Chapter 6

124 53 30
                                    

Kinabukasan ay maaga ako nagising. Sabado ngayon kaya wala ako masyadong kailangan gawin. Kaunting assignment lang ang kailangan saka isa pa, hindi assignment na assignment ang mga 'yun. Mga bring 1x1 picture, 2x2 pictures, ½ index card saka folder. 'Yung iba madadali lang. Sa Accounting namin pinapabasa lang 'yung Chapter 1. May surprise quiz daw. So, wow, nasurprise talaga kami. Shookt na shookt. Pagkatapos ko magtanghalian ay nagkulong na ako sa kwarto ko at naglaptop. Nagfafacebook, nagtitwitter, at nagyoyoutube.

*Chime*

Cristof: Hey!

Ann: Cristof!

Cristof: Hello! Kamusta na kayo ng bestfriend mo?

Ann: Huh? Haha. Okay lang. 'Di pa kami nagkakausap. Sorry pala kahapon.

Nakarandom naman ata ng isang 'to.

Cristof: Saan?

Ann: Pati buhay ko kasama bestfriend ko nasabi ko na sa'yo.

Cristoff: Isip tayo ng paraan para 'di na magselos girlfriend niya na sobrang immature.

Doon ay napaisip naman talaga ako. Chinat niya ako para dito? Para makapag-isip kami ng paraan kung paanong hindi na magseselos sa akin ang girlfriend ni Tristan?

Cristoff: Dati kasi, ako, mahilig mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa girlfriend ko, kunyari, 'pag 'di kami magkasama, naiisip ko na may kasama siyang iba. May kadate siya, or may bisita sa bahay nila. Gano'n ako dati eh. Super seloso.

Ann: Alam mo kung ano ka? P-A-R-A-N-O-I-D.

Cristof: Oo nga eh. Kasi naman may dahilan.

Ann: Anong dahilan?

Cristof: Ayoko maagaw siya ng iba. Kaya parang napaparanoid ako kasi super mahal ko siya.

Ann: Sa bagay, mahal mo eh.

Cristof: Pero!!

Ann: Pero ano!!??

Cristof: Ngayon, hindi na. 😊

Cristof: May isa pa kong example. Kunyari ikaw...

Ann: Ako? Bakit ako?

Cristof: Eh ikaw eh. HAHAHA. Kunyari ikaw matagal ka magreply, iisipin ko na may iba ka pang kachat na lalaki.

Ann: Grabeeeee. Para kang akoooo!

Cristof: Weh? Gano'n ka rin?

Ann: Oo, sobra! Grabe!

Cristof: Super seloso kasi talaga ako.

Ann: Ako din. Pati mga bestfriend ko pinagseselosan ko.

Cristof: Ohhh, sinong bestfriend mo? Yung may girlfriend?

Ann: Hindi, iba. Babae.

Cristof: Ako din dati may ganoon. Kakaasar kasi eh, dikit ng dikit.

Ann: Kasi alam mo 'yun! Mahirap na. Nag-iingat lang tayo. HAHAHAHA. Lalo na kapag ex ko 'yung pinaguusapan. Hudas siya.

Cristof: Hahahaha. Bakit?

Ann: Well, he cheated on me. Three effin' times. Pero, wag ka, lahat 'yun inamin niya ng kusa. Never ko siya nahuli. Mabait pa rin kahit bwisit siya. HAHAHAHA.

Cristof: Ang saklap naman pala ng past mo.

Ann: Totoo 'yan. Kaya sobrang badtrip ako noon. 'Yung masungit na sinasabi niyo? Totoo 'yun. HAHAHA. Except na lang kung wala kang ginagawa sa'kin.

Ang Simula ng Kwento Nating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon