. Isang malakas na sampal na kahit masama ang pakiramdam ko, kinaya kong ibigay sa kaniya.
Hindi pa rin magkandaugaga ang mga luha ko sa pagtulo sa mata ko, pinagmamasdan ang mga kamay kong nanginginig dahil sa galit sa kaniya. "I like you," sabi ko. "I liked you since I can remember. Hell, I love you. And the things you do and the things you said to me that night became the sweetest memories I had with you." Tumingin ako sa mga mata niya, "Kaso parang ang bilis mo naman atang binawi," sabi ko na nanginginig ang boses.
Hinawakan niya ang kamay ko pero 'di nagtagal ay kusa siyang bumitaw ng tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa kanyang bulsa, tinignan kung sino saka tumingin sa akin. Pero mas mabilis pa sa alas-kuwatro ang kaniyang naging pagtayo para lumayo sa akin.
"Chesca," sabi niya pagkasagot niya ng tawag.
At sa hindi ko mabilang na pagkakataon, hindi pa rin ako ang pinili. Si Chesca pa rin. Siya pa rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/228082459-288-k716354.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Teen FictionKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...