Isang araw nang matapos ang klase namin ay nag-aya sila Gen at Anj kasama si Jan sa pinakamalapit na mall. Hindi nanaman kami nagkita ni Cristof ngayon dahil madami raw siyang kailangan tapusin para sa klase nila.
"Anong gagawin natin?" tanong ko.
"May bibilhin lang si Jan sa National Bookstore," sabi ni Anj.
Doon ko naalala na kailangan ko pala ng iba't ibang puzzle para sa gift ko kay Cristof. Sumakay kami ng jeep papunta sa pinakamalapit na mall at noong nandoon na kami ay dumiretsoo kami sa National Bookstore.
"Ano 'yan?" tanong ni Gen sa akin. Nasa may stand kasi ako ng mga puzzle habang sila Anj at Jan ay nasa ibang parte ng bookstore.
Tumingin ako sa kaniya saka pinakita ang hawak ko na puzzle, "Puzzle. May naiisip kasi akong ibigay kay Cristof. Alam mo ba 'yung open when na box?" Binalik ko na ang paningin ko sa mga puzzle sa stand saka namili.
"Ay, oo! Igagawa mo siya noon?" tanong niya. Rinig ko ang saya at excitement sa boses niya. Natawa lang ako at tumango bilang sagot sa kaniya.
Matapos noon ay tinulungan niya ako sa pamimili ng mga puzzle. "Ito kaya?" tanong ko, pagpapakita ko sa kaniya ng isang puzzle book na iba-iba ang laman.
"'Yan! Pwede rin 'yan para isahan na lang," sagot niya.
Kaya naman iyon na lang ang kinuha ko. Isa iyong book na may crossword puzzle, word search, sudoku, logic puzzles at iba-iba pa! Basta madami. 200 pages iyon kaya naman sulit talaga.
"Punta tayo sa mga gift wrap. Kailangan ko rin kasi 'yun," sabi ko kay Gen habang hawak ang book na napili ko. Nang makarating kami doon ay pinapili ko siya kung ano sa tingin niya ang pinakamaganda.
"Ito na lang oh," turo niya sa isang gift wrap na color blue, "Ilan ba ang kailangan mo? Kung gusto mo iba-ibang design. Para mas maganda tignan," suhestiyon niya.
"Ay, oo! Gusto ko 'yung idea. Sige, ano pa 'yung isang design?" tanong ko habang kinukuha ang isa niyang napili kanina.
"Ito na lang," sabi niya saka niya kinuha ang isa niyang napili.
Nang matapos na rin sila Anj at Jan sa pamimili ng mga gamit ay sabay-sabay na kaming pumila sa cashier. "Oh, sino may birthday? Bakit may gift wrap ka?" tanong ni Jan.
"May ginagawa kasi ako para may Cristof, sa March pa naman birthday niya pero maganda nang ready na ako," natatawang sabi ko.
"January pa lang. Grabe, effort," sabi naman ni Anj.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ni Jan nang matapos naming magbayad.
"Kayo, wala na ba kayong ibang gagawin?" tanong ni Gen. Iling lang ang naging sagot nila kaya naman umuwi na lang kami.
Nang makauwi na ako sa bahay ay chinat ko agad si Cristof.
Cristof: Nasa bahay na ako.
Kumain ako sandali dahil nagluto si Mommy ng masarap na Buttered Shrimp. Ito ang paborito ko sa lahat ng luto ni Mommy kaya naman naparami ang aking kain. Matapos noon ay nagpahinga ako sandali at nag-facebook.
Doon ko nakita na nagpalit na pala ng profile picture si Cristof. Selfie niya iyon at kahit nakablur ay kitang-kita ko kung sino ang nasa likod noon, si Lianne. Si Lianne nanaman.
Ibang sakit ang naramdaman ko nang oras na makita ko iyon. Alam ni Cristof ang issue ko lalo na sa Lianne iyon. Lagi iyong nakadikit sa kaniya. Ayaw humiwalay.
At mas nasaktan ako nang makita ko ang caption ng picture na iyon.
Thank you Lianne for editing this pic.
Nakalimutan niya ba 'yung mga pinag-awayan namin noong nakaraan? Bakit parang wala lang sa kaniya 'yun habang ako nandito nanginginig nanaman sa selos.
Nakita ko rin ang mga comment sa picture na 'yun.
Kira Laurel Castaneda: Gwapo naman po this guy.
Ria Salcedo: Gwapong-gwapo ng bunso namin ha!
Lianne Lander: Wala man lang pa-thank you para sa pag-edit ko!! Hoy, Cristof!
Cza Salcedo: Pogi ng anak ko...
May iilan pa akong nakitang nagcomment pero tanging ang kay Lianne lang ang nireplyan niya.
Cristof: Ayan na, inedit ko na 'yung post. Sorry na. Haha.
Doon napataas ang kilay ko. Grabe. Wala lang ba sa kaniya lahat ng pinag-awayan namin? Wow. Ni-like ko ang profile picture niya at saka ako nagcomment.
Ann: Sweet niyo naman. LOL.
Ilang minuto lang ay nagchat sa akin si Anj. Gumawa pala siya ng group chat kasama si Gen at Jan at syempre ako sa group na iyon.
Anj: Ann! Nakita ko 'yung comment mo sa profile picture ni Cristof. Baliw ka! Haha!
Gen: Weh?
Anj: Ha?
Gen: 'Yung profile picture ni Cristof?
Anj: Oo.
Gen: Tignan ko nga, teka.
Anj: Magugulat ka sa comment ni Ann! Hahahaha!
Ann: Hindi nga ako pinansin eh! Sayang naman 'yung comment ko.
Anj: Magcocomment sana ako pero 'wag na lang. Baka lumaki pa eh.
Ann: 'Wag na. Sa susunod na lang. Thank you! Thank you! Hahahaha.
Anj: Naiinis ako para sa'yo.
Gen: Hindi ko makita! Ang bagal ng net! Kwentuhan niyo ako!
Anj: Ayoko sa ganiyan! Hindi makaintindi!
Gen: Kanina pa ko refresh ng refresh! Walang lumalabas!!!!!
Gen: Sino away mo!? Bakit?? Inano si Ann??
Ann: Ayoko din naman. Naiinis ako talaga. Seryoso.
Anj: Gusto mo kausapin ko si Cristof?
Ann: 'Wag na. Hindi ka papakinggan noon.
Gen: WALA TALAGA AKONG MAKITA. ANO BA 'TO.
Ann: Natatawa ako ng Gen. Kawawa naman. HAHAHAHA.
Gen: ANO BA KASI 'YUN. WALANG NAGLOLOAD!
Anj: Bukas mo na tignan. Hahaha.
Gen: Resbakan na lang natin! Sino ba 'yan!?
Natatawa ako kay Gen dahil hindi niya alam kung ano ng nangyayari. Sa oras na 'to, isa lang ang alam ko. Matagal ko na 'tong alam pero uulit-ulitin ko, maswerte ako sa mga taong 'to kasi nandiyan sila lagi para sa akin. Kahit anong mangyari.
Kahit na si Cristof ang una nilang naging kaibigan bago ako, nandiyan pa rin sila para sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Ficção AdolescenteKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...