Hawak-hawak ko pa rin ang phone ko buong magdamag. Pilit na iniisip at pinapanalangin na sana bawiin niya ang sinabi niya, ang tinext niya.
Text.
Hiniwalayan ako ni Cristof sa text na akala mo ay simpleng nakauwi na 'ko ang sinabi niya. Hiniwalayan ako ni Cristof sa text na akala mo ay wala lang sa kaniya ang isang taon na kasama ako. Tinapos niya sa anim na salita ang isang taong relasyon namin.
Simula nang tumulo ang unang patak ng luha mula sa mga mata ko ay hindi na iyon tumigil. Bago matapos ang araw na iyon ay tinawagan ko sila Anj at Gen.
"Hello," sabi ko habang nanginginig ang boses.
"Oh, anong nangyari sa'yo?" sabi ni Anj kasabay ng pagsabi ni Gen ng, "Huy, Ann, umiiyak ka ba?"
"Hindi ko maintindihan. Bakit gano'n?" sabi ko.
"Bakit? Anong nangyari?" rinig ko ang pagkabalisa ni Anj sa tanong niya.
"Si Cristof," nanginginig ang boses na sabi ko, "nagtext sa akin."
"Ano sabi?" tanong ni Anj.
"Sabi niya I..." sabi ko pero hindi ko iyon natuloy. Mahirap para sa akin ang buhayin muli ang memorya nang nangyari kanina.
"Ann..." rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Anj.
"I think we should break up," mabilis na sabi ko.
"Huh? Anong..." tanong ni Gen.
"'Yan ang sinabi niya tapos tinawagan ko siya pero nakablock na 'ko sa kaniya. Tinry ko rin sa messenger pero nakablock din ako. Bakit gano'n? Ang bilis naman. Hindi man lang niya ako binigyan ng chance makasagot."
Gano'n na lang ba 'yun? Paano naman ako? Paano naman 'yung side ko? Paano ko siya iintindihin kung ganiyan?" sunod-sunod na tanong ko.
Matapos noon ay humagulgol na ako sa iyak. Ramdam ko ang init ng mukha ko sa kakaiyak. Walang tao ngayon sa bahay kaya walang problema kung hahagulgol ako magdamag. Nasasaktan ako. Napakaunfair ng ginawa ni Cristof.
"Ann, matulog ka na muna. Pag-usapan natin 'yan bukas, okay? Maaga ang pasok. 'Wag ka magpupuyat," rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Gen.
Ilang oras na ang nakalipas, narinig ko ang pagdating nila sa bahay. Hindi na ako naglakas loob na lumabas sa kwarto. Ayokong makita nila na ganito ang estado ko.
Ayokong makita nila na umiiyak ako. Ayokong makita nila akong ganito. Paniguradong mag-aalala ang mga iyon. Panigurado ring si Cristof ang sisisihin nila.
Alas tres na ng madaling araw at hindi pa rin ako nakakatulog. Basang-basa na ang unan ko kakaisip kung saan ako nagkamali, kung ako ba ang dapat sisihin, kung ako ba ang may kasalanan.
Baka ako nga dahil hindi naman ako iiwan noong tao kung walang mali sa akin. Naging mabigat ang pakiramdam ko at nagpaikot-ikot sa kama ko. Nakatakas lang ako sa pag-iyak ng tuluyan na akong makatulog.
Mukhang mapaglaro ang isip ko nang pati sa panaginip ay si Cristof pa rin ang laman. Sa panaginip ko na iyon ay masaya kami at maayos ang lahat. Sa panaginip ko ay hindi nangyari ang break-up.
Lubos na umasa ang isip ko na sana sa panaginip na lang nakipaghiwalay si Cristof, na hindi ito totoong nangyari, na guni-guni ko lang iyon.
Ngunit biglang bumigat nanamang muli ang pakiramdam ng puso ko nang magmulat ako ng mata at nakitang walang text si Cristof sa akin. Nakita ko nanaman ang huling mensahe na ipinadala niya.
I think we should break-up.
I think we should break-up.
I think we should break-up.
![](https://img.wattpad.com/cover/228082459-288-k716354.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Simula ng Kwento Nating Dalawa
Ficção AdolescenteKailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. Sa dulo tayo nagsimula. "I cried almost every night after the day you broke up with me and tonight...